Thursday, December 10, 2009

KABETSEENA



“WHAT’S WRONG WITH ME?”


Itecklavu ang shurlak kembang kay Kiara habang sine-celebrate namen ang napakasuper-happy kong birhtday.

Sa truelili lang eh washington namang planong akebang na magcelebrate nang birthday ara. Ewan ko ba .. parang witchelles ko lang feel. Masyado akez depressed para magcelebrate at makipagnyostikan sa mga utaw at magpanggap na super keri-keri akembang maski witchelles naman arabum arabelles arabumbumbelles.

“BET MO BANG SAGUTIN KO YAN HONESTLY .. OR AS A FRIEND?”

Talak naman nang baklang Kiara.

Napatameme akembang. At super sight lang sa dalawang boteng horsie sa table.

Shurlak naman akembang another. Sa truelili lang eh sa 3 years na ren akez na dry season. Witchelles ko mang bet jicipin at banggitin ditey si Varsity Captain pero ayun ang eksena. Parang siya lang ang last na menchus na super naenlababo akembang at after him eh parang sinumpang kuba na ang lovelife kez.

Haves naman nang mga flings, infatuation at mga sexcapades here and there pero iba pa ren ang eksenang may hinahanap hanap kang sharam-daram feelings. Yung tipong nakakapagpangiti sa iyez nang hanggang tenga … yung tipong makakapagparelax sa beauty mo kahit na super ngaraggeddy anne na ang drama mo sa buhay dahil sa mga kembot sa workikay … yung mga tipong may mag tetext sa yo nang “WER U … D2 NA ME” ….. with matching *wink.

And speaking of flings, naichika ko kay Kiara na plentibums naman talaga ang mga fish in the ocean sa call center cherva pero ang witchelles ko lang magets eh kung baket walang nagblo-blossom na sharam-daram feelings from my so-called “PET SOCIETY”.

Pero siguro eh andun na ren yung factor na since munejer-munejeran ang drama kez eh andun na yung unwritten rule na bawal jumowa nang sinumang boylet na superior ka.

At bukod pa don eh naniniwala akong “Don’t shit where you eat!”

*

ISANG ARAW SA OFFICE:

First week ni Mr. Hello World, at in fairness eh may pagka-mr. congeniality naman si kuya. Parang andami na niyang newfound friends, tapos samantlang akez itong nagnanak-nak sa kagandahan eh kulang na nga lang eh mag-split akembang at mag-leg raise sa harapan niya para lang mapansin.

I have taken him under my wings for mentorship pero parang isang malaking pader lang ang tingin niya sa aken. Nakikinig naman si kuya tuwing may mga cherva at super may-I-follow naman siya sa mga kervang pinag-iimbento ko but then hanggang dun na lang. Once he steps out of my office, he’s a completely different person.

“I WANT HIM!,” chika ko kay Anna habang nakadungaw kami sa glass wall nang opis ko na para kaming mga street children na super ask nang mga tira-tirang lafanggus sa Jollibums.

“YOU CAN’T HAVE EVERYTHING!”, talak naman ni ate.

Chinika ko kay Anna na willing naman akembang na magpaka-kabeetseena, willing kong igivesung ang lahat-lahat at willing kong isugal ang buong pagka-utash kez at isangla ang pinaka-aalagaan kong virginity (or what’s left of it) sa Cebuana Lhuillier pawnshop.

*

THE NEXT DAY

BERNZ: DO YOU HAVE ANY PLANS AFTER WORK? WE ARE PLANNING TO ....

Best in interruptions.

MHW: AH. I HAVE SOMETHING GOING ON WITH MY …

BERNZ: AAAAAH. OKAY (sabay backflip, labas nang grand piano at singaling nang po-po-po-poker face po-po-poker face nang naka-split)

BERNZ: (hawi nang hair na hanggang talampakan) YEAH I KNOW … GIRLFRIEND DUTIES … SO HOW LONG HAVE YOU BEEN …

MHW: (zip nang laptop bagelyon, bitbit .. sabay) SORRY … BOSS … I HAVE TO GO … NAGMAMADALI EH ..

BERNZ: AH .. EH .. AH .. EH …. (labas si MHW .. sara si pinto)JUST CALL ME BERNZ?

*

THE DAY AFTER THAT

BERNZ: (chika sa isang random agent) I GIVESUNG MO ITECKLANG IS-TAR-IS-BAKS KAY MHW. SABI MO MAY TREAT.

AFTER 2 MINUTES:

RANDOM AGENT: HE DOESN’T DRINK COFFEE DAW PO!

*

KINAGABIHAN SA FEZBUK:

BERNZ: DI NIYA AKEMBANG PINAPANSIN?

KIARA: TRY MONG MAG-BLUSH ON …. YUNG SA BODY SHOP ….

*

KINAUMAGAHAN

BERNZ: HI MHW!!!!

MHW: (DEAD AIR)

BERNZ: WHAT’S UP?

MHW: BOSS, DO YOU HAVE A FEVER OR SOMETHING? ‘COZ …. YOU’RE FREAKISHLY RED!

*

AFTER TWO HOURS SA FEZBUK:

BERNZ: PUNYETA KA!

KIARA: BAKET?

BERNZ: PINAGKAMALATAN NIYA KONG NAGDE-DELIRIO

KIARA: HAHAHAHA … NAG-BLUSH ON KA TALAGA?

BERNZ: AMPF! MABULOK NA SANA ANG MATRES MO HABANG BUHAY!

KIARA: CHE!

BERNZ: PUKI MO BLUE!

KIARA: HAHAHAH! I-FRIEND MO KAYA SIYA SA FEZBUK.

BERNZ: HARSH! SO STALKERISH NAMAN NANG DRAMA

KIARA: OKAY …. TRY MO NAMANG MAG PLUNGING NECKLINE … PAG HINDI PA REN GUMANA .. GAGAWAN KITA NANG BALL GOWN!

BERNZ: PUNYETA KA!!!!



*

Ang harsh harsh … parang in-grown lang na pinadugo nang manikuristang inaantok sa pagpepedicure ….

What else do I have to do to get his attention ….

*


LADY GAGA - MONSTER


Sunday, December 06, 2009

ANG PAGBABALIK SA MALARS (PART 2. I AM CHANGING)

After few more rounds of nomuhan session eh nag decide na kaming mag-enter nang BED. Pero bago pa kami maka-shoyo may chinika si Rica, “Is that who I think it is?”

1 …… 2 …… 3 …. best in choreography …. sabay-sabay naman ang lingon nang mga bakla.

FRANCHESKA: OH!

CLAUDE: MY!

RICA: GOD!!!!


Sabay sight sa ‘ken ang mga veklores …..

Witchelles ko learn kung aneck ang eksena, okay fine may isang veklores na naka-darna costume na super dance at super rampa sa kalsada habang may-I-collect ng anda sa mga badinggerzie na nag-eenjoy.

RICA: Not her! HIM!

Sight ever naman akembang sa kung saanchienabelles naka-sight sina Rica just to make sense out of things.

Na-sight ko ang isang grupo nang kapamenchusan on their way to enter BED. At isa sa mga kapamenchusan eh ang isang lulurking pinilit kong burahin sa aking sa mga alaala at pati na ren sa aking mga wet dreams.

Pero napa-second-thirf-fourth glance akembang. Parang witchelles siya … pero siya. Ang laki nang pinagbago niya. But it all boils down to a *sigh* “Yup, it’s him!”

Yun na lang ang talak ko sa mga veklores. Suddenly, parang nawagtus ang lahat nang lakas sa shortawan kembang at parang bigla akez nakafeel nang dizziness na parang eynimomentz eh magdi-declare na lang akembang nang, “I think I’m pregnant!”

Bumalik akez sa pagkakaupo, witchelles learn kung anecklavu ang gagawen.

Witchelles kez na-anticipate na mangyayari ang ganitrix na eksena. Masyado naman yatang coincidence itembang.

After ten thousand years of not going to Malate, finally nagdecide akong iladlad muli ang kapa at muling rumampa for old times sake, then suddenly, masa-sight ko siya. Parang witchelles naman yata check itu.

“I don’t think na I can go in there,” chika ko sa mga veklores.

“Badette, don’t let him ruin our night! Anukaba. Kala ko ba naka-move on ka na,” talak naman nang baklang Rica.

Nag-jisep akembang nang slight. Corrected by naman si Rica, I won’t let this ruin the night.

So, finally, I was able to summon the courage to get in to BED.

Pag-josok na pag-josok namen eh parang naka-queue ang pag enter the dragon namen dahil bigla na lang tumili si Lady GaGa.

Ra . . . Ra … Ra … aah … aah
Roma… roma … aah … aah
Gaga … ooh .. la … la

Gagang-gaga nga! Isang malaking kagagahan itecklabernz.

I might have underestimated the Saturday night, kung anecklavu ang kinawagtus nang mga utawsingbelles sa labas eh yun naman ang ikina-plenty sa loob ng BED.

It’s exactly how it was … punung-punong pa ren nang mga veklores na hayuk sa pagparty.

Direcho na lang kami sa second floor for more space dahil pati yata ang super balingkitan kong shortawan eh witchelles kering makipagsiksikan sa baba.

More order na nang nomu at naloka naman ako sa mga waitrix, parang super forty eight years nga ang absence ko sa BED at ang mga waitrix eh nagsuper-thunder cats na … ang dating mga yummy-yummy na mga waitrix eh nagmukhang mga daddy-daddy na may pinapalaps na mga junakis morrissette.

Pero shempre eh witchelles naman kami nagpaawat at kulang na lang eh magproduction number kami to the tune of LADY GAGA!

Promise saulo talaga ng mga vekiloids pati ang steps …

As expected, rampa mode na ang Rica at ang Francheska na ayaw talaga magpaawat sa pagfi-fish while super senti mode lang kami ni Claudine sa bilog na couch sa second floor na kulang na lang eh lagyan mo nang salamin, nang mga kandila, bibliya at bulaklak eh altar na ang labas namin.

Super observe lang kami, with matching daot on the side and surprisingly, andaming familiar faces:

Si Duke, walang pinagbago, pokpok pa ren siya habang napapaligiran nang samu’t saring badette with all ages, shapes and sizes.

Si Kemerut na dating nakadukit ni BumBumKylie na parang at one time eh naka one-night-stand din ni Claude.

Si Lukring na dakilang freeloader na walang patumangga sa pakikipagsocialize na parang lahat na lang yata nang badezima past, present and future sa malars eh learn niya.

Si JB, na nabalitaan naming nakulong at one-time dahil sa more push ever ng Vitamin Nye as in nyekstasy.

After three glasses of vodka redbull. Suddenly eh I was transported in time, same place, same night. It occurred to me, this was the lifestyle that I used to want, the lifestyle that I used to like. Nagpapakashukamatay akembang if I miss one Saturday in BED. I was like an energizer bunny that keeps on going and going and going at kung makapagparty eh parang wala nang bukas. I used to know everyone there. And I have dreaded the fact na one day eh wala akong choice kundi maging isang old irritable faggot na mas pipiliin na lang na mag-cross stitch nang Hello Kitty kaysa mag party.

Shet! This is the time that I have hoped for so long not to come. I am nothing but an old irritable faggot na mas pipillin na lang mag-cross stitch nang Hello Kitty kaysa mag party. Pinilit ko mang tumayo at mag-enjoy. Gone were the days. I can’t find the party person in me. I have been reduced to nothing but a simple wallflower while everyone around me is partying their pinkish guts out.

Hindi ko kineri ang eksena, chika ko kay Claude aatak lang ako nang CR to make wiwi.

After ten thousand years in waiting-in-vain eh nagjosok din akembang sa nyiarette. Pinilit kong mawiwi dahil kung minsan eh may pagkashy-type si junjun pag na-eexpose sa public CR let alone sa CR ng Bed na walang concept nang privacy. So, super sight lang ako sa aquarium. May pamenchus sa tapat ko, nagbukas nang zipper at walang patumanggang iwinagayway ang kanyang junjun. In furness, keri keri naman ang junjun din kuya, walang konsepto nang pagiging shy. Dahan-dahang gumapang ang aking paningin sa shortawan ni kuya hanggang masight kez ang fezing niya. Witchelles niyang napapansin na nakasight akembang sa kanya dahil super sight lang siya sa junjun niya.

OMG! It’s him.

Si Varsity Captain.

All night eh I was wishing na witchelles ko siya makita sa loob nang BED at nyeta! Sa CR lang pala kami magkikita.

Hindi ko na pinilit si junjun magperform, tinaas ko na ang zipper ko at SHEEEEEEEEEEET! Napatili akembang bigla at napatalon nang slight dahil najipit si junjun. Makyoket ng fatalle.

Naloka si Varsity Captain sa kabilang side nang aquarium at napasight siya sa ken.

Napasight din akembang sa kanya, biglang nawagtus ang pain ni junjun.

Through na cloudy waters nung aquarium sa CR nang Bed eh muli kaming nagkatitigan. Iniisip nang isa’t isa kung isa lang ba itung malaking guniguni.

Deadma. Nagmamadali akong nagmay-I-go-out sa CR, then direcho labas. Baba nang stairs and walkathon nang fast pabalik sa kanto nang Orosa.

Halfway pa lang akembang eh nahearsung ko ang boses niya …

“Bernz!”

Deadma.

Walkathon na pang 3K pa ren ang drama.

“Benz!”

Another.

But this time, he was much closer. Super closer dahil naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko.

Napahinto na ko sabay about-face.

“Oh! Hi! There!” with matching kolehiyala smile.

Bet ko sanang ganon na lang ang eksena kez pero witchelles.

Witchelles ako naka-spluk.

Naka-smile naman siya.

“Ano? Kamusta ka na? I am so happy to see you here. Who are you with? Kanina ka pa?”

Andami niyang tanong, witchelles ko knowing ko anechlavu naman ang una kong sasagutin.

Deadma pa ren!

Para akong nasa twilight zone. Parang for a moment eh nagblack out ako. Naging bulag-pipi at bingi.

Pinagmasdan ko siya. Anlaki nang pinagbago niya. He looks so much older. He lost weight. Nawala ang freshness. Dry ang skin. But his eyes are still the same. Nanunusok pa ren hanggang kaibuturan nang pagkatao.

At one point eh naisip kong magpanggap na ibang tao o kaya magpanggap na nagka-amnesia ako, parang mga storyline sa soap opera, pero napa-ikmyle na lang ako sa thought.

Marami siyang sinasabi pero wai akez naiintindihan as if he’s talking in a foreign language.

Hanggang may isang vecky na lang ang tumawag at lumapit sa kanya. Hiniwakan ang kamay niya at hinila papasok nang BED.

“I’ll see you inside!” chika niya habang papalayo.

Smile pa ren ako na parang mongoloid lang.

At that point eh parang nawala ang lahat nang tao sa paligid ko. Nawala pati lahat nang sounds. I was alone in a dark, dirty alleyway sa Malars. Lost. And above all isolated.

I didn’t expect that that night would end up so melodramatic.

Ginetching ko ang nyelpi ko then I texted Claude.

“FLY NA!”

*
"I am Changing" - Jennifer Hudson


Change is inevitable. Majority of people have this common fear … THE FEAR OF CHANGE.

We will have to CHANGE at point in time. Pwedeng sooner …. Pwedeng later. Depende na lang kung gaano tayo kadali mag-adapt at masanay sa mga pagbabago.

But ideally, CHANGE should always be for the better.

And one very critical part of accepting change is “moving on” and letting go of the old, the “had beens”, the “used to’s”.

If you get stuck in the past. Change will not happen.

Sunday, November 29, 2009

ANG PAGBABALIK SA MALARS (PART 1. LUMA’T BAGO)

Gumetching akez nang shoxibelles.

“Orosa-Nakpil po!” chika ko kay manong driver, with matching flip nang hair, miss universe wave at sparkling eyes.

45

46

47

48

years in the travelling portion.

Habang nasa shoxiebelles eh bigla naman ako napamuni-muni. Ang truthfulness eh may slight excitement akong nafi-felt dahil una’t higit sa lahat eh finally, I’m going out again. Honestly, for the past few years, my idea of a night-out eh hang out with heterosexual office friends, go to a casual hetero bar somewhere in eastwood or timog, not during the weekends, sit outside, smoke, drink, rant and make daot other heterosexual people. Feeling ko, with my new kind of lifestyle eh I lost my appetite to party.

Pangalawa’t higit sa lahat eh magkakasight-sight na namin kami nila Claude, Rica and Francheska sa isang lugar na halos humubog nang kabaklaan namen.

I thought for myself, haves pa ba nang “old” badinggerzie in me? Learn ko sa sarili kez na I have changed a lot, kung minsan nga eh witchelles ko na ren marecognize ang sarili ko kung minsan.

So, in short, may halong takot at pangamba ang excitement kez sa muling pagbabalik sa Malars.

Naputol na lang ang pagmumuni kez nang chumika si manong driver nang “San po dito?”

Naloka naman akez, nasa panulukan na pala kami nang Nakpil at Orosa. Sumight muna akembang sa kaliwa, sa kanan, sa front, sa back, sa up, sa down … at parang betchay kong ishornong kay manong driver kung sure ba siya?

Nag-decide na kong bumaba nang masigurado ko sa sarili ko na nasa Malars na nga ako. Ang ikinakaloka ko eh lost in space ang mga utash, thinking na it was almost 1 AM na nang makarating akembang, it was a Saturday night, and it’s payday pa. Nasaan ang mga veklores?

Naaalala ko pa nga dati eh witchelles na nga nakakaabot yung mga shoxiebelles sa mismong orosa dahil sa fatalle na traffic dahil sa mga nagkalat na sangkabaklaan na walang patumangga sa pagrampa galore na akala mo eh everyday is a Fashion Week.

But then last night, eh iba talaga. Siguro witchelles lang akembang ang nagbago … pati na ren ang malars eh nagbago.

Eyniways, nagwalk na ko nang slight, may mga mangilan-ngilan pa rin namang mga veklores ang nasa labas, ang mga clones with the well-fixed-taas-taasan portion ng hair, body-fitting shirts and skinny jeans.

Nakarating ako sa BED, just to check, pero washington DC ding pila. Derm.

Umatak muna akembang nang Sonata para magwaitsiva sa mga primadonang mga veklores para na ren we can have our “pre-BED” drink and to catch up sa mga kanya-kanyang eksena sa buhay.

I just realized na may hawak pa kong cup ng istarbaks dahil kagigising ko lang and what other better way should you start you’re amazing day but drink coffee first and then follow it with vodka. So tinalak ko ang favorite malars drink kay kuyang waiter. I haven’t had vodka red bull in echelons.

Dumating din si Claude after a few minutes.

Chikahan-chikahan …. Kamustahan-kamustahan …. Dautan-dautan, then super order siya nung “gilbey’s” premium cherva with green tea chervalou na nung pinashikman sa ‘kin ni Claude eh lasang scented candle. Chaka!

Then, dumating na ren si Rica followed by Francheska. Francheska got his beer, I got another vodka … and Rica got her Bolognese …. opkors .. lafang kung lafang itu.

In furness eh freshness pa ren naman ang beauty ni Rica, pero haves nang something eh … pinisil ko ang cheekbones ni bakla … at check! Collagen kung collagen ang labanan.

At shempre, super deny naman ang kumare ko sabay may-I-flash siya nang kanyang bagong watch na kulang na lang eh idukdok niya yun sa fezlack ko.

Isang pabulus na technomarine na gift raw nang friend. Mahaliya Jackson daw yun. Derm! As usual meron na naman Intertropical Convergence Zone na nagaganap nang mga sandaling iyon. Ganun lang talaga si Rica, likas na sa kanyang daigin ang bagyo sa lakas ng hangin.

Oh well, shempre nag-asim-asiman si Claude, kiver daw sa Technomarine eh mukha namang swatch dahil sa rubber na bracelet.

More chikahan, parang ang mga friendiva ko eh ganun pa ren. Parang I was transported to a time, five or six years ago at that exact same place.

Si Francheska, ganun pa ren, hopeless romantic at pag-ibig pa ren drama sa buhay. Pero ang wrong nga lang according to Rica, eh wala talaga siyang magiging pag-ibig dahil sa kapokpokan niya.

After few more rounds of nomuhan session eh nag decide na kaming mag-enter nang BED. Pero bago pa kami maka-shoyo may chinika si Rica, “Is that who I think it is?”

1 …… 2 …… 3 …. best in choreography …. sabay-sabay naman ang lingon nang mga bakla.

FRANCHESKA: OH!

CLAUDE: MY!

RICA: GOD!!!!


Sabay sight sa ‘ken ang mga veklores …..

To be continued …

*

Maraming bagay ang nagbabago. Chika nga ng super gasgas na kasabihan, “The only permanent thing in this world is change.”

May mga utawsingbelles na kusa na lang nagbabago dahil sa iyon ang pinaka-natural na bagay na gawin.

Haves naman nang mga napipilitan magbago dahil bet nilang mag-improve.

Meron ding go lang nang go at kahit na anung sarap nang luma eh kelangang palitan, kelangan talagang magbago …. para na ren makalimot at witchelles maisip ang mga masamang alaala.

Pero kung minsan, kahit na anung gawin nating pagbabago eh pilit pa ren tayong bumabalik sa lumang tayo.

Baket?

Witchelles ko learn!




Thursday, November 26, 2009

ANG PAGBABALIK SA MALARS (PRELUDE)

Kung magt-three years na ang beauty kez sa pangkasalukuyan kong workikay eh ibig sabihin ay almost 3 years na ren akez umaatakchinabelles nang Malars!

If I remember it right January '07 ang last kong Malars experience.

Wit ko learn kung aneck ang pumasok sa utak ko pero suddenly, I felt like going to BED this Saturday.

So ... open ng fezbuk at may-I-hunting kay Claude:

Bernz: psssst

Claude: ano na? injanera!

Bernz: nisaan ka? sinung injan?

Claude: sa laguna .... "See you on the 19" ... pwe ... jijiera!

Bernz: aaahh ... i apologize ... di na talaga ako nakabalek ...bizi talaga e

Claude: simpleng text dba, ala ... pero carry on

Bernz: bawi na lang ako ....

Claude: yeah, whatever

Bernz: wala ka bang balak .... any time next week?

Claude: ano reli? il be in mla this saturday

Bernz: promise ... totoo na toh ... i so want to go out din eh. super stressed.
anung exena mo sa saturday?

Claude: me and jowa will be meeting his friends in the day.
he gave me a go signal to go out after

Bernz: so .. "after" is from what time until what time?

Claude: hmm ... i think mey movie and dinner na magaganap tapos after nun pede na

Bernz: so what time nga itu?

Claude: bakit? pede ka sa sabado?

Bernz: 10? ... 11? .... 12?

Claude: baka ganyan .... lets say, pang bar.
sabi nya i can go anytime. hanggang 1 or 2 cya sa mla.
kung magkalakad ako, baka i commute na lang pauwi
uy, kakabasa ko lang ng text mo, hahaha

Bernz: naku

Claude: dami kong sinabi, naku lang reply mo, kaloka

Bernz: teka ... hahaha ... nanunuod kasi ako nang news .. saka naghugas ako nang fekfek. eyniways .. sige go ... pwede ako sa sat ... para sa isang wholesome night out

Claude: wholesome night out ... kakaloka

Bernz: baket naman?

Claude: at anong meron sa isang wholesome night out?

Bernz: booze free --- heterosexual venue ...hahahhaa .... choz ... why ..? wanna go to BED ba?

Claude: naku, minsan lang ako ulet ako makarampa, gusto ko naman mapalibutan ng mga bakla .... please .....
hahahaha

Bernz: k fine .. so anu nga? malars?
kyeri ... itext mo na si RICA!

Claude: already did, antay na lang ng reply

Bernz: excited (?) proactive ka ha. di na lang ako papasok sa sat .. yan ha

Claude: uhm .... tignan muna natin sa sabado ang kaganapan, hahahaha .... IF you show up :P:P

Bernz: aynaku ... ako na nga nag aya .... pwede bang magsama nang date?
hahahaha

Claude: go ahead ... why not .
text mo na rin si KIARA ... pero tinext ko na pareho

Bernz: kanina ko pa tinetxt si KIARA .. wa sa pagkareply.
may nakabaon siguro
hahaha

na-download mo na yung buong FAME MONSTER?

Claude: uu ... pero nde ko pa napapakinggan

Bernz: buong araw kong pinapaulet ulet .. hahahah

Claude: il have time soon enough, hahaha

Bernz: true

Claude: naloloko pa ko sa plants vs zombies

Bernz: okay fine
txt txt na lang sa sat

Claude: kere!



I don't know if this is the right decision or what ... but 'che! what the hell .. i deserve a GAY NIGHT OUT ... haven't done this for the LOOOOOOONGEST time ....

And besides ... I'll go ahead and be brave enough to ask MR. HELLO WORLD out ...

Witchelles ko learn ang mga magiging kaganapan ...

WISH ME LUCK!!!

Monday, November 23, 2009

Hello Philippines! and Mr. Hello World!

Bago ang lahat ... eh betchay ko munang pasalamatan ang all-time favorite kong blogger-extraordinaire na si Mcvie for giving me a very very warm welcome .... with his "The Comeback Queen (Amidala)" entry ...

Naloka naman akey ... at parang bet kong magcollapse nang ma-readsung ko itez ... thanks McVie!!! I owe you coffee!!!

Okay .. so moving forward:

"Inday! Bahala ka sa buhay mo! Isa lang ang masasabi ko! Mahirap na -- digital na ang karma ngayon!"

Itechlavu ang talak sa akin ng baklang Claude habang super chat kami sa fezbook. Witchelles na kami madalas nagkakasight-sight nang veklus simula nung nagdecide siyang mag-alsabalutan "for good" (raw) at lumipat sa Timog Katagalugan para magsettle with Prince almost two years ago.

Siguro eh plentibelles na ren naman ang nag-evolve sa 'ming magfe-friendiva.

Si Claude na dating "one of the greatest sluts" there is eh nanalig sa salitang "pag-ibig" at nahugasan ang lahat nang kaasiman sa katawan at nagdecide na magpakapasweet na dadaigin pa ang panutsang ibinabad sa kumukulong arnibal.

Si Kiara naman eh nakapag-open na nang sariling boutique at gownshop sa may taft.

Akez ... ang dakilang badinggerzie eh nagpapakaalipin sa outsourcing industry ...

At si Rica .... eh ganun pa ren ...

Eyniwayz ... yung gabing yon eh naichika ko kay Claude ang eksena kez sa isang bagong saltang menchus sa office.

Unang beses ko siyang na-sight eh nung nakipagsiksikan akez sa elevator dahil late na akembang sa isang meeting. Pinagkasya ko talaga ang balingkinitan kong shortawan sa mga utawsingbelles sa loob mireseng maipit na akez nang elevator doors. Stomach in ang drama.

But wait ... eynimomentz eh may nafelt akez na kakaibang sensasyon sa bandang likuran. Derm! Siguro cellphone lang. Pero kakaiba siya eh ... kumikibot-kibot ... tumitibok-tibok .... Derm another! Siguro cellphone na nagva-vibrate.

Hanggang sa bumukas ang elevator.

"Excuse me! Excuse me!" Talak ng mga utawsingbelles sa likod na akala mo eh wala nang bukas. So step out ako to give way maski witchelles pa yon ang floor ko. Mega step out din yung menchus sa likod ko. Nagkasight kami while giving way to the others.

Ngumiti siya sabay nod.

Deadma naman akez. Di ko siya learn.

So shosok another. Slight nalurkey naman akembang dahil may limang utawchinabelles ang nag-exit sa elevatrix pero pag enter kez eh sinisiksik pa ren akembang nung menchus. Derm!

Siguro umiiral na naman ang pagiging damaera kez. Nasanay na akembang sa damaera feeling kez. Itecklavu ang effect ng dry season for the longest time ... feeling mo eh lahat ng menchus na makadaupang-palad mo eh bet nang kachervahan right there and then!

After one floor ... "Excuse me! Excuse me!" Talak na naman nang mga utawsingbelles sa likod. So exit na naman akembang na parang crew ng Jollibee at kulang na lang eh chumika akong "Thank you for coming! Come again!". Exit din naman ang menchus. Again ... ikmyle-ikmyle .. this time .. nag-ikmyle na akembang out of politeness. Pero isang weird and creepy smile na parang eynimomentz eh feeling mo eh titigbakin ka nang utaw na iniis-smylan mo.

Enter the dragon again.

Until finally nakarating na ako sa floor ko. After all the starts and stops ... mas mabilis pa yatang nakarating ang LRT sa baclaran station noh.

So exit na akembang dire-direcho sa conference room. Witchelles ko na nasight ang menchus.

Pag-enter kez sa conference room eh nagpalakpakan ang lahat nang utaw na parang mga audience sa wowowee ... feeling ko eh umenter akembang bilang isang candidate ng Miss Earth ready for the swim suit competition hanggang sa narealize kong witchelles pala akembang ang pinapalakpakan.

Plenty ang utaw .. siguro mga around 30-40 in a conference room that could only sit 20 people.

Na-remember kong ang eksena pala eh isang welcoming/orientation session for the onboarding new supervisors that were externally hired dahil sa mega over harsh na pagramp for the fourth quarter peak season.

"Anung eksena," bulong ko kay Anna, isang tenured supervisor-slash-rampadora na kakabugin pa ang mga pole dancers sa suot na knee-high boots, fishnet stockings at super pukiy skirt.

"They are introducing themselves ..." chika ni Anna.

"Gaga! Anung eksena nang suot mo? May production number ka ba?", chika kez dahil naloka naman talaga ako sa outfit ng ate ko na parang eynimomentz nga eh magsu-super jump sa conference table at bigla na lang mag-split!

"Hindi ka na nasanay dyan," sagot ni Juan, isa ding tenured supervisor na parang kababata ni Bob Marley with all that dreadlocks and avaratheng.

Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang namesung ko from OD (Ops Director pero pede ding Over Dosed ... hahahaha), "And please meet Bernard, one of the most awesome managers in our campaign ..."

Awesome daw ..... sabeeeeeeeeeeeeeeeee ba naman! Sige nga spell "awesome" ... echos!

Then ... lahat ng utawsingbelles ... old and new fezlacks .... eh biglang na lang super-sight sa 'ken. Para naman akong bawang na biglang namula habang ginigisa kasama ng mga sibuyas. Teka! Witchelles naman akez mestiza ... so nag-golden brown ... keri na yon.

"Hi!!!!!!!"

At yun lang ang nasabe ko with matching Miss Universe wave.

Witchelles naman akembang prepared.

"Carry on ..." chika ko na lang kay OD.

"May boylet ba?" chika ko another kay Anna.

"Naku! Asa ka pa! None so far!", talak ni Anna. Parehas kami ni Anna, we belong to the "Oh My Single Ladies" Club na kinabibilangan ng mga utawsingbelles na hayuk sa laman!

So kada may bagong salta, the ultimate question is .... "May boylet ba?"

And then, bumukas ang pinto ng conference room at may nagchikang "Sorry, I'm late ..." with a very deep and modulated voice na parang si Ray Langit lang.

"ohhhhh! Hello there!", bulong ni Anna sa 'ken referring to the guy who just stepped in. "Oh! Bernz! Just in time for your question."

Super sight naman ako kay kuya. Shet! Siya yung menchus sa elevatrix.

"Hello Philippines and Hello WORLD!", bulong ulet ni Anna, habang super focused ang sightness sa pantalon ni Kuya na para nga namang may ibinaong kuting.

That time lang nabuo ang image niya sa ken. He has this "emo" hair going on ... na neat pa ren namang tingnan, with all the bangs and with all the waves. White long sleeved polo na naka-tuck-in sa jeans. Broad shoulders, nice chest ... walang beer belly .... construction worker itu ... echos ... mukha lang talaga siyang fit. And yes .... the "Hello Philippines and Hello WORLD" na eksena sa pants niya na pinagkamalan kong nagva-vibrate na cellphone sa elevator habang sumusundot-sundot sa likuran kong parang pati pagkatao ko na yata ay nasundut-sundot!

Bigla ko na lang nalunok ang laway na naipon sa ngangaboo ko.

He was asked to introduce himself ... in furness ... plakado ang ingles ni kuya! Nalearnchie namin na galing siya sa isang benggang-benggang call center sa Makati. Hanggang sa nagpa-pirate siya. Almost five years na siya sa industry.

Hanggang sa nagtanong si Kristina, isa ding miyembro nang "Oh My Single Ladies" club. "Are you single?"

Shet! Para naman akong nalagutan nang hininga sa tanong na yon ... but of course ... I managed to stay alive for the answer .... and the answer was ...

"Nope ....", with all that smile and that one dimple sa kaliwang cheek.

At shet! Pwede naman na akong malagutan nang hininga at that mowmentzzzz.

"Damn!" chika ni Anna sa 'ken.

Later that day habang mukhang super bisi-bisihan sa mga reports ara per super fezbuk lang naman akez office ko eh kumatok si ETCH.

"Anu na bakla!", parang yun yung gusto kong bungad sa kanya. Pero derm, I still remained professional. It has been a week after that CR incident with ETCH, parang wala lang nangyare. I decided to keep it to myself ... pero siya naman eh parang naging extremely friendly sa 'ken.

Super enter siya sa office ko bearing gifts ... wahahaha ... He bought me coffee raw ... Nilagay lang niya sa desk ko habang supertutok pa ren akez sa farmville.

"By the way," chika ni ETCH. "For the new sups, you will be handling three of them ... si Carl, si Divine at si ... Mr. Hello World!"

Biglang napatigil ang pag-aararo ko sa aking plantasyon ng saging sa farmville.

"Wait! They will be under me?", tanung ko kay ETCH.

"yeah .. but that's .... just the three of them .... "

Blangkong fezlack ang response kez. Learn niyang may violent reaction akez sa tuwing witchelles akembang tumatalak at dahil na ren sa fact na super plenty ang ginagawa ko and I can't manage to take on new tasks ... panu na lang ang farmville ko!!!!

"...for the mean time ....." yun lan ang natalak niya sabay isquierda.

May magagawa pa ba akembang! And besides, chika ko na lang sa sarili kez ... look at the brighter side ... Mr. Hello World ... will be under me .... pede bang ... I'll go under him na lang ... I prefer to be the "bottom" eh .. wahahahaha ..... echoz!

Pero ... witchelles naman daw siya single ... wrong-kangkong!

So chika ko kay Claude sa fezbook: "Derm! Anu kayang feeling nang maging kabet?!"

Siguro mali ang pinagtanungan kez, shempre the inevitable answer from a person who has been in a long term relationship for almost three years eh violent:

"Inday! Bahala ka sa buhay mo! Isa lang ang masasabi ko! Mahirap na -- digital na ang karma ngayon!"

Saturday, November 14, 2009

SI ETCH ....

Witchelles ko talaga learn kung lulurki ba o badet itong si ETCH. Parang sa tinagal-tagal na panahong nagpakabuhay sirena aketch eh witchelles pumalya ang gaydar kembang. Sa sobrang strong ng gaydar kez eh 48 kilometers palang ang isang badez eh nai-ikmelanie marquez ko na ang kalansahan nang hasang nitu. Pero si ETCH …. Isa siyang malaking tandang pananong para sa akin.

Nnung pagjosok kez sa call center ara, 3 years ago, bilang isang dakilang agent eh isang level 1 munejer na tong si ETCH.

Noon pa lang eh slight kras ko na siya. Slight lang at witchelles naman yung mega over kras na kras. Yung mga tipong pag nasightsiva mo siya eh mapapatili ka na lang ng eee …. At witchelles eeeeeeeeeeeee. At munejer siya noon at akembang eh isang dakilang ahente lang so witchelles kez naman bet magpakaambisyosa non dahil sa bagong salta lang akembang.

Pero sa present tense eh parehas naman na kaming level 3 munejer so patas na lang labanan. Pero witchelles talaga sumagi sa kukote kong karirin siya kasi nga parang may wrong talaga sa kanya.

Anyway, kagabu eh super suberamba akembang sa 711 sa ground floor. Although madaling araw na eh parang palengkeng may midnight sale dahil sa plentibums ang mga callcenter utawtsinabelles na ang tanging kaligayahan ay ang mabilis na paghithit ng suberamba sa loob nang kanilang labinlimang minutong breaks.

Pag pinagmasdan mo ang paligid eh samu’t saring mga utawsingbelles ang masa-sight mey. May mga thundercats na parang napaglipasan na nang panahon but still courageous enough na jumosok sa isang industriyang pag-jugets.

Meron ding mga lulurking konyi-konyito ang drama na parang witchelles nakokyorkod sa pag bobongglis na hanggang sa mga break time eh bongglisan pa ren nang bongglisan.

Haves naman ng mga lulurking parang witchelles nalelegis at parang maaasim ang mga singit, yung mga tipong masa-sightsiva mo sa inuman sa kanto-kantong lawlaw ang salawal, may mga over biggie tattoo all over, at sabog-sabog na hairdums na parang susukuan nang Pantene PRO V.

At of course intercourse golfcourse eh witchelles mawawagtus ang presence ng mga badinggerzie.

Shempre anjan ang mga pasoshal na badette na parating may hawak na cup ng starbucks kahit na refill na lang galeng sa nescafe vendo ang laman.

Anjan din ang mga pagirlitas patatas na parang wala nang bukas para mkapagmujer with their plunging neckline, killer stilletos and avratheng.

At ang mga paminta . . . . . BAW!

No doubt namang uber daks ang populasyon ng mga Vecky Belo sa call center. Iba’t ibang uri ng mga VECKY – lantad, di-lantad, closeta, confused, trying hard, babaeng bakla, etc. etc. na parang wala din talagang nagbago sa mundo kez. Napapaligiran pa ren akembang nang sangkatutak na veklores all over.

Anyway, habang bising-bisi akembang sa pagbibilang ng mga vecky eh bigla kong nahearsung ang sikmura kez …

GROOOOOOWL …. Sabe ba naman! Witchelles itey dahil sa may nasight akembang na nakakasulasok na bagay but because of the pesto na nilafang kez na sa sobrang ka-patay-gutum kez eh lumafyus nang lumafyus kahit na feeling kez eh shunis na itembang.

GROOOOOOOOOOOOWL … sabe ulet ng sikmura kez at this time eh much longer na parang may recital na nagaganap.

So, iskrang akembang papasok nang buildingbums.

Ang nakakalokang factor eh kelangan ko pang jumokyat nang escalator paatak nang second floor to get to the elevators na forty eight years in the travelling portion.

Parang witchelles keri!!! Witchelles!!!! Witchelles dahil eynimomentz eh babagsak na ang bomba sa hiroshima!

At witchelles ko naman betchay na mayurakan ang pagkatao kez kung maabutan akembang ng Ernie Baron habang super rendezvous.

Buti na lang eh naalala kembang na may nyiarette sa ground floor na witchelles masyadong nagagamit. So, mega atak akembang with fast-paced baby steps na parang may malaking patola s apagitan ng mga binte kez.

So go-go-go sago ang labanan. Pagjosok kez, as expected, walang utaw so direcho akez sa isang cubicle. Hubad nang shontolon, hubad nang briefany, upo at …..

Imaginin nyo na lang ang sound …..

Parang nakita ko ang imahen nang birheng maria nang makaraos ako at naparecite ako nang tatlong Hail Mary sa pasasalamat!

But then wrong kangkong kingkong! Waing toilet paper!

Puking-inang-pansit-eating-muder-paker-shet! Parang betchay ko nalang i-flush ang sarili ko sa inidoro.

Shumoyo akez nang nakababa ang shontolon at briefany. Dahan-dahan kong jinuksan ang shintuan nang cubicle at super silip sa labas … to the right …. To the left …. To the up …. To the down …

So … lumabas akembang ng cubicle.

Pano ko huhugasan ang kipay ko da ‘vah?

Taboo? Ang out of this world ng ideya na may tabo don …

Shet!!

But then no, may na-sight akong bote ng mineral water sa lababo.

Keri na yun!

Nilagyan kez ng borbeg ang botelya, balik nang cubicle – ang kyoho – wash.

Shuyo … getching ng borbeg another … balik sa cubicle …. Wash.

Hanggang sa nasatisfy na kong back to freshness ang kipay ko at all along shempre eh super jingle bells lang si junjun.

So keri na …

Lumabas na akembang ng nyiarette but then paglabas na paglabas ko pa lang ng shintuan aver eh bigla na namang nagmarakulyo ang sikmura kez. So join akez another inside na nyiarette.

Pero before pa akembang makaatak sa cubicle eh nag-open-sesame ang pintuan ng isang cubicle.

Bigla akong namutla na parang kinilaw sa suka.

Yung fact na may utaw sa nyiarette eh ikinatumbling, ikinacartwheel at ikinasigaw ko nang “CONGGGGGGGGGGGRATULATIONS!!! PALAKPAKAN!!!”

May lumabas na menthol na nag-aayos pa ng zipper at butenes nang shuntolon. Witchelles pa niya akembang napansin dahil stop-dance nga ang drama ko.

And then … halos mahulog ang bahay bata kez nang may lumabas na another menthol sa cubicle.

Napasight sa aken si menthol number 2 at parang nasight niya ang multo ni Tiya Dely.

Ang isang malaking tandang pananong ay biglang naging isang malaking exclamation point! Two exclamation points to be exact with matching special characters shift+123456789.

Si ETCH …… isa palang malaking ETCHOSERANG FROG!

Tuesday, November 10, 2009

BADINGGERZIE RETURNS!!!!

Define 48 years? Yes ... it has been so long since the last time nang chumika ako ditey sa blogsiva na itey. Sobrang plentibelles arabelles din ang mga naganap sa life ever kez. Maraming kiyemeng everloo ang nagbago ever. Betchay ko mang ichika ang everything eh parang aabutin yata nang siyam-siyam ang talakan portion kung magka ganon.

In fairness naman sa everybody eh siguro mas kyeri na givesungan ko lang kayez nang konting catch-up from my last entry.

Pero bago ang lahat eh betchay ko munang mag-ask ever nang forgiveness dahil medyo may giraffe factor akembang sa pagspluk ngayon in the "badinggerzie" way with all that 48 years without being badinggerzie and all pero I will try my best para naman witchelles kayez malukresya kasilag ever.

It has been almost 3 years, nagsarado ever ang pinagwoworkikayan kong events/ad agency. Ang boss kong dakilang pugita nang ilog Pasig na si Ursula eh kelangang magflyuk sa estates due to some important kachervahan.

At that point eh waibelles akeng ibang choice ever kundi ang mag searchaloo nang ibang workikay or else eh baka kung saanchienabelles na lang kami julutin ara nang shufatembang kez.

Hanggang sa naicipan kong jumosok ara sa isang call center sa Libis bilang isang dakilang call center agent.

YES! Siguro nga totoo ang chikang "in times of desperate needs .. we need to do desperate measures" -- as in super wai akez na mashosukang permanenteng workikay before that. More on raket here .. raket there .. raket everywhere na lang but then .... may mga moments na waing raket ... at kung waing raket eh for sure ... what follows eh waing andabelles ... waing andabelles means purita gonzales ... at kasunod nang pagiging purita gonzales eh iskwuala lumpur ang labanan. Di ko naman keri yun noh.

Sa simula eh jinisip ko lang na transition job ang pagiging call center agent -- di naman masama ang paysung kaya kering-keri lang at parang usung-uso siya, witchelles ko naman yatang bet mapawala sa uso da vars? Pasok na pasok ang kembarutay nang balingkinitan kong katawan -- good thing at wala pang one year ... eh na promote na ang beauty kez ... (dinaan lang sa pagiging balingkitan) at dahil jan! nag-arrive sa aken ang thought na kering-keri ko na itong karirin .... as in long time karir! Anufangabur ... so kinarir ko na talaga.

Ngayon lang jumosok sa kukote kong buhayin ulit si badinggerzie. Well, right now, I took may long vacation for the first time after two years, so umuwe muna akez sa mudarala kez sa province aver. Isang gabi, habang naghahalungkat ever akez nang mga oldies na gamit eh nasigtsiva ko ang isang printed manuscript nang "THIRD SEX IN THE CITY", sa sobrang wala kong magawa eh super readaloo lang akey hey hey.

I realized ... magaling pala akong magsulat! ECHOZ!

Witchelles lang yon but then, naalala ko ang mga readers na sangkabaklaan, ang mga veklores na nakakarelate sa mga kagagahan ko sa buhay at naalala ko rin ang masalimuot at mala-soap opera kong buhay.

Then I decided ... why not write as BADINGGERZIE again?

I guess it's about time para chumerva ulet ... marami pa reng mga kaganapan ang dapat na i-share at kelangang IPAGPATULOY ang laban para sa KABAKLAAN.

So ... anu sa palagay nyo????

(now, if you're new to the site ... ang pinakabonggang-bonggang gawin eh read through the past journals .. enjoi!!!)