"Anyway, pagdating kay Varsity Captain eh ibang usapan na 'yon. Katulad nga
nang nasabe ko before: malay ko, malay mo, malay nating lahat . . . . na this is
it . . . .this is really really it! It seems like I've been waiting for "tunay
na pag-ibig" all my life. At feeling ko eh si Varsity Captain na nga ang tunay
na pag-ibig na hinahanap-hanap ko. Well, well, well. Oo nga naman. Pwede 'nyo
ring ichika na nagpapaka-ilusyonada lang ako dahil iilang araw pa lang kaming
magkakilala ni Varsity Captain but the thing is . . . I'm feeling this tingly
feeling . . . these butterflies in my stomach . . . the spark in my eyes . . . .
the feeling of flying on the wings of love ala ate Reg . . . tuwing kasama ko
siya . . . kausap ko siya . . . ka-text ko siya . . . .iba talaga . . . as in .
. . ibang-iba. Parang everyday is a sunny Sunday morning."
ISA ITONG MALAKING CLICHE!
Tingnan nyo nga naman kung gaano akez kagaga! Yang mga katagang yan ang mga naisulat key mga isang taon na ren ang nakakalipas . . . . mga kagagahan sa paghahanap ng "tunay na pag-ibig". Nyeta! I don't believe in love anymore . . . . pero geto . . . same exact words ang namumutawi sa bibig ko . . . ngayong nakilala ko si Charles! Pero . . . . pero . . . . pero . . . invulnerable na akez ngayon. Alam ko for a fact na pwedeng Sweet November lang ang drama namin . . . . pang-thirty days. I like the bagets, I can't help it! Pero I vowed na I wouldn't invest so much when it come to emotions. Bwahahahahaha! The crying days were over. Enjoy lang 'til it last!
Okay! Fast-forwarding na sa birthday ni Rica . . . .
That Saturday eh nagkita muna kami ni Charles sa Glorietta. Konting walk, super jisip kung anetch ang gift na kering i-givesung kay Rica. Then, dinner sa Cafe Bola, which I might say . . . is a must-to-eat place. Mukha lang siyang maharlika, pero naman, Margarita Fores will never fail you . . . yum yum. At morayta lang siya ha sa totoong buhay!
Napiga na halos ang mga utak namin ni Charles sa kajijisip kung anetchiwang gist ang proper kay Rica hanggang sa nainis na lang ako at nagdecide na bumili na lang wine sa Marks&Spencers . . . . murayta yung wine pero sosyal ang packaging! Haha!
Dapat sa BlueWave ang celebration, in time for the final day of the World Pyrolympics ecklavu . . . . but since lahat ng taxi na pumara sa amen eh chinichikang di na raw kami makakaalis ng buhay sa area na yon dahil sa sobrang plentibelles ng utash na parang trip to Mecca na ang labanan eh binorwagan ko na si Rica at chinika ang status ng shropikey hey hey hey! So . . . atak na lang sa second choice, which is Tiananmen.
Nauna na kami ni Charles. Medyo forty-eight years in the preparation kasi ang lola Rica ko na kasalukuyan pa yatang nagpapabotox nung mga oras na 'yon. So mingmingan lang kami ni Charles. Sa truthfulness lang eh pagmagkajoint kami eh I don't feel anything special. Witchelles ko learn kung dahil I'm in a defensive mode o dahil bland lang talaga ang combination namen. Not that sa witchelles kami nag-uusap or super boring ng momentzzzz namin together, in fact, super holding hands pa nga kami . . . pero ganun lang.. May kilig factor to the very very very very very slight level pero hindi umaabot sa tumbling and cartwheel level.
Mga 12 na nung dumating si Rica together with isang batallion niyang friends from the other side of his world. Dinedma ni Claudine ang event dahil witchelles daw niyang bet makipagnyostikan sa ibang friends ni Rica.
Nagsimula na ang celebration at piging kung piging ang labanan. Yung mga tipong lafangan marathon na parang bibitayin ka na sa susunod na araw. Tumagal-tagal pa ang lafangan at nomuhan session. May nafi-felt akong kakaiba kay Charles. Witchelles ko kearn kung naa-out-of-place siya o nabo-boredom siya o ano. Witchelles pa siya nagnonomo. Super try naman akong iaccommodate siya to get into the prgram pero parang witchelles nagwo-work. Bet niya eh kaming dalawa lang ang nag-uusap. Sa tuwing umiisquierda akey para jumipat ng pwesto or chumika sa ibang veklores eh may-I-sight siya sa akin ng masama.
Hmmmmmmmmmmm . . . . . . .
"Dito ka lang sa tabi ko," chika na naman niya sa akin.
Okay fine!
Hanggang sa witchelles na talaga ako umalis sa tabi niya.
"Gusto kong magdance . . . . " chika niya.
Chika ko naman na magdance siya okay lang naman na magdance sa Tiananmen at super keri pa ang music galore. Pero witchelles daw niya bet with matching sad face.
"Okay, punta tayo ng Government," bera ko.
"Wag na lang. Sige, dito na lang tayo," chika niya na halata namang galing sa ilong.
Nagpapapilet pa eh! Felt na felt ko namang kating-kati na ang katawan niya for a dance floor. Nagdesisyon na akey na pumunta na talaga ng Government.
"Sigurado ka ba? Sige ka? Pag pumunta tayo ng Gov baka may magflirt sa kin," sabi ba naman niya.
"O eh ano ngayon?! E di makipagflirt ka hanggang gusto mo. Nasa sa iyo naman yon eh."
"Sa palagay mo ba naman eh magpapaflirt ako?"
"Honestly, I don't know. Pero kung meron man, sabi ko nga, nasa sa iyo yon. Matanda ka na. Marunong ka nang tumingin ng tama o mali."
So, nagpaalam na kami sa mga veklores, susunod na lang daw sila sa Gov.
130AM na yon nang maka-arrive kami sa Government na more na ang utash. I got my drinks, ayaw pa reng nomomu ni Charles.
Nasightsiwara ko pa si McVie don at more on chikahan lang kami. Pinakilala ko ren sa kanya si Charles na ikinatumbling naman ng lola ko.
Hanggang sa hinayaan ko na lang si Charles at naupo na lang ako sa couch sa first floor. Di ko namalayan eh nakaborlog na pala ako at ginising na lang akey ni Rica with the other badinggerzies.
Umakyat kami sa second floor and more party galore na naman. Sa second floor eh nasight ko si Charles na may kachikahang payatollah-kumeyni na veklore na mukang social-climber dahihl super effort sa pag-iinglet. Pero deadma lang ang beauty ko. I don't feel threatened. Next level na ren ang ninonomu ko . . . super absolut kylie na ang labanan. Super chikahan at super dance lang kami sa second floor, sa may bar. Hanggang sa may lumapit sa akin at nakipagdance. Hinawakan niya ang isang balikat kez at nagpakilala . . . . Cedrik daw ang namesung niya. In fairness eh pamilyar ang mukha niya. Forty-eight years ko na siguro siyang nakikita sa Government.
"I finally caught you off-guarded," saaaaaaaaaaaaaaaabe ba naman niya.
Smile lang ako.
Even though na hunkylicious siya . . . . sa truelili lang eh, di ko siya betchay.
Dance lang ako with him, pero yung mga tipong tinatamad na dance, for the sake of being polite. Hanggang sa may bumundol na lang sa akin at pag-sight ko eh si Charles, karay-karay yung social climber na payatollah-kumeyni na badette, pababa sa first floor.
Derm!
Dinispatcha ko na ren yung hunkylicious na Cedrik at proceed to the bar for more chikahan with the veklores.
After three more absolut kylies eh nasight kong nasa second floor na naman sila Charles.
Nagdecide akong lapitan ko na siya. Niyakap ko siya sabay kiss sa lips . . . para lang masight nung isang badette na nateritoryohan ko na siya. Hinalikan din naman niya ako.
Tapos eh hinayaan ko na naman siya. Mejo enggaloids na ren naman ako non. Super lean lang ako sa railings overlooking the dance floor sa baba.
"Baka mahulog ka . . . " may chumika sa 'kin.
"Imposible namang mangyari yon," sagot ko withtout looking at the personl.
Witchelles ko nang bet makipagkariran portion dahil uber enggaloids na akey hey hey hey hey na maski si Dennis Trillo pa ang humaltak sa akin at julikan akey hanggang sumirek ang araw eh dedeadmahin ko pa rin. And besides, I was there with Charles.
"Are you okay?"
"I'm more than okay. Thank you for asking."
"Lover mo yung kausap 'nung friend ko di ba?"
Aaaahh okay . . . . so friend pala siya ni payatollah-kumeyni. Pero mas magaling siyang mag-inglet ha.
Tumango lang ako.
"Care for a cigarette?"
"okay."
Sa smoking lounge lang sana kami pero narealize niyang wala pala siyang yosi. Lakas ng loob mag-aya noh? Inaya niya ako sa baba, para magbuysung ng yosi. Najiwan lang si Charles at yung payatollah-kumeyni na social climber sa shu-as.
So . . . . baba kami and buysung ng yosi sa labas.
Dun na ren kami nagsubey hey hey hey.
I didn't catch his name. Pero I learned na currently eh he's studying sa UP. So, we got into a conversation dahil sinabi kong grad ako ng UP. We had a nice talk sa labas. Pero hinestly eh walang halong libog yon. Di ko siya bet. More chikahan galore lang at ineeffort ko na ngang patiningin ang boses ko at papilantikin ang mga daliri ko noh para lang di siya magkainteres further.
Nakadalawang stick kami ng subaroo hanggang sa na-sightsiva ko na ang ibang veklores na friendiva ni Rica sa labas at paisquierda na raw sila. Nagpaalam na akey sa kachikahan ko at jumosok na sa Government.
Pagjosok ko eh sinalubong akey ni Rica, sabay chikang, "Bakla! Hinahanap ka ng asawa mo! Galit na galit. Nakipagsex ka raw?"
Ha?
Lumingon-lingon akey at napansin kong palabas ng byiarette si Charles. Pinuntahan ko siya agad para salubungin but then jumosok uli siya sa nyiarette . . . so josok din akey. Kinorner ko siya sa isang sulok at mega-ask kung anechiwa ang problema niya. Derm lang siya with matching titig na masama. Tinulak niya akey ng slight at umisquierda pa-exit ng nyiarette. May-I-follow na naman akey hanggang sa second floor. Umupo siya sa isang couch. Lumuhod naman akey sa harapan niya para kausapin ng masinsinan.
"What's up with you?"
"Nakipagsex ka no?" tanong niya with all the conviction ever!
Tumbling naman akey.
"Ha? Kanino naman?"
"Dun sa guy na kasama mo kanina . . . . "
"Ha? At paano naman? At saan naman kami nagsex? I was out for fifteen minutes . . . how far could we go?"
"I don't believe you."
Sabay walk-out.
Sinundan ko pa ren siya. Hanggang palabas ng Government.
Nakasalubong namin si UPboy . . . hinila ko siya. Witchelles ko learn kung baket . . . pero hinila ko siya . . .
Tinanong niya anetch ang problema.
Chinika ko na chinika ni Charles na nagdookit daw kami.
"I'll talk to him," chika niya.
Hanggang sa nagkaroon na ng habulan portion sa Makati Ave.
-2 be continued-
No comments:
Post a Comment