Tuesday, April 25, 2006

STRANGER in DAVAO (PART 1)

Summer is just around the corner kaya pagkalabas kez ng balaysung eh mega best in summer wear na akembang with matching sunblock and shades na sa sobrang dakil eh mahihiya pati si Audrey Hepburn sa Breakfast in Tifanny's.

Gumetlack akembang ng shoxiebelles at sabay talak, "Sa airport . . ."

Haves akembang ng another raket sa Davao. Second time ko nang umataksiva doonchienabelles at ang first time na atak kez eh witchelles na nga akembang nakapagenjoy dahil ngaragan portion eh nawalan pa akembang ng cellphone at laptop. Haggardness to the fatalistic level.

That time eh dalawang araw na lang eh Fashion Week na and yes oh yes! Pinagpalit kez ang mga glamorosang raket for Fashion Week para sa Sales Convention ng instant noodles. Yes! Da 'vah from runway sana eh pang-kusina lang ang bagsak ng beauty kez. But then, of course eh you know naman . . . . budjey comes first. Eh mas malaki ang budjey ng instant noodles eh kaya go lang ng go!

Pagdating sa Domestic Airport eh sinalubong na kez ng counterpart ko sa Universal Robina . . . si Dakki. Noong una kong nasightchinabelles si Dakki eh parang nakita ko na ang soulmate kong matagal-tagal ko nang hinahanap-hanap. Narinig ko ang mga kalembang sa tenga ko . . . . . which signals na siya na ang lalaking maghihintay sa 'ken sa dulo ng altar with a wala nang kinabukasang-"Sam Milby smile", habang kumakanta ang Madrigal ng "Sana'y Wala Nang Wakas". Na-felt ko, as in felt na felt na felt . . . . siya ang lalaking magtataguyod ng pamilya ko at magiging ama ng mga anak ko . . . . shet! May pagka-chines itung si Dakki, or rather chines talaga siya at ang kutis eh parang kokomban na matapik lang ng kaunti ni Madame Sandra eh namumula nang daig pa ang kinalburong mabolo. And the way he moves and speaks eh parang learn na learn mo nang simula pa lang pre-school, hanggang kolehiyolo hanggang post-graduate eh LaSalle ang pinapasukan nitu with matching hatid-sundo ng chedeng na may druvang na may hawak parating dakil na payong.

Kaso nga lang eh may angking ka-bubistrihan itung si Dakki, which makes me wonder kung paano siya napadpad sa masho-as sho-as niyang posisyon sa kompanya nila. Oh well! Ayaw ko mang maging judgmental pero sabi nga nila . . . . No One is Perfect!

Anyway, pagdating sa airport eh pinabitbit ko na sa kanya ang mga bagelya kez. Oo naman noh! Para naman magkasilbi siya, ako na nga ang lahat na gumawa ng trabaho niya for the past month! Echoz! Gentleman lang talaga siya. Tarush noh! Babae talaga ang tingin ko sa sarili ko.

Pagkapostcard mag-check-in eh super waiting-in-vain lang kami sa VIP lounge. Powerful naman kasi si Dakki, marami siyang friends sa Cebu Pacific. But then, witchelles ko pa man na-aabuso ang libreng kape sa VIP lounge eh . . . . . "Flight no. chenelyn chenelyn bar bound to Davao is now boarding at gate chenelyn . . ."

Imberna!

So, go kami sa kainitan ng araw paatak sa jeroplano.

"Sa loob ng tintayang dalawang oras at dalawampung minuto, tayo po ay lalapag sa pandaigdigang paliparan ng Davao. Ikabit na po natin ang ating mga sinturong pangkaligtasan dahil tayo po ay lilipad na . . . ", sabi ng super gwapong flight steward na nagngangalang Ricky sa mic.

Habang nasa flight eh, I can't help but imagine . . . . . sa totoo lang eh isa sa mga pinaka na eh wildest pang pangarap ko eh ang makapagdookit sa isang super gwapong flight steward sa loob ng napakasikip na lavatory habang pa-crash landing na ang jeroplano. Siyempre naman noh . . . last momentz mo na yon on Earth . . . . better spend it wisely!

Anyway, after nga ng tinatayang dalawang oras at dalawampung minuto eh nakalapag din kami sa pandaigdigang paliparan ng davao.

Kakaloka pero in fairness . . . . . . wala kong masasabi sa airport ng Davao . . . as in na maliwanag na nilalampaso nitu ang lahat ng airport sa Pilipinas including NAIA. As in . . fabulous siya. Yun lang!

From the airport eh mahaba-habang biyahe pa another ang tinahak namin paatak sa Marco Polo Davao.

To be honest eh witchelles ko na nga iniisip ang convention the following day eh . . . ang tanging nasa isip ko lang ang mag-enjoy . . . . at mag-enjoy. Shet! Ang harsh ko noh?!

Pagdating sa hotel eh super check-in at buong akala ko pa naman eh magkajointforces kami ni Dakki sa room at nang makapagpulo't-gata na kame at looooong last . . . . . . . but then no! Tig-isang roomaloo talaga kami. Since keri naman daw na magwaldas ng salapi. Go lang ng go! At dahil 'jan hanggang pati sa niyosi kez eh ni-reimburse kez.

Anyway, after namin makapagsettle-down sa aming mga rooms eh betchay ko nang simulan ang Davao escapades kez. Inaya ko si Dakki but then, betchay daw muna niyang magrest. Text na lang daw niya ako pagdinner na.

So, hayon na . . . may I para akembang ng shoxiebelles na witchelles aircash. Trulagen! Haves talaga doonchienabelles ng shoxiebelles na witchelles aircash at ang flagdown eh 26 peysos at bawat pitik ng metro eh piso. Kaya siguro ang biyaheng parang from Baclaran to Fairview and back eh wala pang one hundred peysos.

Umatak akembang sa SM, more walkathon, more aurahan portion pero ligwak . . . . walang happy people. Tapos umataksiva akembang sa another mall, NCCC . . . kung anik man ang ibig sabihin non eh witchelles ko na inalam.

So, walk another . . . aura another . . .

Then, biglang pumasok sa jisip kez ang tinalak ng isang friendiva kez . . . . "Whenever in NEED . . . . internet is the answer"

So . . . . internet café ang bagsak kez.

Open ng MIRC at super chat sa . . . saan pa . . . e di sa DAVAO channel.

With na handle "Stranger in Davao" eh naghanap talaga akembang ng, you know, People Like Me . . . since I'm stranger in the area . . . siyempre super sightchinabelles akembang ng kachokara . . you know . . . to show me around . . . . to make gimik with me . . . have some coffee . . . or something more . . . .

Anyway, may isang goodhearted na guy ang nag-private sa 'ken. Even though, witchelles daw siya badinggerzie . . . straight na guy siya pero super close lang sya sa mga badinggerzie. Hayon, chinika niya sa 'ken na majijirapan daw akembang na makasightchinabelles ng "booking" sa channel na iyonchie. So, super suggest siya na umataksiva akembang sa channel na "Davaos*x".

Naloka naman akembang.

Super shornong akez kasi eynimomentzzzzz . . eh hetero channel iyonchie at baka mabalahura lang akembang ng todo-todo.

Chika niya, witteles!

So, go lang ng go!

Hayon na nga.

Pag-atak ko doonchie at pag-announce kez na stranger nga akembang . . . just arrived in town and all those achuchuchu . . . eh pinutakti agad akembang ng sangkatutak na private. Kakaloka.

Sa pagkakataong iyon eh magaganap na ang elimination period.

Pakitaan ng pichurs . . . and more chika-chika delight . . . witchelles naman akembang particular sa looks . . . . for me . . performance counts! Echoz.

So . . . from 15 semi-finalists . . . . . eh nakapili akez ng shotlo . . . na ginivesungan kez ng numbererette kez.

After non eh ginutom na akembang at super laps . . . then flyback sa hotel dahil learn kez na eynimomentz eh may schedule na . . . .

Bago pa akembang makaligo eh haves na ng texter's choice award . . . .

Si . . . Ed Michael . . . . .

TEXT:

Hi. Ed hir, u giv m ur nmbr s chat earlier. R u free na b?

To be continued.

Friday, April 21, 2006

THE "NOT SO" TWISTED WORLD OF JESSICA

Heto na nga! Since witchelles akey tinigilan ng sandamakmak na messages at email na super-demand ever kung aniklavu ang nangyari kay Jessica eh heto na . . . ibubuhos ko na.

As of the moment of this writing eh, I think mga 2 months na ang nakakalipas nang naka-flyuk ang my ever-dearest Jessica. Shet! You see how time flies?!

Anyway, hayun na nga.

'Nung gabing yon, nung super orwag si Miki eh direcho agad kami ni Claude sa Makati Med. At teka, bago ang lahat eh merong mga super-curiosity-kills-the-cat kung sinetchie uchimigawa si Miki. Hayon. Tumingin kayey sa sho-as arabum arabelles arabumbumbelles sa "Tingnan mo ko" banner . . . hayun ang Norweigian fly-in model, syempre, photo courtesy of Badinggerzie.

Loka da 'vah?

Hayon na nga . . . super suspense-thriller ang drama namin ni Claude on the way sa hospitality of culture. Naloka din ako dahil ang akala kong si Claude na may pusong pinatigas pa sa erna ng isang utaw na lumafang ng isang toneladang saging na lakatan eh may kapasidad pa rin palang maawa sa isang taong super binabalahura niya.

Pagdating namin sa emergency room eh nasightsiva na namen si Miki na jikot ng jikot na parang butiking na-tinga.

Nung nasightsiva niya kame eh bigla na lang siyang lumapet at napahinga ng malalim.

"Ay ran ran wana doo"

Ano raw . . . . . .

"Ay ran ran wana doo"

Potah. Siguro kung witchelles lang akey ngarageddy of culture 'nung mga oras na iyon at medyo tarantella eh nag-walk-out na lang akembang.

I don't know what to do daw . . . .

Hayun naman pala eh. Buti na lang eh may experience si Claude dealing with special child. Echoz!

Shinornong ni Claude kung nasaanchiewa si Jessica.

"Hisa stella ensad"

Ano raw uli . . . bat may stella L. na eksena?

He's still inside daw . . . .

Potah. Parang battle of the brains itu ha.

Shinornong ko siya kung anechiwa ba talaga ang nangyari.

Sa madaling sabi . . . ayaw ko na lang paduguin ang ilong ko pero . . . hayon pagka-isquierda raw nila sa Embassy at pagjuwelya sa Shang Makati eh dumiritsu na raw si Jessica sa nyi-arette at naloka na lang daw siya nang may ma-hearsung siyang super crayola to death sa loob ng kwartong pangkaruwagan. At hayon, pag enter the dragon niya eh na-sight niyang bloody mary na nga ang kamay ni Jessica.

Witchelles din daw niya learn kung anechiwa ang drama nung baklang may bukod sa may spotlight syndrome at bukod sa may short-term-memory-gap at bukod sa may malaking galet sa salapi eh may suicidal tendecies pa.

After siguro thirty minutes yon ng madugong usapan ng mga baluktot na ingles eh may jumubas na doktor in a white long gown at chinika kami kung kami daw ba ang kajoint-forces ni Jessica.

"We did everything that we can . . ."

Talak ba naman ng doktor. Harsh!

Parang itu ang favorite punchline sa mga telenovela kapag nashigbak na ang isang karakter ha.

"But he is still ang screaming fagot!"

Echoz!

Ang trueliling chika ng doktor eh keri naman na raw si Jessica. Minor injury lang naman, at witchelles naman kalaliman ang dinulot ng buckle ng Gucci na belt.

At doon ay halos isinuko ko na ang lahat-lahat sa akin nang ma-hearsung key hey hey hey ang talak na yon.

Gucci belt talaga ang ginamit ng baklang halimaw para pagpakashukamatay ara?!

Eksena ha!

At biglang lumabas na rin si Jessica sa ward na hapung-hapo na daig pa ang eksena ng isang comfort-gay na pinilahan ng tatlong batalyong hapones nung panahon ng giyera.

"I should've died," talak ng baklang Jessica na super trying-hard na magpapatak ng luha kahit sa sobrang kaOAyan niya eh papasa na siya para sa Etheria.

Pedeng-pede ko namang sabihin na, "Oo nga. Dapat natigok ka na. Sana sinundan mo lang ang madilim na ilaw pababa. Yon ang sundo mo nang mabawasan na ang mga baklang may maiitim na buto sa lupa . . . " But since being an always politically-correct gay eh ang tinalak ko na lang eh, "No, dear. Kaya mo yan. You can definitely manage."

Shet! Best in nyostikera of the year awardee naman akembang bang klang klang klang!

"I should've died . . . . I should've left this world and be in peace. Hindi ko na kaya. I should've died in the creation of my god (malamang eh yung Gucci yon)."

Deadma na lang akembang at super himas na lang kay Jessica na super inimagine ko na lang na isang pusang ligaw na gutom na nga eh nahulog pa sa imbornal. At si Claude naman eh naka-iwas ng tingin with matching tirik-tirik ng eyeballs on the loose.

Pero deadma na. Dinamayan ko na lang siya to the best na kinaya ng sikmura ko.

Seriously (and dautan aside), after that eksena eh witchelles na rin naman tinalak ni Jessica kung aniklavu ang naging drama niya at nagbali-baliwag portion siya at najisipang magshukamatay. Siguro, later on, eh pati sya eh nahiya sa mga pinaggagagawa niya.

Pero, it's a serious matter.

Maski naman siguro na witchelles aminin ni Jessica ang dahilan eh para sa akin eh super obvious naman.

Imagine a person na a couple of years ago eh super salat sa pamumuhay na halos pangkain na lang eh shinishipid-shipid pa para lang may pamasahe para pumasok sa eskwalahan nang makashorpos at mai-ahon ang naghuhumikahos na pamumuhay at kung minsan eh minamalas-malas pa na walang pamatud eh super walkathon to the college ang labanan.

Tapos biglang umibig at inibig (pansamantala).

Pakkkkkkatapos, jiniwan din siya ng jowa niya dahil nga sa sitwasyon niya sa life. Even though na chismis lang yon pero nafi-feel kong may ganong factor talaga.

Then, this person had an opportunity . . . . a very BIG opportunity. Sinunggaban niya agad iteckla kahit anechiwa pa ang jicipin nang kung sinung herodes at hayon . . . . JACKPOT!!!!

At ang mga kaligayahang witchelles niya natamasa nung mga panahong kapitbahay niya eh pusali eh nadama niya. Or rather, binili niya.

Jumelya sa Pilipinas, para lang ipamukha sa ibang mga utaw na yumurak sa kanya na RICA PARALEJO na siya at in fairness, eh sinamba naman siya ng todo-todo.

Pero isa lang ang witchelles niya nabili. Ang rason ng lahat ng pagsusumikap niya . . . . . ang totoong rason kung baket siya jumuwelya sa Pilipinas . . . . ang PAG-IBIG na nawala.

Sa labas nga eh masaya siya, okay fine, mamahalin ang mga damit na bumabalot sa katawan niya pero ang witchelles ko lang sure eh kung masaya ba talaga siya inside. Siguro naman eh witchelles pagpapakamatay ang isang utawsingbelles kung masaya siya inside da ‘vah?

Parang gusto ko na tuloy maniwala sa kachikahang "Money can’t buy everything!!"

I really don't know. Ayaw ko namang maging jugmental at baka maging kontrabida pa ang image ko but then . . . hayon na nga, deep inside me eh I feel sorry for Jessica.

Kasi parang in the end, it all boils down to one thing. Let's strip Jessica of his expensive clothes, new-yorker accent and a 5th avenue attitude eh he is just a plain-old-simple badinggerzie that is longing to be loved. Na kung minsan eh nagegetching niya ang everything pero witchelles pa rin siya happy kasi witchelles naman talaga yonchie ang desire niya. Ang totoong desire niya eh ang pag-ibig na na-loss na super waiting-in-vain pa rin siyang maibalik uli but then, nothing happened. Hindi rin siya binalikan ni Gerry maski tumaas na ang market value niya. Witchelles ko sure kung aniklavu naman ang rason ni Gerry, siguro may jowa na siya as of the momentzzz or witchelles lang talaga niya feel o siguro wala na talaga yung kilig factor. It's just another case of a failed love. Parang akez. Parang ikaw lang, na super readaloo ng blogsiva na itey sa opisina habang super nakahanda ang mga daliri sa Alt+F4 just in case na my opismate na dumaan, parang ikaw . . . . oo ikaw . . . na super deny to death na witchelles ka badinggerzie dahil isa ka ngang "bi" . . . . . tsaka ikaw din na kahapon lang eh ang sweetness than sugar ang drama nyong magjowa but today eh bitterness than apdo ng tilapia naman ang drama. We all crave for one thing siguro.

I don't know. Pedeng mali ang assumptions ko regarding Jessica. Pero that's how I saw things.

Come to think of it, Jessica's world is not that twisted naman pala after all.

Monday, April 10, 2006

LET'S GET STRAIGHT TO THE POINT (AFTERSHOCK)

Haller!!!!!!!!! With matching wave ala-miss universe, smile-litaw-gilagid na parang wala nang kinabukasan, at cartwheel with rolling drums and trumpets on the side, tayo then talon ng dalawang beses then GABUGSHK!!!!! SPLIT!!!!

Sorry sa mejo mashugal-shugal na panahon na walang update dahil . . . . .'wag niyo na munang alamin . . . .

Anyway, bago ang lahat eh betchay ko lang balikan ang PREVIOUS EPISODE (Let's Get Straight to the Point) dahil nalukresia-kasilag naman akey hey hey hey daw sa mga reaksyones por pabor ng iba't ibang utaw.

Itechiwa naman kasi ang betchay ko sa blogsiva na itey. Aside from writing the stories of my life and sharing it to you guys eh nagiging venue din siya ng mga mas makabuluhang balitaktakan. O da 'vah. It only proves, that there's more to life than kabaklaan. There's more to life than more kembot and more foundation day! Yeys! Because there is no life without hada and bona! Echoz!

Ang point ko lang eh sa bawat bagay na ginagawa at nangyayari sa ating life ever eh may lesson tayong natutuhan at may sense tayong nahuhugot maski ang pinakamaliit na pilantik ng ating mga daliri.

Okay so here it goes:

From Gerard (http://www.rainwaterkennel.com/): Hirap ng tanong mo ateng, para mong tinanong kung nauna ba ang itlog o ang manok.

HARSH!!!!

BADINGGERZIE: Gerard, ganun talaga ang buhay mare. Kung minsan eh haves talaga tayez ng mga shornong na super best in Battle of the Brains. At dahil dyan, HARSH!!!!! Talaga!


From ANONYMOUS: It will take a lot of sacrifices on both part. Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang mas bet mo. At sa part naman ng girl, mental torture na isipin na nag-e-egg hunting ang love mong gay kahit hindi easter!

BADINGGERZIE: Bago ang lahat, sino ba talaga si ANONYMOUS, kase simula pa lang na ginawa ang internet eh parati ko na siyang nasa-sight? Ang tanong ng bayan . . . ANONYMOUS! Sinu ka ba? Echoz! Anyway, "Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang hanap mo"-yun nga eh, so baket kelangan pang may BILAT factor da 'vah? Di ba kering kung bilat eh bilat talaga at kung menchus eh menchus na lang? Para fair naman da 'vah? Regarding dun sa part ng girl, trulagen yan, mental torture ang fact na ma-learn ng isang bilat na ang bet niyang putahe eh bet din ng jusawa niya.

From ILAJ: true that love really exists. but a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy. all of us are witnesses to that. but for the search of true love and happiness, we let ourselves be blinded with some straight guys' sweet nothings, promises, and of course, the overwhelming joy they bring. there are resons why a straight guy enter a man to man relationship. sometimes, for companionship. sometimes, plain lust. most of the time, MONEY. but they never do it for love. we all know that. but why can't we learn from the mistakes of the past? maybe deep inside, there in the backs of our minds and heart, we all feel that we are women longing to be with a real man. and thats all shit.

BADINGGERZIE: Ito ang unang pag-tumbling ko habang nagbabasa akez ng mga talak. Ibang level ka ILAJ! You're like so up there ha. ". . . . a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy"-sheeeeet! Bet ko yang linyang yan!!!! Parang bet kong ipa-cross-stitch at ipa-laminate. "we let ourselves be blinded with straight guys' sweet nothings . . . . " Honga naman! Ang mga veklores naman kasi, nginitian lang ng konte, sinundot sa tagiliran . . . eh hayon . . . namamalipit na sa kilig na daig pa ang pusang di mapaanak. REASONS WHY A STRAIGHT MAN ENTER A MAN TO MAN RELATIONSHIP-true yang mga tinalak mo base sa sosyolohikal at sikolihikal na pananaw. Pero ang tanong ng bayan eh hayun na nga. KUNG ANG STRAIGHT EH PUMATOL SA BADINGGERZIE EH STRAIGHT PA REN BA SYANG MAITUTURING (maski sabihin nating wala ngang true love na involved) WHY CAN'T WE LEARN FROM THE MISTAKES OF THE PAST. . . . eh mga bakla pa! May learn nga akez janchie eh habang super sightchienabelles ng booking sa circle of life eh nanyoldafie ever at after one week eh rampa na naman sa circle of life. Walang kadala-dala.

"We all feel that we are women longing to be with a real man"-shit nga itu. Parang peanut butter! Di ba pedeng "we all feel that we are feeling-women longing to be with another feeling-woman"? Echoz garbanzos!

From STELLAR (http://mywaymilkyway.blogspot.com/): even the concept of romantic love is socially constructed. we're still being guided by the normativity of a heterocentric society that's why i guess for most of us, love still [and hopefully not always and forever and ever] sees sexual preference. even the concepts of love and emotions are socially constructed. so i guess, we can never really tell if true love exists or what true love really means.

BADINGGERZIE: Pangalawang pagtumbling ko! Misteryo ng HAPIS! Hindi ko kinaya ang "normativity" at "heterocentric". Nosebleed! Echoz!!! Pero like ko ang point mo STELLAR, so very Fyodor Dostoevsky sa Notes from the Underground.

From SAIKEE (http://lobster-tony.livejournal.com/): I wrote this poem for a friend of mine when he became jaded about love.

Poor love, battered and bruised and found wanting
Poor love, expected to outdo everyone and everything
Poor love, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor love, never feeling the bliss she/he bestows

BADINGGERZIE: Nahipo akez sa poem mo mare pero keri lang bang gawan ko itu ng sariling version.

Poor brown star, battered and bruised and found wanting
Poor brown star, expected to outdo everyone and everything
Poor brown star, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor brown star, never feeling the bliss he bestows
Poor brown star, always longing to have a clitoris!

Echoz.

From Argel Sotto of UST: sana makalipad din ako na parang paru-paro tulad mo when i graduate..

BADINGGERZIE: Argel, hindi naman kelangan ang TOGA ang gagawin mong unang-unang long gown na isusuot noh. Oh well, feeling ko lang eh as of the momentzzzzzzz, spread your wings and prepare to fly . . . . YOU ARE A BUTTERFLY. ALWAYS BEEN A BUTTERFLY. WILL ALWAYS BE A BUTTERFLY. So . . . . watcha waitin . . . . watcha waitin . . . . . watcha waitin for!!!!???

From OHDIE: well, all i can ispluk is that true love really exists... pero sometimes witchelles ko ma-knowsline kung anda lang talaga ang gusto ng bf ko kasi naman noh may jusawa't junakis na siya and wit naman siya humihingi ng datung kusa kong binibigay itech hay kaloka,,,, ngayon im trying to avoid him muna and to think kung ano ba talaga kami.... ayoko muna ulit masaktan,masarap magmahal at mahalin pero ewnachi ko ba.... i love your blog grabe nakakaaliw ang mga story =) thanks.. well sana post ka ng mga story about gay-to-straight stories and kung anu ano pang mga kabaklaang story okei maraming salamat po have a nice day

BADINGGERZIE: Ohdie, sa totoo lang, curious lang ako. Ano ang feeling ng may jowang menchus na may jusawa't junakis? In short, ano ang feeling na maging isang querida? Echoz! Pero isa lang ang masasabi ko day! Panalo ka. Ang ganda-ganda mo! Hindi lang mahaba ang hair mo, madulas at makintab pa itu, parang nagpasalon. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging querida. Ewan ko ba.

Anyway, may naging jowa din ako non na straight-straightan or siguro fling lang kasi dalawang araw lang kami. Tapos, nung unang gabi na natulog siya sa haus, nagdookit kami. Hindi naman siya naningil pakatapos. Pagkagising ko, wala na siya. Wala na ren ang TV ko. Hindi ko naman inisip na minatudnila niya ang tivang ko. Inisip ko na baka na-misplace ko lang. Echoz!

From Kirk: haynako odhie... kahit kolboy nde manghihinge sayo noh! hihintayin nilang kusa mo silang bigyan! un lng..

BADINGGERZIE: May eksena ka talaga ditey hey hey hey!

From Carla: Yung ganito bang problema ng mga bakla sa society lang natin (Pilipinas, third world, etc.)? Kasi parang sa ibang bansa, e.g. Amerika, parang ok lang sila sa bakla sa bakla. Parang wala naman akong naririnig na Amerikanong bakla na gustong magka-boyfriend ng "straight". Dahil kaya sa ekonomiya natin: maraming mahirap na lalaki na gustong pagkakitaan ang mga bakla? O dahil kaya sa iba ang pag-define ng mga baklang Pinoy sa kanilang pagkabakla (gustong 'maging' o magmistulang babae)?

BADINGGERZIE: Betchay ko naman ang tanung na itu. Pang-thesis na ito ha! At dahil jan, thesis din ang sagot ko, please read NEIL J. GARCIA'S THE PHILIPPINE GAY CULTURE. Anjan ang lahat ng komprehensibong sagot patungkol sa kinalaman ng hubog ng ating kultura for the past centuries, simula pa nang bago unang tumapak ang mga kastilaloy dito sa ating bansa hanggang sa kasalukuyang panahon. Tinalakay din dito kung paano nakaapekto ang kulturang Pilipino sa pagbuo ng kulturang bakla na sa malamang ay malaki ang pagkakaiba sa kulturang bakla ng ibang bansa.

Yung tungkol sa ekonomiya cherva, eh witchelles ako sasang-ayon jan. Sa aking hinuha, ang isang tunay na lalake kahit pa sobrang isang kahid at isang tuka na lamang ang kanyang uri ng pamumuhay ay hinding-hindi ihahain ang kanyang ari sa mga binabaeng may kakayahang magbayad ng salapi. Maari pa silang magbuhat na lamang ng hollow blocks o di kaya'y mang-agaw na lamang ng cellphone sa quiapo.

Ngunit pero subalit datapwat meron nga tayong sinaunang kasabihan . . . . ANG TAONG NAGIGIPIT SA BADING KUMAKAPIT!

From ANONYMOUS: ateng Bernz ... i hate to correct you, but kipays do fart too.

I hope your friend, Kiara, gets out of that shitty relationship. Unless bulag talaga ang feelings niya, wala tayong magawa kung di pabayaan na lang siya na mag-concede sa come and go ever and ever ng partner niyang bi-bayotin, davah?

wish ko lang na sana magka-jusawa ka na soon para happy kaming mga followers mo.

BADINGGERZIE: Anonymous, ikaw na naman! Echoz! Umuutot ang kipay! Shet! I learned something today ha. At dahil jan, kinonfirm ko itu sa isang bilat kong officemate. Yeys. Umuutot daw ang kipay paminsan-minsan at ang tunog ay parang ganito: Huminga ng malalim sa ilong, hold your breath. Itiklop ang mga labi paloob sa bunganga. Sabay mabilis na mag-exhale gamit din ang bunganga causing the lips to fold out. Pag may narinig kayong tunog, yun daw ang tunog ng kipay pag umuutot.

Harsh!

Yung about dun sa wish mo. Wag kang mag-alala. Wish ko ren yon!

From EGA: i think most filipino gays should learn to detach from a feudalistic, gay- straight-man relationship particularly those monetized partnership. although mahirap kasi ang mga lalaking dumuduyan sa bading ay nag eexpect talaga ng pera, allowances, scholarship, shoes, clothes, relo, etc (kahit sabihin pa nating kusang binibigay). di madaling gawin ito pero, i think this is the only way out to free battered gays from a tragic relationship.

kaya nga sguro masaya tayong nagbabasa sa mga experiences ni bernz kasi, single sya na hindi nagpapaapi sa mga lalaking wanting for benefactors.

ako, i ams till learning the tricks on how to diplomatically distance myself from my other partners (i.e. richie, sherwin, henry boy, jon, edber who are quite madugo).

keri ko na yung isang ramir na may inanakang kipay pero sabi nya ay mas namimiss nya raw ako at ang aming mga kaganapan noon. hahay.

to kiara, kaya mo yan sister. get the needed break in manila and get back to work.

i hope i could see you in aklan next month.

BADINGGERZIE: Ega, kakalowka ka! "gays should learn to deatch from a feudalistic, gay-straight-man relationship particularly those monetized partnership" itu naman eh parang gusto kong ipa-ukit sa kahoy at idesplay sa sala ko. Karl Marx isdachu? Pero agree ako sa point mo! Kelan ka nga ba?

Pero mas naloka ako!!! Meron ka bang gustong ipahiwatig at kelangang may special metion pa ng mga namesung galore!!!

From RAE: Why is it in the philippines that a so called "straight" guy will go into a gay relationship with the perks of money,clothes,and other material things?pero meron din naman ilang boys na attention and caring lang , carry na? dito sa states, bakla sa bakla, kahit gaano ka-hotness ang mhin, pag nalaman mong straight, deadma na lang. pero once you feel that he might play with the same team, abay go for the gold ka na.some countries in the middle east , medyo iba nag drama, parang mentor- student ang drama, purely sex lang pag prapractisan ka lang ng mentor mo. pag nagka dyowa na siya ng bilat, then ikaw naman ang hahanap ng student mo, winner di vah ?

BADINGGERZIE: Rae, (TFC subscriber din itu ha!) honga naman, buti pa sa stits walang dramang straight-straightan portion. Join lang ng join. Bakla sa bakla. Kapwa ko mahal ko. Haaaaay. Sana sa stits na lang akez pinanganak. Nakakarami na sana ako ngayon.

About dun sa mentor-student na drama ay trulagen colagen sustagen yan! Even as early as the time of ancient greeks eh wala namang malisya na ang isang menchus eh magpa-bona sa isang mas nakatatandang menchus. Isa itung initiation bago pa tumuntong ang mas kyotabelles na menchus sa buhay thundercats. Parang si Plato, binona muna si Socrates, tapos si Socrates binona si Aristotle (tama ba ang sequence?) At si Artistotle naman eh binona si ALEXANDER THE GREAT. Kaya hayun ang lola ALEXANDRIA naten best in GAY of the ancient history award. Pero di ba? The person who is considered as one of the best generals in human history eh isang badinggerzie. Laban kayo don? At dahil jan. Hala sige. Para maging successful ang mga koodetah attempts eh i-try naman nila minsan na gawing bading ang gawin nilang leader. Echoz lang! Eynimomentz! Inciting to sedition on the loose. Baka posasan nalang ako bukas at ikulong katabi ni Dinky Soliman! Shet! Makakabog naman ako sa best in Highlights!

From Erwin/Tangerine: Mahusay ka ateng! Isa kang henya! Ilang beses na akong sinasabihan ng ditseng kobang kong taga LA na lulong-na lulong sa maka-droga mong blog! Salamat sa mga nakaka-tumbling mong blogs! Super enjoy ako sa pag-basa! At aminin, talagang may diskusyon kami ng ditseng kobang ko tungkol sa mga istorya mo. Lamon ang book review. Kung meron kang fans club, pwede bang mag-volunteer na maging presidente dito sa East Coast (eching bagatsing!)

O siya, ipagpatuloy ang mga kwento....suportado ka namin dito sa tate!


BADINGGERZIE: Erwin, salamat sa walang patumanggang papuri. Nag-b-blush naman ako. Nakakaloka ang fact na hanggang sa Stits eh nakakarating ang buhay ko.

Mahal ko kayong lahat jan.

Basta lang ha. Pag-uwe ditey. Ang mga pasalubong! Echoz! Mangga-mangga hinog ka na ba?

From Myrrh (http://greeneight.blogspot.com/): love exists.. share ko lang, kaloka kanina, yung mga college friends ko hindi yata maimagine na someday makikipagsex akez sa kapwa ko. Kaya hayun, mega-make ako ng kontratatata na friends parin kaus even though hindi na akez birhen. Pinirmahan naman nila provided 20+ na akez and sa worthy man dapat.. hahaha.. kaloka talaga.. wala lang, share share lang...

BADINGGERZIE: Myrrh, hay nako. Ang mga totoong friends eh friends mo talaga ano man ang gawin, mirese trese kwatorseng, jergens ka pa o naipamigay mo na ang brilyante ng lupa mo 'nung thirteen years old ka sa isang panadero sa kanto o kahit pa kapwa mo eh mahal mo o maski lumalala ka pa ng papaitan. Witchelles na kelangan ng kontrata-kontrata noh. Malalaman mo ang truelili mong friendiva kapag super stand-by-me pa ren ang drama nila maski makipag-sex ka pa sa pusa noh!


Hay nako. Naloka ako sa pagsagot ng mga chenelyn bar.

Kaya sige . . . talak lang ng talak. I really appreciate that you guys are reacting. At least nararamdaman kong hindi kayo mga manhid noh at nafi-feel kong meron nagbabasa ng mga kachenesang pinagsusulat ko.

You make my heart bigger kaya eynimomentzzzz . . . . heart attack ang drama ko. Enlargement of the heart.

Echoz!!!!