Wednesday, March 22, 2006

THE UNWANTED (?) GIFT

It was supposed to be an ordinary day. Pagkagising kez eh wai na si Kiara, talak ni Nick, maaga pa lang daw eh umisquierda na dahil meron nga daw siyang pi-pick-up-in. Ah okay. So, hayun. Umisquierda na ren ako. Umatend ng presentation sa isang kliyente, nagmaganda, nagmaasim hanggang na-approve ang budget for an event sa Philippine Stock Exchange concerning the Lopez Group.

In the middle of the day eh nagtext ang baklang Kiara, chika niya, 'wag na raw akez lumandi at dumirecho na akez sa balaysung dahil nga sa gift niya.

So, ako naman excited. Di ko na tinatapos ang dinner ko with some models at nag-fly na ren pajuwelya.

Nadatnan ko si Kiara na super feel at home sa zebra-printed kong sofa at super deadma sa aken at watch lang ng tivang.

Akez naman eh super pigil sa aking super excited na feeling dahil nga may gift sa 'ken ang bakla. Deadma lang din ako kunwari pero nafi-felt kong nagtu-twitch ang mga lips ko dahil sa pigil na ngiti.

Pag-sight sa ken ni Kiara eh parang wala lang.

Super smile naman akez na parang batang nag-aabang ng surprise sa kanyang 10th birthday party. Or rather, parang isang baklitang, nag-aabang ng hubad na menchus na lalabas sa isang life-size cake.

Titig lang sa 'ken si Kiara, nahihiwagaan sa facial expression ko.

Tado to ha! Parang bet ko namang dagukan si Kiara, nagmamadali pa naman akong jumuwelya para sa gift niya tapos dedeadmahin niya akez ng ganitezt.

Hanggang, "Ahhhhhhhhh!" bumalik din sa sariling katinuan si Kiara.

"Nasan na?" di na na napigil ang excitement kez.

"Yung gift?"

"Naman!"

"May binili lang, hintayin mo parating na yon."

Naloka naman daw ako. May binili? Sino? Parang may sariling buhay naman yung gift ko.

"Speaking . . . ." talak ni Kiara sabay tingin sa pinto sa likod ko.

Bigla naman akong tumalikod at shet! May sariling buhay nga ang gift ko at parang ang sarili ko namang buhay ay parang biglang lumipad sa kawalan.

"Anong ginagawa niya dito?" pasigaw kong shornong kay Kiara.

"You don't like my gift?"

Napatingin uli ako sa likod ko, super wish na baka namamalikmata lang ako, pero trulagen colagen sustagen!!! Trulagen colagen sustagen!!!! Siya nga.

"Gusto ka daw niyang makita, nagkataon na hindi kami nagkasabay kahapon, sumunod na lang siya."

"Hi, Bernz," bati niya sa aken na parang bata na pinapagalitan ng titseraka.

"Hi, Bunso!"

At parang nagblanko na ang utak ko pagkatapos nung eksenang yon.


*


May mga momentz sa gay na gay na life ever naten na super windangers morrisette ang drama naten and avratheng. Yung mga tipong super naba-blanko ang utak naten, and parang nalunon naten ang sarili nating dila. Parang, suddenly, eh na-mongoloid tayez at witchelles makapagconceive ng mga tamang salitang sasabihin at ni hindi man lang tayez makapaghold ng sensible na thought for more than 10 seconds.

Naranasan ko na yon minsan, isang night out sa Malate, tapos na-short akez ng cash ever. So, kinailangan kez na mag-withdraw or else wai akez andalucia na pang-pagas sa mga ninomo at , nilafunggas key hey hey hey. Mega-attak ang bakla sa pinakmalapit na ATM, which is yung malapit na mismo sa TAFT.

So, parang si Little red Riding Hood, with matching kendeng-kendeng pa eh super attaksiva ako sa ATM. Super-withdraw at paglabas ko sa booth eh super windang nang may isang menchus na bigla na lang sumulpot sa kawalan na may hawak ever na something na matulis at super shutok sa leeg key hey hey. Wai na akez nagawa, nagpa-girl na lang akez at ginivesung ang anda ko sa menchus. Baka naman kasi eynimomentz, pag nagmaganda pa akez, eh magripuhan akez at umattak back na lang akez sa Bed with matching tagas sa leeg at baso-basong bloody mary ang bitbit-bitbit key hey hey hey.

Buti na lang considerate enough siya at witchelles na niya ginetching ang nyelpie kez at ang puri kez. Sayang, willing pa naman sana akez na ibigay ang puri ko sa kanya ng buong-buo. Echoz! Witchelles ko naman ginetching ang lahat ng anda kez sa ATM kaya super withdraw na lang akez another sa another ATM which is like 48 blocks away. Haggardness!!!!

Ayon eh isa sa mga pinakawindangers morrisette na eksena ng life ever key hey hey hey at wishing na witchelles ko na ulit itey mafi-felt again and again. But then, nabigo akez.

Ganon na ganon ang feeling kez ng nasightchinabelles kez si Bunso sa apartment ko.

Pagkatapos ng dinner eh tsaka lang akez bumalik sa katinuan at napatunayan kez sa sarili kez na witchelles akez nababangungot.

Nagpasama akez kay Bunso sa rooftop para gumetching ng sinampay at shempre eh para na ren makasegue at maka-usap ko siya ng masinsinan.

Sa una eh witchelles makatingin sa 'ken ng direcho si Bunso. He must've felt bad. Sorry!!! Eh ganun talaga ang reaksyon ko. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat eh yung namamlastik ng kapwa ko.

Pero confront din akez in the end. Chinika ko sa kanya na nasurprise talaga akez sa presence niya. And it doesn't necessarily mean na surprised in a "good way" dahil hindi ko talaga siya ineexpect. I felt bad din naman sa sinabi ko. Parang harsh. Hindi. Harsh talaga! Imagine, he flew all the way from Aklan, just to see me tapos ganon ang isasalubong ko sa kanya. Ang bastos ko noh? Harsh!

Sabi niya sa aken in his usual American accent na witchelles pa ren nababahiran ng puntong bisaya na matagal na daw nyang bet pumunta sa Manaylus dahil super boredom fatalle na siya sa Aklan. Gusto niyang umatak ditey dahil, number 1, gusto niya akez makita at makausap. Number 2, para na ren maghanap ng workikay dahil they are not getting any richer. Even though, nag-iinsist ang fudra niya na magboralsiva na lang muna siya since hindi din naman niya natapos ang studies niya sa Stits. Number 3, to experience life once again to the fullest, dahil nga parang nabagwisan siya nang madeport ang pamilya niya from the States. At super hirap for him to have a sudden shift of lifestyle, or rather LIFE.

Bigla naman daw ako nakonsiyensiya dahil sa sinabi niya. Parang sobrang itim naman ng buto ko at sobrang halang ng bituka ko.

Tinanong ko naman kung anung klaseng work naman ang ineexpect niyang makuha. Inexplain ko sa kanya na ang Maynila ay ibang-iba sa States na konting kembot lang eh super keri-keri nang makagetching ka ng workikay ever.

Sabi niya, okay lang daw kahit na ano, since hindi siya susustentuhan ng fuderakis niya.

Aaaaaaay! Nakakaloka. He's so young. Ni hindi pa nga siya nakakatuntong sa legal na edad e bigla na siyang nagtake-control sa buhay niya. Suddenly, I felt I'm responsible.

Sabi niya, hindi ko naman daw kailangang mag-worry. He can find his ways daw.

Sabi ko naman, hindi ko naman yata hahayaan na umisquierda na lang siya at gumala-gala sa Maynila trying to find his "ways". Manila is not a safe place.

'Wag ko daw siyang i-underestimate.

Hindi ko siya ina-underestimate. Mataas lang talaga ang kompiyansa ko sa kaguluhan ng Maynila.

So, hayun, lumabas na ren ang bagay na dapat lumabas. Sabi ko kanya, if he needs a place to stay, feel free to stay in my apartment until he can find something for his own.

Tapos super smile siya. Naglakad papalayo to have a better view of the skyline of Makati.

That night, as if the heaven is bejeweled with precious stones, stars suddenly decided to appear, is so solemn. My body is suddenly covered with warmth and intimacy. The horizon is a sight of buildings standing erect like phalluses, trying to prove they're not yet sterile, waiting patiently to make love.

(In Shorgalog: Ang gabi, na parang ang kalangitan ay binudburan ng mamahaling diyamante, ang mga bituin ay parang biglang nagsulputan, ay napakatahimik. At ang katawan ko ay biglang nabalot ng init at kalibugan. (Choz!) Ang (sheeeet di ko alam ang tagalog ng Horizon!) chenelynbhar ay isang eksena ng mga gusaling nakatayo ng direcho a parang mga tarugong nais patunayan na hindi pa sila baog, puspos na naghihintay na makipagtalik.)

Humarap uli sa 'ken si Bunso, still smiling. Ang makinang na kalawakan ay ang nagsisilbing backdrop. Biglang may pumasok na idea sa isip ko.

"Bunso, I guess I can find you a job for the mean time."

Wednesday, March 15, 2006

LET'S GET STRAIGHT TO THE POINT

After 48 years . . . . . . . . .

I hope everyone's fine, 'coz I'm fine . . . .

Greetings to everyone!!!!! Lahat kayo . . . mahal na mahal ko at salamat sa patuloy na pakikibakla sa 'ken.

To the gentleman from LA (wow, nadagdagan na naman ang mga TFC subscribers) Ernesto, thanks for droppin' by. To Eon, Ega, Alys . . . . bongga kayo!!!

At meron talagang "jessica's fan" hehehehe. Maloloka si bakla pag nalaman niya itu. Hayaan mo "jessica's fun" meron ako sumthing for you.

At for those who are curious kung sinetch-sinetch ang mga utawsingbelles sa mga fictures sa itaas eh . . . . hayan ang mga friendiva kez. (Not in particular order) Claude, Rica, Kiara, Francheska, Jessica, Bernz, Madonna. Tarush da 'vah.

O siya. Heto na!!!!

Almost a week ago eh umorwag sa 'ken si Kiara. Chika niya aatak daw siya sa Manaylus and he might stay here for a couple of days. Ask niya kung keri lang bang makituloy sa balaysung kez.

Chika ko naman keri lang.

Akala kez eh mega ataksiva si Kiara ditangchie sa Manaylus for more buysung ng tela or more sa pangingiliyente. Pero nang dumating siya sa balaysung kagabu eh daig pa niya ang itsura ni Vilma Santos pag na-luz-valdez sa Famas.

Isa na daw siyang bonafide na divorcee.

Divorcee talaga? Kakaloka ang concept, unang-una witchelles pa naman legal ang same-sex marriage ditey at pangalawa, mas lalong witchelles pa legal ang divorce. Pero isa lang ang ibig sabihin non. Nagkahiwalay na naman sila ni Gerard.

Witchelles na nagpaawat ang tukling, pagka-enter na paka-enter sa balay eh mega-talakathon portion na sa kung anung naging eksena nila ng kanyang unlawfully wedded husband.

Witchelles na raw niya kinakaya ang mga eksena ni Gerard dahil more daw ang bilatchinabelles nitey. 'Nung nasa Aklan akez, na-sightchinabelles ko naman non kung pano magbulag-bulagan ang bakla sa eksenang may bilat ang jowa niya. Pero na-realize niya na wrong-kangkong ang eksena. Nag-break sila. Pero nagkabalikan din naman sila da 'vah? Pinatunayan pa nga ni Gerard na wagas at busilak ang pag-ibig niya kay Kiara sa pamamagitan ng marriage proposal. At may kasal-kasalan ngang naganap. After non, akala naming lahat, especially Kiara, eh they will live happily ever after na.

Pero wittelles! Wittelles!

Wala pa raw one week after 'nung kasal-kasalan eh nakakahearsung na siya ng mga chismis tungkol sa jusawa niya. 'Nung una eh as usual deadma na naman ang bakla. Tapos meron nang mga physical evidence, meron nang mga credible witnesses at pati siya mismo eh nawitness niyang lumabas sa motmot si Gerard, one time na sinundan niya itu. Pero, hala sige, deadma pa ren si bakla. Jinijisip daw niya na mahal nya si Gerard at felt na felt din naman niyang mahal siya ni Gerard. PInilit niyang shonggapin yung fact na kung minsan talaga ang luluki e naghahanap ng kipay. Isang bagay na wala siya. Actually, meron din naman siyang kipay, umuutot nga lang.

Echoz!

Anyway, okay lang daw kung minsan. Pero napapadalas na itu. Nandon na yung point na nakikipagkompetensiya na siya sa oras at attention. At muntik na niyang shonggapin ang harsh na reality na ganun na talaga ang eksena nila. Wala siyang magagawa kung kipay ang hanap ng jusawa niya as long as sa kanya pa rin itu umuuwi. Harsh! Parang witchelles ko naman yata kakayanin ever ang ganong eksena!

Pero ang pinakaharsh na eksena na nakapagpa-warla kay Kiara to the over-maximum-to-death-level eh 'nung nakasight siya ng signs ng GRIPO kay Gerard. Pinilit niyang magpacheck-up silang dalawa at na-learn nila na positive! May GRIPO ngang may tagas si Gerard. Negative naman si Kiara. Hayon na. Ayon na ang point of no return at pinalayas na raw niya si Gerard.

Tapos nagdecide siyang mag-flayuk muna sa Manaylus since wala na namang tigil si Gerard sa pagpapaawa kay Kiara para balikan siya nitu.


At hayun na nga, andon na si Kiara sa zebra-covered sofa ko.

Dire-direcho ang kwento ni Kiara, parang saulado ang mga linya. Akez naman e napanganga na lang sa mga na-hearsung kez. Parang SMART! Simply Amazing!!! (Uuuuy! Sponsor! Echoz!)

"So anung plano mo?" ask ko kay Kiara habang mega-pour ng coffee sa tasa niya.

"Mag-stay muna ako dito for a couple of days. Palipas lang ng sama ng loob. Ngayon, pag-feel kong medyo okay na. Flyback na rin ako."


"Pero congratulations! You're taking it well ha. I can see no tears being shed."

"Bakla! Yun ang akala mo! Kung alam mo lang, para akong si Sisa mula Aklan hanggang dito, sa bus, sa eroplano, sa taxi, pinagtitinginan ako ng mga utaw. Dahil cry to death ako. Pasalamat ka nga nagsawa na ako sa kakangawa e."

Laftir kaming dalawa.

"Bakla ka talaga," talak ko. "Naalala mo dati, pag may problema ka, sa place ko agad ang unang atak mo, pero iba pa ang mga kinalolokahan mo non, it's either hindi mo nabooking yung bet na bet mo or hindi ka nilabasan dahil hindi magaling magperform yung kadookit mo or hindi mo mabili-bili yung bet na bet mong pantalon kasi low ang budget. Pero ngayon, marital problems na ha! My God! This is so adultish!!!!"

Dahil sa broken-hearted ang ever-dear friendiva ko member ng Fashion Designer's Association of the Philippines eh nag-treat na lang akez ng dinner sa Tianamen (plugging another! Kumikita ang mga establisyementong itu sa 'ken ha! Echoz). After a tormenting heartache, we all deserve the most luscious food and wine.

During dinner eh nag-segue si Kiara, meron daw siyang pasalubong sa 'ken, fresh from Aklan. Na-excite naman daw ako bigla. I like gifts!!! Hahahahaha. Mangga mangga hinog ka na ba? Teka, segue muna ako, speaking of gifts, thank you ule sa isang utaw na super read ng blogsiva ko sa Italy, at nag-givesung na naman siya ng sandamakmak na DVDs for Christmas. Mwah! Mahal na yata kita! Wehehehe. CHoz lang! Pero kung bet mong mahalin din ako eh why not?!?!?!

Echoz!!!

Hayun na nga, going back to Kiara's gift. Witchelles niya rin itu na-givesung sa 'ken dahil the following day pa ang dating nitey. Witchelles daw kasi niyang bet na magkeri ng things kaya pina-2GO na lang niya. Panalo naman ang bakla, akala mo naman e nanggaling sa Estados Unidos kung makapagpa-freight ng bagahe da 'vah?

Anyway, ma-giraffe talaga ang eksenang magjowa nang "straight-straightan na menchus" katulad nga ng nabanggit ko don sa isang entry about Mama Ricky.

If that is the case, are we doomed to be stuck in homosexual relationships (bakla sa bakla) together with the issues of monogamy and longevity? Or, are we doomed to stay in the shadows of our own self-respect, trying to prove our femininity in getting involved with straight guys?

Does love really exist? Because if it does, then I can assume that it knows no sexual preference. In the case of Kiara, there's love, there's passion from both parties, I can personally attest to that, but the problem is, there is no vagina. If love exists, should Gerard embrace the fact that the person that he is loving is a man and not a woman? (I guess, he is in a deep shit of identity crisis) Or on the other hand, if love exists, should it be Kiara who is to embrace the fact that his lover wants some things that he doesn't have, and he should live by it?

Does love really exist? Or are we just clinging in an age-old mythology, which is aimed for self-destruction?

Wag kayong magtataka kung ang negative ko this day. You can't blame me, I'm single! May bittreness talaga? Hahahha. Echoz.

Anyway, siguro love exists, and it knows no sexual preference, so, baket witchelles na lang tayez maghanap ng bilatchiwariwariwaps na iibigin naten at iibigin tayez?

Echoz!

To be continued