Monday, February 27, 2006

HINDI DAW SILA MAGJOWA!!!!!

Nag-meet kami ni Prince sa McDonald's sa Glorietta kaninang lunch. Super teksami siya sa ketchiwa for the past few days at nag-iinvite. Akez naman e deadma, learn ko namng eynimomentz eh sakit na naman ng ulo ang i-gigivesung sa 'ken nung tukling na yon dahil sa kabaliwan niya sa kaibigan kong bato. Pero parang na-guilty din ako kaya't nag-meet kame.

Talak ni Prince na masyado na daw siya nahihirapan sa eksena nila ni Claude. May mga momentz daw na super sweet si Claude, tapos may mga momentz namang super deadmatology 101 ang drama niya na para lang siyang kaluluwang ligaw sa todos los santos. At ang pinakanakakaloka daw sa lahat eh 'nung nakaraang gabu lang eh nag-take-home ng dookit si Claude, na para kay Prince is a complete violation.

Witchelles naman sa kinakampihan ko si Claude, pero keri naman niyang gawin ang everything na bet niyang gawin sa balaysung niya.

Shinornong ko kung anu ba talaga ang status nila ni Claude.

Witchelles niya learn.

Chika ko naman, baka naman keri na niyang mag-move at maghanap ng sariling place, para malayo siya muna kay Claude. Para naman at least e makapag-jisip-jisip siya at marealize niyang negative talaga ang mga eksena niya.

Confident siya sa pagchika na learn niya deep inside eh may nararamdaman si Claude para sa kanya. Byorkot lang daw siyang aminin itey hey hey hey.

Witchelles ko naman sure kung truelili ba yon or not. I cannot talk for Claude.

Pero chika ko na lang na baka confused lang itung si Prince dahil sa feelings niya. Kung minsan, as a person in-love eh may mga bagay tayez na nafi-feel at nasa-sight na akala naten eh trulagen colagen sustagen. In short, baka nagiging damaera lang siya! DAMAERA . . . . isang taong mataas ang lebel ng pandama to the extent na nabibigyan niya ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay na pinapakita sa kanya.

Tinanong ko si Prince kung aneklavu ang bet niyang gawin.

Magtitiis daw siya. Hanggang keri niya.

HALLER!!!!!!!

Claude is not worth it.

Pero, sinuportahan ko naman siya. Sige, go lang ng go. Kung feeling niya eh enlababo siya talaga ng fatalle kay Claude at may uber-daks na chances na ma-enlababo din si Claude sa kanya eh why not?! Magtiis siya hanggang dumugo ang ilong niya.

*

Ka-joint ko naman si Claude isang afternoon sa Fitness First sa Robinson's Summit. Postcard na kami sa gym-gyman portion, at makyoket na ng fatalle ang bortawan kez.

Nakajupo na kami sa loob ng sauna na parang mga siopao na tinitinda sa binondo. Kaya kung minsan e mas bet namin sa Fitness First kesa sa Slimmers kasi sa powerful na sauna with the tapis-tapis portion and the steam and everything. Unlike sa Slimmers na shower ka lang, bihis tapos isquierda. At mas maraming pwedeng pag chismisan sa Fitness First. Hahhaahah. Pero anyway, may mga friendiva pa ren akez sa Slimmers . . . . kaya suporta lang.

Anyway, kinorner ko si Claude at pinilit na ipasok sa conversation si Prince habang pinagpupustahan namen kung ga’no ka-daks ang kadadaan lang na basketball player na jowa ng isang singarette.

Tinanong ko bigla kung gaano ka-daks si Prince.

Harsh! Pero yun lang ang nahanapan kong moment.

Naloka si Claude at tinaasan akez ng kilay.

"Are you asking that because you are interested or are you asking that because you want to know if Prince and I are having sex?"

Witchelles akez nakasagot agad.

"Average! Okay na. 5 and a half . . . . . . six. Something like that."

"So . . . . "

"Yah. Nagsesex kame. Paminsan-minsan."

"So. Ano kayo?"

"Friends. . . ."

"Fucking friends?"

"Parang ganon. No strings attached."

"Do you care for him?"

"Of course, like how I care for you."

"Pero hindi tayo nagse-sex."

"Of course not."

"Pag iniwan ba kita, iiyak ka?"

"You will not leave me."

"I can leave you."

"Hindi."

"Baket naman?"

"You need me. You can never leave me."

"O sige! Let's just say. I can leave you. Would you cry? Would you be devastated?"

"Of course. We've been friends for like forever."

"Pano pag iniwan ka naman ni Prince?"

Witchelles katulad ng inaakala ko, witchelles agad nakasagot si Claude.

"I'll be hurt."

Seryoso si Claude sa sagot niya. Witchelles ko ren inexpect na yonchienabelles ang itatalak niya.

Then he continued, "I like him, Bernz. I like him a lot. But I just can't be in a relationship. I don't know what we are. But we are not lovers."

Naguluhan naman ako don.

They're living together, nagdo-dookit sila, Claude cares for Prince, he likes him. He likes him a lot . . . . pero witchelles sila magjowa.

Handspring! Backflip! Then! Nosebleed!

Monday, February 20, 2006

Presenting Candidate no. 1 . . . .

Nagising akez sa sobrang warlang tugtog na nanggagaleng sa sala. Sobrang kyoket ng ulo key hey hey hey! Pagbangon ever ko pa lang eh jumijikot-jikot pa ren ang paningin kez, ang sama ng sikmura key hey hey hey, at ang ngangabu ko naman e ang kyoho, ang after-taste ng horsey na nilaklak kez kagabu eh super felt ko pa.

Paglabas ko ng kwarto eh nasightchinabelles kez si Nick na mega-general cleaning sa saliw ng nakakalokang musikang "I am Pretty . . . . Oh So Pretty" ng West Side Story.

Pag-sight ko naman sa orasan e tumambling naman daw akez. Alas-kuwatro na ng hapon.

Chika sa 'ken ni Nick na super-bangengebelles daw akez 'nung madaling araw na halos gumagapang na akez na hinatid ni Rica. Para daw akong napoposess habang super shorwag ng uwak. Naka-orlog daw akez sa sahig ng sala with suka everywhere.

Eeeeeew. Kakaloka.

Ano nga bang nangyari nung nakaraang gabi?

Ganitez yata ang eksena: Hapon pa lang e maaga na akong sinundo ni Rica. Meron kaming niraket na debut somewhere sa Mandaluyong. Muntik ko pang mahada ang escort ng debutante. Super pa-cute naman. Lately eh parang napapansin kez na nagiging kilabot akez ng mga bagets ah. Hmmmmmmm. Biglang nagka-haves akez ng thought. Since si Nick naman eh kumakarir ng mga mas extremely maoonda pa sa 'ken eh baket naman kaya witchelles akez mangarir ng extemely makyotabelles din . . . . . hmmmmm . . . . mga 13 years old kaya? Laftir momentzzzz. Haggard!

After ng debut evur eh humabol kami ni Rica sa isang male beaucon sa Metro Bar sa Roxas Boulevard.

Nakakatuwa nga naman ang mga male beauty pageants. Ang press release eh parati daw itung wholesome, waing monkey business involved, no strings attached pero all the time eh makakasightchinabelles kez ng mga menchus na halos ibunubuyangyang na ang buong bortawan sa publiko para lang mag-winnie-the-pooh. Kaya nga sa tuwing may male beaucons eh parang nagpipiyesta ang sangkabaklaan. Witchelles naman sa labag ang loob ko sa mga ganitong eksena. Actually, wala nga itung katulad evur. Saan ka ba naman makakasightchinabelles ng sandamakmak na kalulukihang nagpapayummy to the maximum level hanggang sa todo na itoh!

Hayon lang, nagiti lang kami ng nagiti ni Rica sa kakasightsilauriat ng mga bakat-bakatang noches na yung iba eh sadyang pina-ergas para lang mabulag ang mga judgey dahil sa kadakilaan nila, kung panu yun pinapa-ergas eh malay ko na, at yung iba naman eh ineeffort talaga ang pag gamit ng labakara on the loose. Hahaha. Laftir moments.

Ending eh nagsawa kame sa paglalaway sa mga well-chiselled bodies, beautiful faces and bad english. Even though, learn na learn ko naman deep inside na may dalawang uri lang ng beaukonero, it's either bakla itu o namamakla.

Actually muntik na ren ako magkajowa ng isang beaukonero . . . . si Mark Anthony. Forty-eight years na yon. Bagets pa akey hey hey hey. Sakit sa ulo. Pag nagkajowa ka ng beaukonero eh manager ka na nga . . . . . sex slave ka pa! Hahahaha. Yung bakla talaga yung naging sex slave di ba? Echoz lang. Well, witchelles din kami nag-ending-so-happy-together dahil kelangan mahaba-haba ang pisi mo. Eh sorry. Mahirap lang ako noh.

Ganun lang naman talaga ang buhay. It's a fag eat fag world.

And speaking of eating, parang bet ko namang kainin si Candidate Number 6 'nung gabing iyonchinabelles. Kakaloka. Si Lucky! As in Lucky siguro ang sinumang makatikim sa kanya. Hahaha. Ginawa talagang ulam ang luluki? Witchelles ko naman na siguro kasalanan kung magnasa akey hey hey hey da 'vah? Tao lang din ako. May puso at damdamin . . . . . may mga karnal na pangangailangan. At sinung bakla ba naman ang witchelles magnanasa eh kung sa tuwing lumalabas si Candidate No. 6 eh parang galit na galit ang junjun niya na parang parating may sabong na lalabanan. Naka-attack mode na parang pagsinampal ka nitu sa fezlack eh para kang sigurong hinampas ever ng PVC pipe. Otso haba-singko bilog. Hahahaha.

Long-hair itung menchus na itu. Panalo ang shortawan, mataray ang pecs, medyo witchelles lang kumpleto ang abs, pero keri na . . . . flat kung flat pa rin itu. Parang mga kapatagan sa central luzon. Pero ang nakakatumbling talaga sa lahat ng nakakatumbling eh ang full na full na juwetrax na nakakapagpa-full-throtle talaga. Para naman itung mga chocolate hills sa bohol. Parang ang sarap-sarap panggigilan at pisil-pisilin. At para ding mga chocolates, masarap diladilaan at paglawayan. Eh yun e kung walang bitter chocolate na involved ha. Hahahaha. Dirty! Laftir momentz!

Witchelles ko learn kung truelili ba ang nafi-felt kez o nagpapaka-ilusyanada na naman akey hey hey hey, kasi naman sight siya ng sight sa 'ken. Tapos pag nagtatama na ang mga mata namen eh bigla niyang ilalabas ang dila niya ever at mag-we-wet ng lips . . . . at habang nagwe-wet naman siya ng lips eh nagwe-wet na rin ang labia minora at labia majora key hey hey hey. Sa mga momentz na iyonchie eh parang bet ko namang shumoyo at sumigaw ng "Lucky, LAHIAN MO NAMAN AKO!!!!"

Bigla tuloy akez napa-isip. Anu kaya ang motivation ng mga beaukonerong itu at napaparampa sila ng ganoonchie? Maliwanag na raket lang ba itu sa kanila? Sa isang beaukon eh mahina ang 20 contestants, eh kung talagang hottest ka naman eh why not? Pero witchelles din maiiwasan na maging cooking-with-the-dazas ang contest. Panu naman kapag luz valdez, jujuwelya na lang ba sila ng luhaan? Yung iba naman ba kaya eh for self-gratification lang? Do they just want to feel good about themselves? Aminin naman naten noh. May mga menchus (or pamenchus) talagang may literal na spotlight syndrome. Bet nilang wina-watch siletchie, tinitilian, pinaglalawayan ang avratheng habang ampa galore sa stageium with the spotlight and avratheng!

Should I feel bad about those na napipilitan lang?

Hmmmmmmmm . . . . . . .

WITCHELLES!!!!

Echoz.

Ewan ko. Di ko learn kung dapat ba akong ma-sad.

Pero kung si Lucky eh napipilitan lang eh hahanguin ko siya sa masalimuot na mundo ng beaukon at bibigyan ng bagong buhay! Dahil mahal ko na siya!!! Echoz! Full-sponsorship ba itu? Eh kung umeerna naman akez ng andalucia eh why not?

Sa kalagitnaan ng contest eh naloka na lang kami ni Rica nang may nag-appear sa table namen. Si Mama Ricky. With all the winter collection and the Burberry na scarf on the side. Super smile si Mama Ricky? At super ask kung kaniney pa kame. Chika niya, yung jowa daw niya eh nasa contest.

Mega-ask naman akez kung anung numbererette.

Sabay talak niyang: NUMBER 6.

Tumbling.

"Yun yung jowa mo?"

"Tru!!!"

"Siya pa ren ba yung jowa mo since 'nung nag-birthday ka?"

"Tru!!! 'Di mo nakilala?"

Witchelles ko talaga nakilala. Harsh! At pinagnasaan ko pa daw da 'vah? Siya yung nakakalokang jowa ni Mama Ricky na nahuli ko sa mismong birthday ni Mama Ricky na nagpapahada sa ibang tukling.

Harsh!

Talak na lang akez ng, "Powerful naman pala niya sa stage."

In fairness, nakakabulag nga naman ang emyas at pag natutukan ka na ng lights galore eh instant dyoza ang features mo.

Super clap galore si Mama Ricky sa tuwing umeenter si Lucky. Proud na proud ang lola ko. Kinabog pa ang mudra kong the mother of all stage mothers.

Ending eh nag second runner up lang si Lucky. Nag-title yung isang pa-menchus na pag sa malapitan eh ka-fezlack ni Rachelle Lobangco. Keri naman yon at at least witchelles naman thank you girl ang jowa ni Mama Ricky.

Super treat lang si Mama Ricky. Jumoin na ren sa 'men si Lucky and some candidates. So bumaha ng horsey 'nung gabing yon. Horsey at horsey talaga ang labanan. Wai naman akez choice, maski walang kaglamore-glamore eh super nabubuyaers naman akey magmaselan pa, puro barako ba naman ang kajoint-forces namen e. Pero super tumatambling talaga akey pag horsey ang dinidrinkaloo kez. Kung minsan e nawawala akez sa sariling katinuan.

Naalala pa akez ni Lucky as yung friend ni Mama Ricky 'nung birthday niya (read: yung tukling na nakahuli sa kanya habang pinapabubo niya ang noches niya). Super smile lang akez, pinakilala niya din sa 'men yung ibang mga candidates na friendiva niya. Tahimek na lang akez, kunwari e witchelles ko naalala ang kachervahan niya almost a month ago.

Chikahan galore, nomuhan galore. Hindi kez pinapansin si Lucky pero nafi-felt kez na panay panay naman yata ang pagtitig niya sa 'ken. Pate si Rica eh nakahalata.

Nung nasa CR kame:

RICA: Bakla ka! Do you still have to make karir na jowa of Mama Ricky?

BERNZ: Ha?

RICA: I can see your tinginan ha.

BERNZ: Hindi noh. Siya lang ang tumitingin sa 'ken. Ewan ko ba? Mukha ba akong mayaman? Di naman di ba?

RICA: Hay naku ateh! Bahala ka dyan.

Jiniwan akez ni Rica at pag-isquierda niya eh siya namang enter-the-dragon ng menchus na may mala-dragon na noches.

Super-jihi si Lucky sa urinal sa tabi ng jinihian kez. In fairnezz, baket noon eh witchelles ko naman naapreciate ang pagiging hottest niya? Siguro masyado lang akong involved sa thought ni "You Know Who" nung mga time na yon.

Hindi ko sinasadya pero parang may sariling buhay ang mga mata kez at napa-sight na lang bigla sa noches ni Lucky.

Sa tingin pa lang eh parang nabibilaukan na ko.

Nasight ko na lang na nakasight din siya sa 'ken.

Smile lang siya. Smile lang din ako.

Sight lang kame sa isa't isa. At napansin kong postcard na pala siyang magjingble bells pero nakatiwangwang pa ren ang nota niyang parang unti-unting nag-i-standing ovation na parang may flag ceremony.

Witchelles ko kinaya ang eksena. Shumorlikod na akey hey hey at nagwash ng hands. Pinagpapawisan talaga akez ng malapot at parang binabad sa sukang paumbong ang fezlack kez sa putla.

Umisquierda na ren akey hey hey hey, witchelles ko talaga 'yon kinaya.

Naloka talaga akez that momentz kaya super nomu na lang ang drama ko. Tinabihan ako ni Lucky at may mga momentz na maski kinakausap at nilalandi siya ni Ricky eh ginegetching niya ang kamay ko at shinoshotong sa notralba niyang hindi magkamayaw sa pagkaergas.

Witchelles ko yata keri ang ganoong eksena. Maliwanag na number 2 ang drama ko.

Bago kami umalis eh ginetching niya ang nyelpie ko at nilagay niya sa ilalim ng table at super sight naman akey. Nilagay niya ang numberette niya at sabay bulong ng: TEXT MO KO.

Witchelles ko talaga learn kung anechiwa ang eksena ni Lucky. Kung bet lang ba niyang magpahada o bet na niya ng bagong sponsor?

Kung hada lang ba eh why not? Pero andaming namang ibang baklang witchelles konektado kay Ricky noh! At ang dami din namang menchus na keri kong hadahin na witchelles din konektado kay Mamah! Imbyerna!

Sa eksenang sponsorship eh negative akey don. Unang-una, I'm still young. Hindi ko pa kelangang maglustay ng salapi para lang sa mga menchus. Pangalawa, kapwa ko mahal ko. Witchelles na tunay na lalake ang hanap ko. Bakla din ang hanap ko.

Magulo pero ganoon talaga.

May mga badinggerzie na ang bet e "straight" na menchus. Even though na naniniwala akong ang sinumang menchus na nagpakarir sa bakla e bakla na ren. Pero tawagin natin silang "straight" for majority's sake. Truth by majority ika nga.

Pero akez, wittelles! Lumampas na akey hey hey sa stage ng kabaklaan na feeling kez talaga eh babae ako at lalake talaga ang hanap ko. Witchelles na kasi nagwo-work ang ganoon para sa 'ken. Andaming factors na involved. For me, the reality is pag bading ka . . . . . mas mabuting bading din ang magiging jowa mo.

Parang self-preservation na ren itez ng mga bading kaya nag-eevolve ang kabaklaan from extremely pa-girl to extremely paminta, nagkaroon ng variety, nabasag ang stereotype para witchelles na maghanap ng future sa mga "straight" na gagamitin ka lang at sasaktan ka lang, in the end e iiwan ka ren at sasama sa may legitimate na matres.

It is always about the quest for "true love".

Pero depende pa ren itu sa tao. Depende pa ren itu sa bakla. Nasight ko naman na parang wagas ang pagmamahal ni Mama Ricky kay Lucky. Kahit na may angking kakatihan si Lucky, kahit na may sponsorship na involved. Eh kung ganon talaga magmahal si Mama Ricky e. Wai na tayong magagawa.

Siguro, it all goes down to: "Who do we desire?"

I may think that love is an outdated concept. On the other hand, Mama Ricky celebrates his martyrdom in its name.

At ayaw kong masira yon.

That's all. Thank you.

Friday, February 17, 2006

HETO NA!!!!! SHEEEEEEET!!! TODO NA ITUUU!!!!

Before anything else ha.

Teka. Teka. Teka.

I just like to greet myself. I hope I'm doing fine. Echoz!

MY GREETINGS TO ALL THE READERS OUT THERE WHO ARE ALWAYS THERE FOR ME NO MATTER WHAT. (Ang dramaaaaa)

Thank you for the encouragements and you are making THIRD SEX IN THE CITY alert, alive, awake and enthusiastic.

Especially si Chartreuse (tama ba ispelling) at ang jowa niyang menthol (mga hetero itu) na nagbabasa all the way from Dubai!!!!

Mahal ko ang mga taga DUBAI!!! Wahahahah. Isponsoran nyo ang trip ko paatak dyan ha!!!!!

At ang mga taga WEST COAST, mga taga CALIFORNIA, SEATTLE AT PORTLAND . . . . Akala nyo di ko learn noh!!! Laftir! Especially RAVEN, mabuhay ka dahleng!!!!

At ang kumare ko sa CALIFORNIA, si ICARUS.

At ang kumare ko sa SINGAPORE, si XZOOOMING.

Okay. POSTCARD NA ANG KAECHOSAN!!!

THIS IS A SPECIAL POST BECAUSE FINALLY, KUNG SHOGOD NA KAYEZ MAG-BASA eh keri nyo nang mag-may-I-listen na lang kay BADINGGERZIE.

INSTALLMENT BASIS itu at sisimulan ko sa pinaka-super-first na entry ko sa SEASON ONE.

This gift is long-over-due.

LADIES AND GENTLEMEN, I'm proud to present the AUDIO VERSION OF THIRD SEX IN THE CITY by BERNADETTE

DOWNLOAD THE FILE (libre lang itu mga nini!)


to download Third Sex in the City Audio Episode 1
CLICK HERE



I hope you like it.

Mwahhhhh.

MAHAL KO KAYOOOONG LAAAAAAAAAAAHAAAAAAAAAAT!!!

If you are having problems with downloading the file, just close your eyes and pray. Echoz! Email nyo ko and I can send the .mp3 file through email. Mwah

Saturday, February 11, 2006

BERNADETTE AND THE GOLDEN KABAONG, NICK AND THE GOLDEN BOYFRIEND

FEBRUARY 15, 2005

updated . . . .

I just read a comment posted by one of the readers that I find worth noting:

"What's wrong with being old? Is 30+ old. Bakit ganon n lang ang discrimination sa mga aging gays? Wish ko lang, di ka tumanda. How will that happen? I guess you have to die early.

Enjoy your youth. "

Alvin

+

Dear Alvin,

I did not mean to demoralize "MATURED GAYS" in general.

It just so happened that this certain "MATURED GAY" character in this entry happens to date my younger brother. And because of my feelings and concern for Nick, (which are sometimes I know illogical and obviously overdramatic) I have shifted on my "bitter" gear and that's why I was able to say some things that might appear offensive for older gays. And I am not Alanis-playing-God to just smile and smell the tulips.

Alvin, if you are offended in any way, with what I have written about PAO, I do apologize for that.

I do not, in any way, descriminate MATURED GAYS.
There is definitely nothing wrong in being old. In age comes wisdom, chika nga nila. I still hold respect for those people who taught me the ways and means of becoming a good homosexual. Once I was bagets, and there they were. Up to this moment, I still run to them from time to time for advise and comfort.

Also, I am not saying here that MATURED GAYS have no right to date YOUNGER MEN. Generally speaking, anybody can date anyone.

All of us, inevitably, will go through the entire ageing process the same as everybody does. It is just a matter of who goes first.

But I am also looking forward for that event, without the fear that I might no longer be able to blend in with the younger generation, of being ugly, of seeing my skin sag, moving farther and farther away from my bones, having the scent of SALOMPAS twenty-four hours a day. However, more importantly, when I reach that point in my life, I can always go back and use all the things that I have learned and experienced in my youth.

And I will die a happy, contented queen, with or without the scent of SALOMPAS.

+

Bandang alas-singko na nang naka-alis akez from Glorietta. Sobrang wala akez sa sarili ko dahil na ren sa kulang na tuloy at haggard na schedule. 'Nung time na yon eh witchelles pa nasasayaran ng matinong lafung ang sikmura kez. Parang nafi-felt ko nang nilalapsalauriat ng large intestines kez ang small intestines kez.

Pumara ako ng taxi. Talak ko sa may Magallanes Village.

Witchelles ko ren sure kung saanchie eksakto akez aatak, ang chika lang sa 'ken eh umatak sa may bungad ng Magallanes Village. On the way eh may nag-text sa 'ken. Sa tapat daw ng Asia Pacific College.

Pagdating ko don eh hinanap ko pa kung saang tapat ba ng Asia Pacific College. Nagtanong na lang akez sa isang jaguar at tinuro niya akez sa may bandang likuran. So atak nga akez.

Pumasok akez sa nag-iisang chapel na bukas. Mapayapa ang eksena. Ang mga utawsingbelles na nakajupostrax eh shuhimek lang na nagchichikahan. Yung iba naman eh blanko ang mga fezlack at nakatitig lang sa kawalan. Witchelles talaga akez sanay sa mga ganitong klaseng eksena . . . . . . nakakapangilabot, para akong nasa twilight zone.

Kulay gold na kabaon ang nasa harapan ng mga utaw na super bantay nga, na parang eynimomentz eh meron na lang magtangkang matchusin ang golden kabaon. Sa loob-loob kez eh masyado namang 80's, gold kung gold talaga ang labanan.

Bumalik tuloy sa 'ken ang huling beses na umtaksiva akez sa isang coffee party. Yun yung kay Marco at 'nung gumawa ng eksenang nakakalowka si Claudine. Napasight tuloy uli akez sa mga utaw at mega-search kung haves ba ng isang baklang windang to the bones na eynimomentz eh gagawa na lang ng eksena. So far, wala naman. Sa truelili lang eh daks na misteryo para sa 'ken ang kamatayan. Witchelles mo talaga learn kung kelan ka magta-title at kokoronahan ng bulaklak ng shutay. Najisip kez, sana may consolation prize naman kahit papaano sa pagkamatay. Sana habang deadsung ka eh magivesungan ka ng chance na masightchinabelles ang mga eksenang halos sinasamba ka ng mga naiwang taga-lupa.

Deadma na nga. Masyado akong gay na gay at alive na alive para mag-jisip ng kung anik-nik regarding toldahan portion.

Lalapit na sana akey hey hey sa golden kabaong for more pulitika nang tinapik akez sa balikat ni Sheryl. Nag-apologize ang bilat na among so many places eh kelangang doonchinabelles pa kami mag-meet. Biglaan lang daw kasi ang pagkashigok ng shofatembang ni Bobby, yung mapapangasawa niya.

I was hired by the couple to organize their wedding at within 3 weeks eh kelangang may kasalang maganap sa Santuario de San Antonio.

Usapang patay at kasal sa isang araw. Ang saya-saya da 'vah? Saan ka pa?

Anyway, kelangan kong gumawa ng skrip para sa AVP during reception kaya kelangan ko silang ma-interview.

Super ask akez kung keri lang ba, kasi parang wrong timing knowingbelles na shofatid ni Bobby ang nasa loob ng golden kabaong.

Smile lang si Sheryl and sabay chika na keri lang daw, "Hindi naman sila close."

Saaaaaaaaaabeeeeeeeeeeeeeeeeee.

Tumbling naman ako sa eksena, witchelles talaga close? Kahit naman siguro sinusumpa mo na ang shofatembang mo at naglalaro kayo ng shato gamit eh kutsilyo, pag na-toldahan na siya eh kahit papaano naman sana eh may kaunting grief and remorse. Pero, nung nakatalakan ko si Bobby, eh wai talaga.

Anyway, nagproceed na nga kame sa interview.

I was in front of a heterosexual couple. They are so just like US pala ah.

Hayon na nga, simple lang ang love story nila. They met during college, became friends, fell in love and naging magjowa sila right after graduation. Then naging mga registered narsisa, nag-fly sa estados unidos, nag-civil wedding doonchinabelles, jumuwelya ditembang sa Pinas para sa Church Wedding. They've been magjowa for almost 8 years.

Ganun lang, simple da 'vah? Boy meets girls, boy and girl fell in love, then boom . . . . . That was it! That was really really it!!!

I wish someday, I can hear naman ng isang istorya ng Boy meets Boy, boy and boy fell in love then boom . . . . . pero sa mga ganitez eh malamang marameng segue . . . . may eksenang boy finds another boy . . . . . boy fucks around without the other knowing . . . . . boy and boy break up . . . . andaming bitterness . . . . . pero may chance na magkabalikan . . . . . . hanggang sa magkabalikan nga . . . . why not another chance? . . . . . pero same old same old . . . . Ligwakan portion another and so on and so forth . . . . . Good luck na lang sa This is It. This is really really it.

Sounds complicated siguro for heterosexual people, but I guess those were just the perks of being in a homosexual relationship (not that I generalize all homosexual relationships, but that's just what I've seen and experienced so far . . . )

And I'm seeing a lot of it right now . . . . .

Isang gabe, pag-juwelya ko sa balaysung:

Nadatnan ko si Nick sa sala na nakikipagharutan sa isang maondang pamenchus. Mukha itung nerd na napaglumaan na ng panahon. Makakapal ang mga salamen niya, thick-rimmed, prescription glasses, yung last time na nakasightchinabelles akez nang ganong klaseng salamen eh kay Ninoy Aquino pa. At ang hairline . . . . . dati hindi ko alam ang ibig sabihin ng receeding hairline, nung na-sight ko yon eh nabigyan niya ng depinisyon ang salitang "receeding hairline" . . . . sa lapad ng noo niya eh pwede nang gawing paliparan ng mga B52 bombers. Ang my god, he's wearing flanel na naka-tuck-in sa slacks na super baston at bitin, sight na sight ang puting medyas with the black shoes. At ang chanda romero niya eh humihilagpos sa pagkakatuck-in.

Sa totoo lang, that moment eh witchelles ko knowing kung aniklavu ba ang gagawen ko una . . . . kung lalapitan ko ba si Nick at kukurutin sa singit dahil sa kalampungan niya o tatawag na lang akez ng fashion police para dakipin na ang bakulaw sa sala kez, ipatapon sa Namimbia para witchelles na makapurwisyo pa dito sa sibilisasyon . . . . at least, malay naten sa Namimbia e baka maging fashion icon pa sha. I would do him a favor.

"Ang sweet-sweet nyo naman. Baket hindi kayo magpapicture tapos ipa-frame naten nang meron akong mai-display dito sa sala ko."

Shet ang harsh ko!! Pinangako ko sa sarili kez na witchelles na ko magiging harsh sa shofated kez eynimomentz kasi eh baka pagdating sa sarili kong burol eh may magtanong kay Nick kung baket witchelles siya jumijiyak, tapos italak na lang niyang "Hindi kasi kami close".

Ipinakilala naman sa 'ken ni Nick ang pamenchus na nanggaleng sa time space warp. Si Paulo/ The "Sugar Daddy". In fairness, daddy nga sya, he's like 1 trillion times older than me.

Anyway, nagpakatao naman akez at tinanggap ang kamay niya. In fairness, inspite of being a total fashion victim, may certain sa kanya, the way he stands, the way he speaks, parang may breeding, (kung german shepherd itu eh di ko lang sure, echoz!) parang may regality. I've worked with a lot of people, male-learn ko kung ang kaharap ko eh mensahero o isang ehekutibo. The sugar daddy is more of the latter. Amoy na amoy kez ang aroma ng andang fresh from an ATM. At ang relos eh ayaw din magpaawat . . . . . .naghuhumiyaw na rolex itu.

"Nagdinner na PO ba kayo?!" talak ko. Laftir momentz. PO!!! I can be so evil sometimes. Siyempre bigyan galang ang mga senior citizens.

"Yah! Kumain na kame sa labas. Tsaka wag mo na kong po-poin, just call me Pao, halos magkasing-edad lang naman tayo e."

Hooooooooooy!!!!!!!!!!!!!! Anong magkasing-edad????

I look like 24 (sometimes 20 for other people) and he . . . . . . he . . . . . . . . he . . . . . . .he looks like a petrified science project gone wrong. At Pao daw . . . . . feeling jugets. Nagsesecond-childhood yata ang lolo ko. (Lolo there is not a gay expression rather the literal one)

Witchelles na rin naman daw magtatagal dahil hinatid lang niya si Nick.

Mabuti naman, another minute with him my nose will bleed and I'll have an epileptic attack.

Hinatid siya ni Nick sa baba. Ang carumba, BMW itu.

Pagbalik ni Nick eh dire-diretso siya paatak sa kwarto niya na para lang akong isang halusinasyon.

NICK?

Humarap siya sa ken na parang disappointed at witchelles pala ako halusinasyon rather isang aparisyon ni Sharon Cuneta sa pelikulang "Magkapatid!"

NAKITA MO NA SIYA. SABI MO NAMAN DI BA? GUSTO MO SIYANG MAKILALA. HAYUN NA. MASAYA KA NA BA?

Bubukas pa lang sana ang bibig ko . . . .

AT WAG MO NA KONG PAANDARAN NG MGA LITANYA MO

Magsasalita na sana talaga ako nang . . . .

ALAM KO NAMAN ANG SASABIHEN MO E. NA MASYADO SIYANG MATANDA. HINDI KAMI PARA SA ISA'T ISA.

Teka!!! Sino ba ang slight pagirl sa pamilyang itu??? Akez da 'vah???? Akez dapat ang pumuputak! E Baket akez ang pinuputakan!?

OKAY AKO NAMAN. HINDI NAMAN SA PINIPIGILAN KITA OR AYAW KITANG MAGING MASAYA. (I'm supposed to say something good here pero iba ang lumabas sa bunganga ko) PERO HINDI TALAGA PROPER E.

Napika si Nick at tinalikuran ako. Pumasok siya sa kawrto niya at binagsakan lang akez ng shintuan ever.

OKAY! OKAY! MAG-DEAL TAYO. HINDI NA KITA PAPAKEALAMANAN DYAN SA LOVER MO AS LONG AS SURE KANG HINDI KA LANG NAPIPILITAN DAHIL SA PERA NIYA, DAHIL BINABAYARAN KA NIYA.

Bumukas agad ang pinto sabay talak si NICK:

ANONG PALAGAY MO SA 'KEN? PUTA?

Shet. Bago ko pa marealize na wrong kangkong talaga ang chinika kez at bago pa akez makarebound eh pintuan na naman ang sumalubong sa fezlack ko.

I did a good job noh? Malamang, pagdating nga sa sarili kong burol, witchelles nga jijiyak si Nick, at pag may nag-ornong sa kanya kung baket . . . . chichika siya na, "HINDI KASI KAMI CLOSE AT PINAGKAMALAN PA NYA AKONG PUTA."

Sunday, February 05, 2006

BROKEBACK: A GAY TRAGEDY

There are a lot of questions that come across us in our everyday life.

How does the bird fly?

How come that we cannot see the air?

How does water behave so fluid?

What is the main purpose of our existence as human beings in this earth?

But amongst all this mind-bogling (philosophical) questions, one big mystery comes to us?

How in the bloody world did someone think of a story of two cowboys falling in love with each other in the wilderness?



Image hosting by Photobucket



It's so fucking unthinkable, it's uber fantastic.

(Pasintabi sa mga lumalafang, INGLET itu)


"Ennis Del Mar (Heath Ledger) is hiding in plain sight. While waiting one
morning for the foreman who might give him a sheepherding job, Ennis keeps his
head low and his hands stuffed in the pocket of his jeans, like the wallflower
at a school dance. On the other side of the parking lot, a roughneck named Jack
Twist (Jake Gyllenhaal) jumps out of a pickup truck. He poses against the side
of the truck and studies the other man with the narrowed eyes of a gunslinger -
or a cruiser in a singles bar. "

Forty-nine years and a half akez na super waitsiva sa felikulang itu. As early as May of 2005 eh nakakareadaloo akez ng mga chismis tungkol ditey at ang chika nga eh super hottest ang movie next to the maximum level.

BROKEBACK MOUNTAIN, is one of the best gay films that the movie industry had produced, if not simply one of the greatest love stories in film history. Pero ang tanong ng bayan, GAY nga ba siya o isa lang siyang eksena ng dalawang menchukulaytis kamatis na nagkaenlababuhan.

Anyway, wenopangba?

E di kung nagkaenlababuhan naman siletchie eh di maliwanag pa sa tanghaling tapat na eksena siya ng mga badinggerzie.

Pero ang pinakanakakalokang eksena eh, set ang felikulang itey hey hey hey sa 60s and among all the places in this gay world . . . . eh sa Wyoming pa talaga ang eksena.

Simple lang naman ang istorya. Istorya ng dalawang menchus na nagkaenlababuhan habang ilang buwan na nasa bulubundukin, habang naghe-herd ng sheep. Nagkahiwalay, nagjusawa, pero in the end eh male-learn natin na mahal talaga nila ang isa’t isa, no matter what.

Sabi nga ng ilang friends kez witchelles daw talaga makukumpleto ang sense ng felikula kung wang eksena ang Mountain ever. Sa malamang, e sa jundok ara pinangalan ang pelikula noh.

In fairness, noong una eh duda akey hey hey hey sa kakayahan ni Ang Lee na makapagdeliver ng felikulang bukod sa super melodramatic eh gay na gay pa ang motiff ever. Dyosko, tuwing nababanggit si Ang Lee noon eh biglang jumojosok sa jisip key hey hey eh ang uber-flop na walang sense na felikulang Incredible Hulk, and I can’t help but maduwal sa diri. Echoz.
Pero in fairness din naman, sinetch ba naman ang makakalimot sa masterpiece ni Ang Lee: THE CROUCHING TIGER AND THE CHENELYN DRAGON, which gave him an oscar.

Anyway, napatunayan ni Ang Lee ang kabaklaan niya, este, ang kanyang kakayahan bilang isang magaling na film director sa adaptation ng short-story ni Annie Proulx.

BROKEBACK MOUNTAIN, imagine a long-playing MARLBORO COMMERCIAL, but instead of the cowboys loving their horses, they are loving each other. Kakaloka.

Kakaloka moment number 1: Imbyerna ang accent nilang lahat . . . .. . 60s na nga ang eksena, western pa itey, so more more cowboy talaga ang twang ng mga de puta at ang pinakangarag eh ang accent ni Ennis Del Mar (Heath Ledger), na kung minsan eh witchelles ko talaga ma-learn kung aniklavu ang chinichika niya sa sobrang harsh ng accent niya ha. At bet pa yata niyang kabugin si Marlon Brando sa pelikulang Godfather sa paglalagay ng bulak sa loob ng ngangabu.

Kakaloka moment number 2: Yung thought na dalawang uber-straight na menchukulaytis kamatis, as in uber-straight with the rough edges, redneck attitude, cowboy outfit with all the boots the hats, the checkered flannels na naka-tuck-in and let’s not forget those skimpy jeans na parating nakakapagpahumiyaw sa juwetrax ni Heath Ledger. At siyempre, with all those horseys, boytalk and avratheng, ANNIE PROULX must have been deranged when she thought of the concept of gay love between these kind of men. Wit naman sa wit ko bet ang concept na yonchie, sa truelilie nga eh super happy . . . . super duper mega over happy siya na nakakaimberna.

Ayon nga lang eh nakawatch na akez ng ganitez na eksena, way way back, sa PORN nga lang. So witchelles ko learn kung gaano ka-original ang istorya ni ANNIE. Echoz!

Kakaloka moment number 3: Shet! Ang hottest ni Jake Gyllenhaal. Parang bet ko namang magpakabayo sa kanya one of these days!!!! O Jake! My Jake!!!! Kabayuhin mo naman akey hey hey hey!!!!!

Kakaloka moment number 4: Dookit scene ng dalawang cowboy sa loob ng super jutay na tent. Arrrrrgh. Witchelles ko siya madescribe nang witchelles akez na-eerbogan.

Super borlogsiva si Jack Twist (JAKE GYLLENHAAL) sa loob ng tentaloo ara habang super borlog namench si Ennis Del Mar (HEATH LEDGER) sa labas ara.

Nagising si Jack dahil super nahi-hearsung niyang warlang-warla na sa ginawla si Ennis sa jobas. So, pinashosok niya itey sa super jutay na tentaloo.

JACK: Ennis, ditey ka nech ma-orlok!

Shumoyo naman si Ennis na super nginig-nginigan portion pa. At nag-enter-the-dragon nga sa tentaloo. Shumobe kay Jack.

Borlog.

Then.

Nakaorlok na siletchie ng slight slight.

Then.

Biglang.

Ginetching ni Jack ang kamay ni Ennis at niyakap sa kanya.

Super yakap naman si Ennis.

Nang biglang.

Hala!

Nagkalokahan.

Biglang shumoyo si Ennis and Jack.

Walang splukang namamagitan sa dalawang menchus.

Parang naloloka lang si Ennis sa mga nagaganap. Pati rin si Jack. Malalim ang mga paginga ever. Pilit na tina-touchstone pictures ni Jack ang fezlack ni Ennis, pero umiiwas siya, to the point na may puwersahan nang nagaganap.

Super shonggal namanchie ng poliley si Jack at super unbuckle ng belt.

Witchelles na nakatiis si Ennis. Shinorlak na niya si Jack padapa. With matching force pa ren itu ha. Para silang nagre-wrestling.

Then,

Hinila na lang ni Ennis ang shontolon ni Jack. Binaba ang shontolon niya.

Hanggang sa . . . .


Kakaloka moment number 5: Botommesa si JAKE GYLLENHAAL!

The day after the dookit scene.

Super pagirl na higa-higaan portion si Jack Twist (JAKE GYLLENHAAL) sa damuhan portion arabelles. Biglang enter si Ennis Del Mar (Heath Ledger), with the baril and everything.

Super sighteous lang sila ng slight. Then super upo si Ennis sa shube ni Jack.

ENNIS: (looking at the vast wilderness) Kung anechiwa man ang mga eksenang nagaganap ditey eh ditey lang 'yon.

JACK: Truelsa Clench! Wai namang shukialam ang others. Tayoti langti ang may shukialamti.

ENNIS: Witchelles akez badinggerzie!!!!!!!!

JACK: Naman batman palaman superman! Akez den!

Sabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee ba naman?!

Kakaloka moment number 6: Baket kelangang may mga boobaloo exposure? Nakakasuka! Choz!

Kakaloka moment number 7: Fabulous si Anne Hathaway.

Kakaloka moment number 8: Dookit scene ni Heath Ledger at ng napangasawa niyang bilatchinabbelles, binobona niya talaga itey hey hey hey, na parang the same way kung paano niya binobona si Jake Gyllenhal. Hahahahaha. Laftir moment.

Kakaloka moment number 9: 'Nung first time uli nagkita si Jake at si Heath after four years. May mga jusawa at junakis morrisette na ang mga de puta. At nung nagsighteous talaga sila eh mega lapchukan galore here there and everywhere. At biglang BUKAYONG WALANG TAMIS ang drama ng masight ng jusawa ni Heath ang lapchukan moment. Hahahaha. Laftir moment another.

Ano kaya ang feeling ng isang bilat pag nadiscover niyang may kaleptolelang ang jusawa niya?

Kakaloka moment number 10: Baket kelangang maging thundercats sila at mas lalo na si Jake, kelangan talagang pachakahin siya di ba? Imberna.

Anyway, super happy talaga ang delivery. Isa syang EPIC LOVE STORY. Sobrang powerful ng mga shots, especially with the main character of the story, the Brokeback Mountain. The film is a visual feast. Almost every important scene in the film has been conveyed visually. Less talakathon portion talaga, more arte. Even though, witchelles akez masyadong convinced sa arte ni Heath Ledger pero parang di ko sure kung ganoonchie lang talaga ang character niya bilang the rough cowboy eksena with less and concealed emotions.

It is a story of PURE LOVE. But since that their love is not "normal". Witchelles din naging happy ending ang love story nila.

If falling in a life-long love genuinely, loving and being loved in return, would always end up in a tragedy. So be it, then, let my life be tragic.

Katulad din ng sinasabi ng ilan. Gay life has always been a tragedy in the making.