Thursday, December 08, 2005

WHO'S THE SUPAHSTAR????

Almost three days na akey hey hey hey na waing borlog. Super-rush for the MTV SUPAHSTAR event.

The day of the event, morning pa lang eh ginulantang na akez ng sangkatutak na shorwag from my co-workers, including Ursula. By 10 am raw eh kelangan na naming umatak sa location ng event, Embajada. Sa loob-loob ko eh hanu naman ang eeksanahan ko sa Embajada ng ganong kaaga da 'vah, kung witchelles ba naman luka-luka itung mga itu? Parang bet kong italak sa kanila na . . . . . Haller . . . tao din naman ako . . . may puso at kaluluwa . . . . napapagod din!!!!

Hanu naman ang gagawin ko 'don? Ako ang mag-iingress at magmamartilyo, samantalang call na 'yon ng logistics da 'vah?

But then, kelangan eh, akez ang production manager . . . . so armado lang akez ng isang triple grande latte at isang uber-daks na shaidaloo to cover ang witchelles na matawaran kong eyebags na pati ang sangkatutak na concealer eh hindi umepek.

Pag-attack kez 'don eh direcho muna akey hey hey sa opis ng MTV, since magshopetbalay lang naman sila ng Embassy . . . . . pero ang MTV people eh wa pang appearance galore.

Attak na ng Embassy, where may mga ingress at set-up nang nagaganap, with all those topless at pawis-pawis na guys na parang mako-kyosim na ang mga singer. Ang eksena lang naman eh, stage at rampa.

Keri na nila yon.

Super-inspect lang akez sa controversial na VIP room ng Embajada, which is gagawing DRESSING ROOM ng mga model-contestants unyabelles.

Keri.

Inaya kez ang isa naming production staff na shumorkas at nang makapag-breakfast naman. Ang nakakaloka lang sa area na yon ng FORT eh puro GOURMET restaurants ang nasa-sight ko. Shuntangenang yan!

But then, buti na lang at naka-sight kami ng GONUTS sa isang sulok ng area na yon. Affordable.

After lafuk eh back to VIP room ng Embajada. Super higaers sa sofa sa dilemma na part.

BORLOG.

Itu ang isang major talent na kelangang ma-learn ng isang utaw na super-workikay sa mga production galore. Ang makering makaborlog, anywhere, and to take advantage of every opportunity.

May isang oras din akez nakaborlog. Ms. Talent da 'vah? Kering-keri na yon. Pagkagising ko eh magla-lunch time na.

So, kelangan namang shorwagan ang in-charge sa food-flow at ipamadali na ang mga McDonald's or Jollibbee na ipapalafus sa mga menchus.

At after almost five more hours, eh nashorpors din ang pukpukan, pinturahan portion, pakuan portion, martilyuhan portion and avratheng. Na-kumpleto din ang set, lights and sound system.

That time eh nagdadatingan na ren ang ibang part ng production team. At take note ha, lahat sila eh FRESH.

So, run through lang ng script, tapos super-block ang mga contestant models, then kelangan ko nang i-waitsiva ang mga hosts ng show, si KC Montero and si Cindy Curletto.

Pero bago ang lahat eh kelangan ko munang sumegway aver. Witchelles naman yatang kering ngaraggedy anne ang beauty kez sa isang SUPAHSTAR event.

Buti na lang eh dun lang din sa The Fort nakatira si Rica, segway na naman akez na parang multo na kelangan hindi ma-felt ang presence at absence; naki-legis at nakibihis talaga akez sa balaysung ng baklang Rica.

Back to Embajada, dilemma is on the loose.

Super hanap daw sa 'ken si direk at andon, present tense na si KC and Cindy at kelangan ng i-brief. Ang chika ko naman eh all-along andun lang akez. Witchelles ba nila akez napansin ara?

Deadma.

Chikahan with Cindy and Papa KC. At first eh wa epek naman sa 'ken si Papa KC, maongkad, mashuti, with all that bad boy image . . . . at witchelles pinansin ang skrip ko ha. Parang mas bet ko pa tuloy ang younger bruderrete niyang si Colby na unang sigtheousbelles kez pa lang eh nagwatir-watir na ang bahay-bata kez.

Pero si KC Montero pala eh parang bagoong alamang . . . . . habang tumatagal eh kumokyorapsa. Happy-happy naman siguro ang lola Geneva ko ditey sa umbao na itey hey hey hey.

Hayun na nga, show proper na . . . . so mejo relaxation portion na. Nasa gilid lang akez ng entablado more assist kay Papa KC.

Mejo star studded ang event. Present si Robbie Carmona, andon din si Derek Ramsey na witchelles ko man lang na-sense, si Geneva, siyempre, in all support . . . . andun din ang lola Vina Morales ko with her fabulous kimono-inspired, silk top . . . at plunging kung plunging itu . . . nahiya naman akez biglang mag-proclaim na babae akez 'nung napatingin akez sa plunging neckline ni Vina. Present din ang some other models and stars.

By the way, one of the contestants nga pala eh si Belinda Bright. In fairness, flolessa pa ren ang lola nating itu . . . at ang . . . . . . . boobey ng ate ko . . . . daks . . . . kakaloka . . . witchelles naman sa natotomboy akez or anything ha . . . . but then . . . . na-amaze lang akez sa boobey ni bakla . . . na sa tuwing nakikita kez eh parang nangingilo akez at the same time eh nanghihina . .

Hayun lang naman ang waterloo ng mga veklores eh . . . . kung kay superman eh ang kryptonite . . . . magpasight ka ng dakilyn jose na boobaloo sa isang badinggerzie . . . eh siguradong iikot ang paningin nito . . . manghihina ang tuhod . . . . at pag tumagal-tagal eh . . . may-I-faint na ang drama.

In the middle of the show, habang rumoronda-ronda akez eh na-sight kong may mega kaway sa 'ken on the other side.

Si lola Rica, na kahit kailan eh witchelles nagpapahuli sa eksena . . . . at ang kajoint-forces niya . . . ay walang iba . . . . kundi ang baklang dumunyu . . . . Jessica.

Naka-dress to kill na naman ang Jessica na parang gustong humabol sa contest with his Gucci Belt na pwedeng isampal sa fezlack mo, pero magiging proud ka pa at matatatakan ng daks na "G" ang fez mey hey hey hey.

Witchelles naman sa nanghuhusga akey hey hey sa kapwa kong bakla but then. Iba talaga ang vibes nitung si Jessica. Meron siyang Attention Deficiency Hyperactive Syndrome, meron pa siyang Spotlight Syndrome, megalomaniac pa si bakla, paranoid . . . . basta super nega siya. Wish ko na lang eh madagdag ang Parkinsons sa listahan . . . Echozzzz. Anyway, tinatry ko pa rin naman na maging friendiva kame kasi naman super friendiva niya si Rica. Halos magkababata sila and they went to the same school hanggang maging mga kolehiyala sila.

Super beso kame ni Rica at simangol naman ang sinalubong sa 'ken ng tarambukol na New Yorker.

"Do we need to be foreigners to be served well here?", chika ni bakla na parang sinampalukang galunggong.

"Why what’s the problem?" oblivious naman akez sa eksena.

"Well, we've ordered for drinks and I'm already counting eons, the drinks are still not here.”

"Sorry. Kasi, andaming tao. Follow-up ko na lang sa manager." Da 'vah? Anu namang pakealam ko sa pagse-serve ng drinks eh samantalang show lang ang dapat na pinapakealamanan ko, pero dahil friendiva siya ng friendiva ko eh I’m making extra efforts.

Bet ko lang asarin si bakla, chika ko, "You know what? Why don't I get you GSM Blue!?"

"What's that?"

In-explain ko sa kanya na itu ay Gin . . . BILOG!!!! Naloka si bakla . . . . . nag-ballistic sa suggestion ko. Sabi ba naman, hindi daw keri na masayaran ang lalamunan niya ng mumurahing alak. Nag-sorry na lang akez, but deep inside eh laftir akez ng laftir sa thought.

Dumating na ang waiter with their drinks.

"Do we need to be foreigners to be served well here?" chika na naman ni Jessica na parang sinaulo lang ang linya. "Mind you, I can speak four languages, excluding Ilocano and Waray."

Nagulantang ang mundo ko sa last statement. Witchelles ko learn kung magpapalit ba ako ng mukha o tatambling at babalek na lang sa sinapupunan ng ina ko. Hanu naman ang fukealam ng waiter kung marunong siyang umispluk ng kung anik-anik na lenggwahe da 'vah?

Pati ang waiter eh speechless sa narinig niya sa baklang Finnochio.

At witchelles pa doon natatapos ang eksena, meron pa siyang sundot na: "Nakita mo na ba ang lalagyanan ko ng salapi?"

At that point eh witchelles ko na kinaya ang mga talak . . . .nag-excuse na 'ko at bahala na sila sa buhay nila.

Napostcard din ang show, sa wakas, ng walang ka-effort-effort.

Lumapit ako kay KC and Cindy to get their cue cards and to congratulate them for a job well done. Nag-thank-you din naman sila sa 'ken for being the friendliest and most accommodating production manager they ever worked with. Ohhhh! Title ako da 'vah? Pa'no ba naman akez witchelles magiging friendliest at most accommodating eh witchelles ko hinahayaang mawalang ng beranggju at tequila sa gilid ng entablado.

At ang talak ni Papa KC sa 'ken, "You have nice shoulders . . . ."

Aba! Aba! Aba! Naman da 'vah?

Witchelles naman siguro enough yon para magkaroon akez ng hydrocephalus at para lumobo ang ulo kez but then, I totally appreciated the comment. My gawd! How many times in your life will you encounter a KC Montero and compliment a part of your body, even if it is just the . . . . shoulders?

Anyway, para lang witchelles kayo mahiwagaan kung paano nakita ni KC ang shoulders ko eh simple lang naman, I'm wearing a shirt, courtesy of ESPRIT, then, it has a diagonal zipper from the collar bone to the right above kili-kili portion so that when you unzip it . . . . viola!!!!! Your shoulder is exposed. And I never regretted exposing my shoulder that evening.

Kung mejo makapal-kapal lang sana ang fezlack kez eh shinulak ko kay KC na . . . . "You've just seen the shoulder . . . . . you havent seen the rest of me . . ." Hahhahah . . . . . kung hindi ba naman ako super kape na 'non da 'vah? Atsaka, eynimomentz . . . . I do this . . . I do that . . . and BOOM! My nose is a BLEED!!!! Ayaw ko naman yatang dumanak ang dugo ko sa fabulous 3 inch-thick glass floors ng VIP Room ng Embajada.

Nang mapostcard na ang lahat ng eksena, ang post-prod meeting na wai din namang na-achieve dahil super latukan portion na ng berangju ang everybody eh nagparamdam na si Claude para sunduin na akey hey hey hey.

Super-ask si Jessica kung bet ko bang sa kanya na lang akez sumabay with Rica in his Chedeng, with a chauffer, take note, with extra emphasis sa salitang Mercedez ha at Chauffer.

Chika ko naman, kay Claude na lang kasi he made time na sunduin ako. But deep inside, parang witchelles ko naman yata magkaroon ng utang na loob sa kanya at baka pagnagka-warlahan eh dahil sa mga utang na loob na itu eh magkaubusan na ng lahi.

Anyway, napansin ni Jessica ang 3210 na phone ni Claude. By the way, Claude has been using a 3210 phone ever since at witchelles niya itung bet palitan maski haves naman siya ng ukani na pangbuysung ng mas ezza na nyelpi. Witchelles lang siya sang-ayon sa fad ng makabagong komunikasyon.

Hiniram ni Jessica ang nyelpi from Claude at in-examine na parang ebidensyang napulot sa isang crime scene. Talak ni Jessica, "My goodness! I didn't know that somebody is still using this phone. You've got a dinosaur of a phone, ha" At sinauli niya itu kay Claude, with the diring-diring hawak na baka super afraid siyang matatak ang fingerprints niya sa teleponong iyun at parang ikakabawas ng dignidad niya pag may nakadiscover ng fingerprints niya sa isang 3210.

By instinct eh sabay kame ni Rica na napa-sight kay Claude. Aaaaay! Warlahin na siguro ni Jessica kung sinetchie man ang bet niyang warlahin, wag lang si Claude. Ay mama mama mama yokero mama! Biglang namutla akez . . . . eynimomentzzzz . . . world war itu . . . . itu ang ubusan ng lahi pag nagkataon.

Buti na lang at witchelles nag-react ang lola Claudine ko. Ikmyle lang siya then inaya na niya akez to go.

'Nung nasa carumba na kame eh nasabi ni Claude na witchelles na lang siya nag-react, pero bet na bet na daw niyang lumpuhin si Jessica, but then out of respect na lang daw kay Rica and besides, matatanda naman na raw kami . . . . . witchelles naman na siguro karapat-dapat ang cat fights.

Napahinga akez ng malalim, pero na-sense kong, kung witchelles ko feel si Jessica . . . si Claude eh hindeng-hindi feel si Jessica.

Bago akez maborlog that evening eh napajisip akez.

What does it take to be a SUPAHSTAR?

As badinggerzies, most of us have this inherent urges to rise above others . . . to be stars. Kung minsan nga eh witchelles natin learn na nakakasakit or nakakakyopak na pala tayey ng ibang utawsingbelles para lang maka-advance to the next level . . . just reaching for that unreachable star, sabi nga ni Frank Sinatra. All these years eh nafelt ko ren na mahilig talagang magmiganju ang mga badinggerzie, whether it is for good or for bad, para lang magkaroon ng pangalan, or para lang magkaroon ng reputasyon . . . para lang magkaroon ng magandang image.

Parating meron tayong gustong patunayan . . . . sa ibang tao. Witchelles tayey nakukuntento sa kung ano ang meron tayo at sa kung ano ang kaya naten. There are always, castles being built in the air, there always are people running after their illusions, who can't seem to settle for what's at hand and what is feasible.

And sometimes, when we are already on a certain level, we forget to look back or look down from where we came from. Yes, sometimes, we look down, but we look down literally at those people, whom we think are below us.

Do those things make a SUPAHSTAR?

But in my own opinion, we are all SUPAHSTARS in our own right. We are just too preoccupied to notice it.

I am a SUPAHSTAR for being very good at my job, for being a brother, for being a good friend . . and for simply being me. (Let's not forget . . . for having nice shoulders!)

Rica is a SUPAHSTAR for being unafraid to take sides, for being outspoken, for being cheerful at all times.

Claude is a SUPAHSTAR for standing for what he believes in, even though he is standing alone, for being deviant, extraordinary, philosophical, practical and logical.

We don't need to have a STAR COMPLEX to be a SUPAHSTAR.

All of us are SUPAHSTARS!!!!

No comments: