Saturday, February 11, 2006

BERNADETTE AND THE GOLDEN KABAONG, NICK AND THE GOLDEN BOYFRIEND

FEBRUARY 15, 2005

updated . . . .

I just read a comment posted by one of the readers that I find worth noting:

"What's wrong with being old? Is 30+ old. Bakit ganon n lang ang discrimination sa mga aging gays? Wish ko lang, di ka tumanda. How will that happen? I guess you have to die early.

Enjoy your youth. "

Alvin

+

Dear Alvin,

I did not mean to demoralize "MATURED GAYS" in general.

It just so happened that this certain "MATURED GAY" character in this entry happens to date my younger brother. And because of my feelings and concern for Nick, (which are sometimes I know illogical and obviously overdramatic) I have shifted on my "bitter" gear and that's why I was able to say some things that might appear offensive for older gays. And I am not Alanis-playing-God to just smile and smell the tulips.

Alvin, if you are offended in any way, with what I have written about PAO, I do apologize for that.

I do not, in any way, descriminate MATURED GAYS.
There is definitely nothing wrong in being old. In age comes wisdom, chika nga nila. I still hold respect for those people who taught me the ways and means of becoming a good homosexual. Once I was bagets, and there they were. Up to this moment, I still run to them from time to time for advise and comfort.

Also, I am not saying here that MATURED GAYS have no right to date YOUNGER MEN. Generally speaking, anybody can date anyone.

All of us, inevitably, will go through the entire ageing process the same as everybody does. It is just a matter of who goes first.

But I am also looking forward for that event, without the fear that I might no longer be able to blend in with the younger generation, of being ugly, of seeing my skin sag, moving farther and farther away from my bones, having the scent of SALOMPAS twenty-four hours a day. However, more importantly, when I reach that point in my life, I can always go back and use all the things that I have learned and experienced in my youth.

And I will die a happy, contented queen, with or without the scent of SALOMPAS.

+

Bandang alas-singko na nang naka-alis akez from Glorietta. Sobrang wala akez sa sarili ko dahil na ren sa kulang na tuloy at haggard na schedule. 'Nung time na yon eh witchelles pa nasasayaran ng matinong lafung ang sikmura kez. Parang nafi-felt ko nang nilalapsalauriat ng large intestines kez ang small intestines kez.

Pumara ako ng taxi. Talak ko sa may Magallanes Village.

Witchelles ko ren sure kung saanchie eksakto akez aatak, ang chika lang sa 'ken eh umatak sa may bungad ng Magallanes Village. On the way eh may nag-text sa 'ken. Sa tapat daw ng Asia Pacific College.

Pagdating ko don eh hinanap ko pa kung saang tapat ba ng Asia Pacific College. Nagtanong na lang akez sa isang jaguar at tinuro niya akez sa may bandang likuran. So atak nga akez.

Pumasok akez sa nag-iisang chapel na bukas. Mapayapa ang eksena. Ang mga utawsingbelles na nakajupostrax eh shuhimek lang na nagchichikahan. Yung iba naman eh blanko ang mga fezlack at nakatitig lang sa kawalan. Witchelles talaga akez sanay sa mga ganitong klaseng eksena . . . . . . nakakapangilabot, para akong nasa twilight zone.

Kulay gold na kabaon ang nasa harapan ng mga utaw na super bantay nga, na parang eynimomentz eh meron na lang magtangkang matchusin ang golden kabaon. Sa loob-loob kez eh masyado namang 80's, gold kung gold talaga ang labanan.

Bumalik tuloy sa 'ken ang huling beses na umtaksiva akez sa isang coffee party. Yun yung kay Marco at 'nung gumawa ng eksenang nakakalowka si Claudine. Napasight tuloy uli akez sa mga utaw at mega-search kung haves ba ng isang baklang windang to the bones na eynimomentz eh gagawa na lang ng eksena. So far, wala naman. Sa truelili lang eh daks na misteryo para sa 'ken ang kamatayan. Witchelles mo talaga learn kung kelan ka magta-title at kokoronahan ng bulaklak ng shutay. Najisip kez, sana may consolation prize naman kahit papaano sa pagkamatay. Sana habang deadsung ka eh magivesungan ka ng chance na masightchinabelles ang mga eksenang halos sinasamba ka ng mga naiwang taga-lupa.

Deadma na nga. Masyado akong gay na gay at alive na alive para mag-jisip ng kung anik-nik regarding toldahan portion.

Lalapit na sana akey hey hey sa golden kabaong for more pulitika nang tinapik akez sa balikat ni Sheryl. Nag-apologize ang bilat na among so many places eh kelangang doonchinabelles pa kami mag-meet. Biglaan lang daw kasi ang pagkashigok ng shofatembang ni Bobby, yung mapapangasawa niya.

I was hired by the couple to organize their wedding at within 3 weeks eh kelangang may kasalang maganap sa Santuario de San Antonio.

Usapang patay at kasal sa isang araw. Ang saya-saya da 'vah? Saan ka pa?

Anyway, kelangan kong gumawa ng skrip para sa AVP during reception kaya kelangan ko silang ma-interview.

Super ask akez kung keri lang ba, kasi parang wrong timing knowingbelles na shofatid ni Bobby ang nasa loob ng golden kabaong.

Smile lang si Sheryl and sabay chika na keri lang daw, "Hindi naman sila close."

Saaaaaaaaaabeeeeeeeeeeeeeeeeee.

Tumbling naman ako sa eksena, witchelles talaga close? Kahit naman siguro sinusumpa mo na ang shofatembang mo at naglalaro kayo ng shato gamit eh kutsilyo, pag na-toldahan na siya eh kahit papaano naman sana eh may kaunting grief and remorse. Pero, nung nakatalakan ko si Bobby, eh wai talaga.

Anyway, nagproceed na nga kame sa interview.

I was in front of a heterosexual couple. They are so just like US pala ah.

Hayon na nga, simple lang ang love story nila. They met during college, became friends, fell in love and naging magjowa sila right after graduation. Then naging mga registered narsisa, nag-fly sa estados unidos, nag-civil wedding doonchinabelles, jumuwelya ditembang sa Pinas para sa Church Wedding. They've been magjowa for almost 8 years.

Ganun lang, simple da 'vah? Boy meets girls, boy and girl fell in love, then boom . . . . . That was it! That was really really it!!!

I wish someday, I can hear naman ng isang istorya ng Boy meets Boy, boy and boy fell in love then boom . . . . . pero sa mga ganitez eh malamang marameng segue . . . . may eksenang boy finds another boy . . . . . boy fucks around without the other knowing . . . . . boy and boy break up . . . . andaming bitterness . . . . . pero may chance na magkabalikan . . . . . . hanggang sa magkabalikan nga . . . . why not another chance? . . . . . pero same old same old . . . . Ligwakan portion another and so on and so forth . . . . . Good luck na lang sa This is It. This is really really it.

Sounds complicated siguro for heterosexual people, but I guess those were just the perks of being in a homosexual relationship (not that I generalize all homosexual relationships, but that's just what I've seen and experienced so far . . . )

And I'm seeing a lot of it right now . . . . .

Isang gabe, pag-juwelya ko sa balaysung:

Nadatnan ko si Nick sa sala na nakikipagharutan sa isang maondang pamenchus. Mukha itung nerd na napaglumaan na ng panahon. Makakapal ang mga salamen niya, thick-rimmed, prescription glasses, yung last time na nakasightchinabelles akez nang ganong klaseng salamen eh kay Ninoy Aquino pa. At ang hairline . . . . . dati hindi ko alam ang ibig sabihin ng receeding hairline, nung na-sight ko yon eh nabigyan niya ng depinisyon ang salitang "receeding hairline" . . . . sa lapad ng noo niya eh pwede nang gawing paliparan ng mga B52 bombers. Ang my god, he's wearing flanel na naka-tuck-in sa slacks na super baston at bitin, sight na sight ang puting medyas with the black shoes. At ang chanda romero niya eh humihilagpos sa pagkakatuck-in.

Sa totoo lang, that moment eh witchelles ko knowing kung aniklavu ba ang gagawen ko una . . . . kung lalapitan ko ba si Nick at kukurutin sa singit dahil sa kalampungan niya o tatawag na lang akez ng fashion police para dakipin na ang bakulaw sa sala kez, ipatapon sa Namimbia para witchelles na makapurwisyo pa dito sa sibilisasyon . . . . at least, malay naten sa Namimbia e baka maging fashion icon pa sha. I would do him a favor.

"Ang sweet-sweet nyo naman. Baket hindi kayo magpapicture tapos ipa-frame naten nang meron akong mai-display dito sa sala ko."

Shet ang harsh ko!! Pinangako ko sa sarili kez na witchelles na ko magiging harsh sa shofated kez eynimomentz kasi eh baka pagdating sa sarili kong burol eh may magtanong kay Nick kung baket witchelles siya jumijiyak, tapos italak na lang niyang "Hindi kasi kami close".

Ipinakilala naman sa 'ken ni Nick ang pamenchus na nanggaleng sa time space warp. Si Paulo/ The "Sugar Daddy". In fairness, daddy nga sya, he's like 1 trillion times older than me.

Anyway, nagpakatao naman akez at tinanggap ang kamay niya. In fairness, inspite of being a total fashion victim, may certain sa kanya, the way he stands, the way he speaks, parang may breeding, (kung german shepherd itu eh di ko lang sure, echoz!) parang may regality. I've worked with a lot of people, male-learn ko kung ang kaharap ko eh mensahero o isang ehekutibo. The sugar daddy is more of the latter. Amoy na amoy kez ang aroma ng andang fresh from an ATM. At ang relos eh ayaw din magpaawat . . . . . .naghuhumiyaw na rolex itu.

"Nagdinner na PO ba kayo?!" talak ko. Laftir momentz. PO!!! I can be so evil sometimes. Siyempre bigyan galang ang mga senior citizens.

"Yah! Kumain na kame sa labas. Tsaka wag mo na kong po-poin, just call me Pao, halos magkasing-edad lang naman tayo e."

Hooooooooooy!!!!!!!!!!!!!! Anong magkasing-edad????

I look like 24 (sometimes 20 for other people) and he . . . . . . he . . . . . . . . he . . . . . . .he looks like a petrified science project gone wrong. At Pao daw . . . . . feeling jugets. Nagsesecond-childhood yata ang lolo ko. (Lolo there is not a gay expression rather the literal one)

Witchelles na rin naman daw magtatagal dahil hinatid lang niya si Nick.

Mabuti naman, another minute with him my nose will bleed and I'll have an epileptic attack.

Hinatid siya ni Nick sa baba. Ang carumba, BMW itu.

Pagbalik ni Nick eh dire-diretso siya paatak sa kwarto niya na para lang akong isang halusinasyon.

NICK?

Humarap siya sa ken na parang disappointed at witchelles pala ako halusinasyon rather isang aparisyon ni Sharon Cuneta sa pelikulang "Magkapatid!"

NAKITA MO NA SIYA. SABI MO NAMAN DI BA? GUSTO MO SIYANG MAKILALA. HAYUN NA. MASAYA KA NA BA?

Bubukas pa lang sana ang bibig ko . . . .

AT WAG MO NA KONG PAANDARAN NG MGA LITANYA MO

Magsasalita na sana talaga ako nang . . . .

ALAM KO NAMAN ANG SASABIHEN MO E. NA MASYADO SIYANG MATANDA. HINDI KAMI PARA SA ISA'T ISA.

Teka!!! Sino ba ang slight pagirl sa pamilyang itu??? Akez da 'vah???? Akez dapat ang pumuputak! E Baket akez ang pinuputakan!?

OKAY AKO NAMAN. HINDI NAMAN SA PINIPIGILAN KITA OR AYAW KITANG MAGING MASAYA. (I'm supposed to say something good here pero iba ang lumabas sa bunganga ko) PERO HINDI TALAGA PROPER E.

Napika si Nick at tinalikuran ako. Pumasok siya sa kawrto niya at binagsakan lang akez ng shintuan ever.

OKAY! OKAY! MAG-DEAL TAYO. HINDI NA KITA PAPAKEALAMANAN DYAN SA LOVER MO AS LONG AS SURE KANG HINDI KA LANG NAPIPILITAN DAHIL SA PERA NIYA, DAHIL BINABAYARAN KA NIYA.

Bumukas agad ang pinto sabay talak si NICK:

ANONG PALAGAY MO SA 'KEN? PUTA?

Shet. Bago ko pa marealize na wrong kangkong talaga ang chinika kez at bago pa akez makarebound eh pintuan na naman ang sumalubong sa fezlack ko.

I did a good job noh? Malamang, pagdating nga sa sarili kong burol, witchelles nga jijiyak si Nick, at pag may nag-ornong sa kanya kung baket . . . . chichika siya na, "HINDI KASI KAMI CLOSE AT PINAGKAMALAN PA NYA AKONG PUTA."

1 comment:

generic cialis 20mg said...

I, of course, a newcomer to this blog, but the author does not agree