Wednesday, May 31, 2006

STRANGER in DAVAO (part 4)

THE SECRET IS OUT


Bading ako . . . . .
Bading ka . . . .
Bading sila . . . ..
Bading tayong lahat . . . .. .

Who cares?
*

Itechiwa lang ang mga salitang naglalaro sa isip ko na parang mga gamu-gamong jumijikot-jikot sa apoy ng shondila, habang nasa carumba ni DEEP VOICE.

Pagkagaling sa Jack's Ridge eh ask si DEEP VOICE kung ngaraggedy-anne-and-andy na raw ang drama ko. Talak ko, witchelles pa naman. Sabi niya may isang place pa raw kaming aatakan, "more private."

Akez naman eh Go Japan! lang.

Matapos ang usapan nila ni Councilor cherva-er-er-chervavich eh witchelles ko na kinailangan pa ng paliwanagan o ng mahabang eksplanasyon na parang na-feel na rin naman ni DEEP VOICE. Witchelles din naman niya dinepensa ang sarili. Gustuhin ko man ng confirmation tungkol sa mga jinijisip kez eh parang witchelles ko na ren na-bettan dahil baka eynimomentz eh mas harsh pa ang marinig ko at magsisi lang akez in the long run. Shit! To think of it . . . . I got myself into a deep shit kung sakali, pero deadma.

Noong unang panahon eh mejo witchelles ko feel ang mga drama ng mga klosetang veklores. Ewan ko ba pero parang witchelles ko lang talaga sila feel. Siguro dahil sa fact na out ako at sila hindi. I mean, parang wrong. Alam kong I'm in no position to judge . . . but parang I feel bad for them . . . na ako itong pinker than pink ang drama samantalang sila eh witchelles man lang makapagladlad maski isang-inch ng kapa nila. I know, they have their reasons. But feeling ko eh instead of making things better . . . . eh parang mas na-o-opress naman siletchie. At parang unfair din . . . for them . . .

Ano ba ang mga rason kung baket witchelles makapag-out ang isang veklore????

(1) Ang pinaka-common na rason eh ang eksena ng kanilang "Familia Zaragoza". May strict na father o may muder na aristocratic . . . . kultura ren siguro . .
.exemple gratia: learn kez na sa super-mega-over chines na family to the most
traditional level eh witchelles bet ang halamang-dagat na member.


(2) Masyadong mababa ang pagtingin ng isang kloseta sa "sangkabaklaan" para
ihanay ang sarili niya sa mga ito. Witchelles niya kering shonggapin sa sarili
na veklore siya. Witchelles! Kahit na learn naman niyang nota din ang habol
niya. Go pa ren siya living a pretentious life.


Pero ganon talaga ang life. At may ganon talagang utaw. It doesn't mean na mas mababa ang uri nila. Live and let live, chika nga.

From Jack's Ridge eh umaatikabong maTagalog-movie-greats na biyahihan ang naganap.

More na pasikut-sikut na kalsada, nagdidiliman at nagtatarikang bangin.


Hanggang sa nakarating kami sa parang nag-iisang balaysiva lang sa lugar na yon.

At super daks na balaysiva itez take note. At take note, rest house lang daw yon ni DEEP VOICE. Kapag witchelles niya bet ang mga eksena niya in the real world eh sinsegregate niya ang sarili, umaataksiva sa balaysiva na iyonchienabelles at super rest sa house. Kaya nga siguro shinorwag na rest house. Corny!

Kakaloka.

Pag enter-the-dragon pa lang namin eh naloka na akez. Pag-on ng lights eh sumalubong sa ken ang mga banga na mas malalaki pa yata sa akin. At ang floor . . . . marble kung marble ito ha na sa sobrang kintab eh keri-kering manalamin.

Dumirecho kami sa living room. At jupostrax naman akembang sa isang couch na sobrang daks din at super lambot na parang nangangain ng tao.

Nag-excuse si DEEP VOICE.

Akez naman eh super waiting-in-vain lang don at super jisip sa mga nagaganap. Baka eynimomentz eh may umataksiva na lang doonchienabelles na mga Mang Jun Pulistiko at damputin si DEEP VOICE not knowing na drug lord si powtah. But then no! Siguro naman witchelles.

Pagbalik ni DEEP VOICE eh haves na siya ng isang bote ng Chardonnay (hindi ko kinaya ang kasosyalan ng nomu ha) at dalawang glass. Mega drinkaloo lang akez dahil paminsan-minsan lang nasasayaran ng mamahaling alak ang lalamunan kez . . . pasko pa.

Habang ninanamnam kez ang mamahaling alak eh biglang tumalak si DEEP VOICE.

Kung ano man ang mangyari eh ready na akez, since andon naman na ako. Kung bet niyang kunin na ang lahat sa akin eh go lang ng go. May magagawa pa ba akembang? Sa mga oras na ganoonchienabelles eh wala nang panahon para pa i-test ang pagkaganders at magmiganju.

"Mayroon akong dapat sabihin sa 'yo," talak ni DEEP VOICE. At serious kung serious ito.

Shinornix kez kung anech naman yonchie na dapat niyang ishorlak.

"Pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sabihin or not," talak niya another.

Make up your mind ha! I'm always here . . . . waiting for you to attack! Charing!

Hanggang sa lumabas sa mga bibig niya ang mga nakakashombling na salita na mas nakakashombling pa kaysa sa pag-shorlon sa bangin ni Lady Choi!

"I have 2 kids na . . . . . . "

Yes . . . oh yes . . . . . he is indeed a PAPAble . . . .Papa as in . . . you know . . . . with kids.

Naloka naman akez at biglang nawala ang pag-iinit na kaniney ko pa nafi-feel sa shortawan kez. Napaupo akez ng direcho. Witchelles ko learn kung anech ang itatalak ko and besides, witchelles ko rin naman learn kung baket niya tinalak sa aken yon noh! Kung ang plano niya eh sirain talaga ang libido ko eh pwes . . . . successful siya.

Super waiting-for-tonight si DEEP VOICE sa kung anechiwa man ang ishoshorlak kez but then, wala din siyang nahita. Wa akez spluk.

Shumoyo siya. Super smile, "It's fine naman for me if you know . . . you don't want to do it . . . with . . . someone like me who has kids already."

Sa truelili lang, witchelles naman sa ayaw ko . . . . witchelles ko lang learn kung anech ang magiging reaksyon ko. Okay lang naman noh. May nota pa ren naman siya. Luluki pa ren naman ang tingin ko sa kanya, kahit na may mga junakis morrisette na siya. The thing is, I never like did it before with a real Papa . . . I mean, I might have had sex na ren with a "Papa" nang hindi ko learn, pero at least eh hindi ko nga learn . . . eh si DEEP VOICE, kelangan talaga bang ipalearn sa 'ken. Harsh!

Tumagal pa ng ilang minuto ang dead air sa pagitan naming dalawa nang biglang nag-ringaling ang fonilya niya.

Nag-excuse siya at umatksiva sa kusina.

After a few moments eh nahi-hearsung ko na siyang nakikipagtalakan as in warla mode sa kung sinech man ang kabersahan niya sa fonilya.

Naloka na naman akembang at this time, with matching jugjug . . . . . jugjug . . . . sa dibdib.

Is this not it?!?!?! Is this really really not it?!?!?!?!

Pagbalik niya sa sala eh ibang-iba na ang mood niya. Nag-sorry siya at chinika niya na we have to go. Bet niyang ihatid na muna akembang sa hotel chenelyn but then, chika niya na may dapat siyang atakan agad-agad. Kaya't hinila na niya akembang, joinlackes sa carumba at druvang to the fastest maximum level.

Witchelles pa kami nakakalampas sa Jack's Ridge, mga wala pang thirty-minutes eh nag-enter kami sa isang subdivision . . . . at nag-stop sa isang block ng mga housing units na identical. Chika niya sa 'kin na mag-stay lang daw akembang sa carumba. So, akez naman . . . with matching all the kaba and the facial expression of "what's goin' on?!???!?!?!" eh mega-sit na lang.

Bago pa siya maka-josok sa isang housing unit eh jumukas ever ang shintuan at lumabas ang isang babaeng ka-karakas ni Martha Stewart, pinay version nga lang . . . . with all the pearls . . . the matching blouse and pants and don't forget the handbag. Parang warla ang bilatchus, witchelles ko nahi-hearsung kung anechiwa ang nangyayari doonchienabelles pero I got this feeling na umaatikabong ratratan portion ang sumalubong kay DEEP VOICE.

Kaloka.

After a few minutes eh may menchus naman na lumabas din sa balaysung. Wala rin siyang magawa . . . . dahil niraratrat din siya ni Martha Stewart look-alike.

Ang harsh ng eksena dahil unang-una eh para akong mega-watch ng silent movie. At pangalawa eh I can sense a disaster unfolding right before my eyes. At andon akez . . . . na walang kamuwang-muwang . . . .

Si VAL!!!! Parati na lang si VAL!!!! Si VAL na walang malay . . . ang drama ko sa buhay. Parang bet ko nang bumaba sa carumba ng dahan-dahan at isquierdahan ang lugar but then no . . . para rin akong nasa point of no return.

Kung anech man ang eksena doonchie eh wala akong definite na idea pero felt na felt kong witchelles siya happy moments.

+

Medyo matagal bago pa nashorpos ang eksena. Nag-ending siya nang sumakay na lang bigla ang bilat sa carumba niya at umisquierda.

Inimbitahan akez ni DEEP VOICE sa loob 'nung housing unit. Na-learn ko kung sinech ang menchus. At nagpaliwanag si DEEP VOICE.

I will not go into details for the sake of DEEP VOICE . . . . (and for the sake of my life . . .echoz!) but then, kayo na lang ang humusga.

Nakauwi din ako sa hotel. Nakatulog ng mahimbing at ginawa ang trabaho na dapat ko talagang gawin si Davao.

It was a helluva experience for me . . . .

+

We all have secrets . . . . . As we go on with our everyday lives, we meet and encounter people that at first look, we could have an idea of the totality of their character. But that is not enough . . . .

Behind a smile or a beautiful face . . . . underneath it might lie something that is not supposed to be seen or known.

Whatever the reason . . . . would be a mystery . . . .

But secrets are bound to be discovered.

The question is . . . like the song goes . . . "How do we ever keep a secret?"

But once the secret is out . . . . . . .

Do we stay in the shadows of our own deception or we accept the fact that the SOLUTION IS "OUT" . . . . ?





Photobucket - Video and Image Hosting

No comments: