Monday, January 29, 2007

Two Thousand Eight Hundred Eighty Minutes

I AM BACK TO BACK TO BACK TO BAAAAAKLAAAAA!
Witchelles kong aakalaing pagkashorpos ever ng halos isang taon eh ditangchinabelles din akembang jojogsak - ang pambansang lugar ng mga badinggerzie . . . . MALARS!

Wai sa plano ever kez that Saturday na umatakchinabelles doonchinabelles but then . . earlier that day eh nakareceive akembang ng shorwag kay Claudine - ang pinakamaasim kong friendiva na pinaglihi yata sa kinalburong hilaw na kamias . . . . at bukod pa sa kanya eh pati si Rica eh out-of-blue eh bigla ding nagparamdam. Naloka naman daw ako dahil medyo ma-orgality of culture na din akembang na nag-solo-flight dahil witchelles ko naman bet na gambalain ang mga buhay-buhay nila at nagpasko at nagbagong-taon na nga't lahat lahat eh witchelles pa rin kami nagkakasight-sight.

Naging bisi-bisihan naman kasi ang Lola Rica sa kanyang world tour na pati ang Papua at Cambodia eh witchelles niya pinalampas at si Claude naman eh as usual . . . . pag inaatake ng kabaliwan eh super-retreat sa sarili niyang mundo ever na siya lang ever ang nakakaintindi ever! Ever!

Parang yesterday's dream lang . . . . super remember kez pa ang nakakalorkey hey hey hey na momentzzz namin ditangchiwa sa Malars na nakapagpasimula ng blogsivang itekla at itekla na naman . . . may another momentzzz na naman akey na tinatalak.

As usual eh akembang na naman ang pinaka-early-bird-catches-the-worm ang eksena kaya waiting-in-vain na naman ang drama kez sa buhay sa kanto ng Nakpil at Orosa habang ninamnam ang e-coli bacteria sa mga fishball at tukneneng na nilalapsalauriat kez and at the same time eh mega-sightsiva sa mga badinggerzie na rumarampa sa harap kez at in fairness . . . . halos washington na akez learnchi. Different faces . . . . . different names . . . mga fresher version of ourselves. Kakaloka!

"Bernardina!"

Nahearsung kez ang boses ng baklang Rica na halos umalingawngaw sa apat na sulok ng Malate.

Nang makanearness-of-you na siya eh as usual . . ang madugong ritwal ng besohan . . . . isang ritwal na witchelles na witchelles mawawagtus sa mga baklang magkakaibigan.

"I heard that you have a new tarbaho na ha," chika ni bakla, na halata namang wicthelles concern ang nasa jisip kundi ang intensiyong makasagap ng latest chismis.

"True," talak ko.

At tinalak ko sa kanya ang litanya ko sa bago kong workaloo at ang lahat ng pinagdaanan kong malasoap-operatic na momentz the past month.

"Hay naku maresssseeee . . . . .keri lang yan. I know you naman. Look at the brighter side of things . . . . maganda ka pa rin naman," chika na Ricang punung-puno ng kajijian.

"Ano na naman ba ang mga pumasok sa isip nyo at nagyaya na naman kayo dito?" askiley kez.

"Oh well! It's a time for joy . . . a time for peace . . . a time when hearts are set free . . . ."

Naloka naman akembang sa linya. For the sake na may maitalak ang bakla eh pati ang songaling ni Jamie Rivera eh irerecite.

"Kailangan natin to have fun. It's a new year. And we need to start this with a bang!"

Di rin nagtagal at nag-grand-entrance na ren si Claude at after a few minutes eh dumating na ren si Francheska.

Di na nagpatumpik-tumpik pa ang mga veykla at umatakchinabelles na sa Bed.

As usual eh jampacked na naman ang lugar. Witchelles ko bet magpakaipokrita or whatever but then nung gabing iyon eh parang witchelles ko bet mangarir. Ewan ko ba pero parang wala akez sa mood.

Gumetching na kami ng mga drinkaloo namen at humanap na ng spot na pedeng territoryohin.

Yung last time na umatak yata akez sa Bed eh yung na-sight ko pa si Vicky Wet! Kalorkey at ngayon eh nyortista na ren siya. Hahahaha.

Sa hayun na nga, mega observation lang akey sa karagatan ng sangkabaklaan na parang sinasamba ang mega-danz-danz na music. Isang gathering ng mga nilalang na may iisang hangarin . . . ang magpakasaya . . . . at kung sinusuwerte eh humada o magpahada at pag super suwerti talaga eh ang ma-take-home na parang Kenny Rogers lang. Nakakatuwa nga naman pag super sight ka sa kanila . . . super dance galore to death na parang wala nang haharapin pang kinabukasan para magdance . . . . mega-jump up and down . . . . . at most of the time eh mega ma-yummy effect para naman bumenta that night.

I'm on my thrid beer . . . . si Rica at si Francheska eh karir mode na . . . kaming dalawa na lang ni Claudine ang parang mga tuod na miyembro ng Confradia de San Jose - mga manang na parang napaglumaan na ng panahon . . . . pero . . . . . may biglang yumanig sa nananahimik kong mundo.

Sa isang ledge sa dancefloor eh may may-I-sight akong bagets . . . . unang sight ko pa lang sa kanya eh kakaibang shockwave na ang na-felt kez sa flat kong mga dibdib. Natuwa naman ako . . . . . . bagets, nagpaalam akez kay Claude at chikang aatak lang sa dancefloor.

Umatak nga akez para lang makalapit sa kanya.

I was standing a couple of feet away from him. He's up there sa ledge . . . above me and the others. Super dance siya to the highest level. He's different compared to all the utawsingbelles doonchinabelles. He's super white . . . as in . . . . white . . . parang kokomban! Nakajacket siyang itim . . . and his whole porma is super kakaiba na he stands out. Parang ang packaging niya eh isang punk-goth-rock star. Sa porma pa lang niya eh alam mo nang hindi siya generic na parang karamihan sa mga badinggerzie doonchinabelles na parang Tide na meron ka lang tatlong piso eh makakabili ka na sa kahit na anong suking tindahan.

Witchelles akez gumagalaw sa kinatatayuan kez. Super drinkaloo lang akembang ng beerangju habang super-sight sa kanya. Ayaw din talagang magpaawat ng mga tingin ko.

Nang tumagal-tagal eh parang betchay ko nang lumapit ever nang ma-experience ko naman siya ng malapitan . . . pero pag-sight kez eh may mga veklores sa harapan niya super enchance sa kanya . . . na-kyorkot naman akez na kumropit dahil obvyosa namang nag-set-up na sila ng defensive perimeter sa lugar na iyonchie na kung sinetchiwa man ang kumropit eh sure na sure na kundi tadyak eh siko sa ilong ang maaabot.

Wai akez magawa kundi kag-sight lang sa bagets. Witchelles ko learn kung kag-sight ren ba niya akey hey hey hey pero at that point eh witchelles ko naman bet magpaka-ilusyonada para jisiping super-sightsiva ren siya sa ken.

"Uy magsayaw ka naman . . . " chika ni Francheska na bigla na lang nag-appear sa likod ko.

Humarap ako sa kanya. At hinila palabas.

Super ask siya kung saanchienabelles kami aatak, pero hinila ko lang siya hanggang makaesquierda kami ng Bed.

Chika ko sa kanya na I just needed a breath of fresh air.

Jumupostrax kami sa labas at gumetching ng mas mumurahing beer.

Super laklak to death lang akez.

Super wonder-bra naman si Francheska, kung anung meron . . . hanggang chinika ko sa kanya ang bagay na parang ni minsan eh witchelles ko najisip na ichichika kez sa tanan ng buhay ko.

"I think I'm in love!"

"Ha?!"

Ma-giraffe iexplain . . . . madaling sabihin na masyado lang akez na-excite at super exaggerated lang ang declaration kez . . . pwede ring sabihin na sa tuwing nakakalembang ang kampana ng kabaklaan kez ng isang betty-mae kez eh naichichika kong "I'm in love!" Pero . . . keri kong ichika with deep conviction . . na iba ang na-felt ko that night . . . . . iba . . . as in ibang . . iba.

At felt na felt kong witchelles din naniwala si Francheska. Pero may-I-best-in-supporting-actress na lang ang drama niya.

"E di lapitan mo. Kausapin mo . . . . Who knows?" chika niya.

Matagal-tagal din akong nag-jisip at nag-jipon ng lakas ng loob ever. Pagkashorpos ng shotlong beerangju eh hinatak ko na siya pabalik ng Bed.

Dire-direcho akez sa dance floor . . . kung saanchienabelles ko siya huling-huling na-sightchinabelles but then . . . pagdating kez doonchienabelles . .. . eh . . . harsh of all harshness . . . . he wasn't there anymore.

Shit!

Sinuyod ko ang buong dancefloor . . . .. wala siya.

Bumalik ako kala Claudine at chinikang may hinahanap ako . . .

"This is it . . . this is really reallly it . . . . "

Tinaasan lang ako ng kilay ng mga bakla.

Deadma.

Umisquierda ulit akez at nakipagsiksikan paakyat sa second floor mireseng makipagsikuhan akez at magkamatay-matay ang mga dailiri ko sa paa sa kaaapak ng mga bading.

Sinuyod ko ang buong second floor, pati ang CR at pati na rin yata ang mga ilalim ng couch eh sinilip ko. Nowhere in sight ang bagets-come-punk-come-masarap-bonahin-come-one-come-all!

Bumalik na naman ako kala Claudine.

"How can I lose a guy? How can I lose a 5 foot 6 guy . . . divinely white . . . guy who just took my breath away . . . "

Parang akong si Sisang baliw-baliwan sa harapan ng mga friendiva ko na nakanganga lang at wa sa pagkareact. . . I swear . . . I could've gone wild and gone ballistic that momentzzz pero . . . pinigil ko lang ang sarili ko.

"Doon tayo sa taas . . . marami ka pang makikita don," sabi ni Francheska . . .

Even though witchelles ko bet ng iba . . . marami man sila . . . . isa lang naman ang gusto ko that night . . . nagpahila pa ren ako kay Francheska.

Sa kalagitnaan ng pakikipagsiksikan namin para makarating sa second floor eh parang biglang huminto ang oras.

Huminto din ako. Hawak-hawak ni Francheska ang kamay ko. Hinihila niya ako pero parang nasemento ang mga paa ko. Hila to death pa ren siya sa aken.

"I will not move from this place forever," chika ko kay Francheska habang nakasight ako sa bagets na kaniney ko pa ineeffort na masightchinabelles.

Wala nang nagawa si Francheska. Umisquierda na lang siya at jiniwan na akez doon sa kinatatayuan ko.

That whole time eh nakasight siya sa aken. Nakasight din akez sa kanya.

Hanggang sa lumapit na lang siya sa akin at ibinalot ang mga kamay namin sa isa't isa.

Nagyakapan kami nang super higpit na parang old lovers na first time uli nagkita after 47 years and 11 months.

At simula nang mga oras na iyon eh literal na witchelles na kami naghiwalay . . . . the first minute was counted . . . . and there are two thousand eight hundred and seventy nine more.
*

No comments: