Wednesday, March 10, 2010

KING COBRA

Sa truelili lang eh witchelles akembang naging super fan ng gay bars – as in yung haves ng mga dancur effect. Ewan ko ba, witchelles lang siguro akey namulat sa ganuong kultura.

Sa tanan ng kabaklaan kez eh tatlong beses pa lang akez nakaatak ng gay bar.

Yung una eh yung 18 years old palang akez non at isang coming of age gift lang sa akin ng isang older heterosexual menchus na jinsan-ara kez. Naloka ako sa concept. Sa mga panahon na iyon, ang tanging batayan ko lang ng gay bar at macho dancers eh ang pelikulang SIBAK at ang MACHO DANCERS ni Lino Brocka.

Witchelles naman akey nalurkey nang bonggang-bongga. So, haves lang ng mga lulurking naka-pukiy shorts, nakakalokang Botswana na dadaigin pa ang mga majorette, na super dance galore lang sa stage sa himig ng “Til Death Do Us Apart” ng White Lion.

After that na-realize ko lang na I’m not a gay bar gay type.

Pangalwang atak ko eh around five years ago. Inaya lang akey ng mga bilat work friends at umatak kami sa isang gay bar sa may Betty Go Del Monte. Witchelles ko rin naman na-enjoy at witchelles ko ren na-betty Go Del Monte ang eksena dahil more bilat-bilatan portion ang entourage.

At ang pangatlong atak kez eh last week lang.

Dahil depress-depressan nga ang drama ko with MHW, I decided to take a five-day vacay leave from work.

So, Claude, Kiara, Rica, Jessica and me decided to have an impromptu retreat and go to Subic.

During our last day, dahil sa naubusan na kami ng reli, parang everybody agreed na mag-gay bar na lang. At first, it came out as a joke until everybody agreed na it’s not really so much of a bad idea.

Nakarating kami sa outskirts ng Subic dahil na ren sa recommendation ng isang friendiva na taga-don. Medyo ngarag na raw kasi ang beauty ng mga dancurs ng mga gay bar sa city proper kaya super atak kami sa isang far-away place hanggang sa nakarating kami sa “King Cobra”.

Nag park kami sa tapat ng establishment. Pero witchelles pa kami bumaba. For five minutes eh nagdedebate ang mga baklaire kung go ba or not go even though learnt naman naming sa isa’t isa ay may kanya-kanyang kilig sa mga virtual tinggil ang pinipigil.

So hayun na nga, nagbabaan din ang mga badinggerzie. Atak kung atak!!!

Bago pa kami makajosok eh nakahearsung kami ng dalwang buzz. Later on, I learned na may mga super buzz effect pala na eksena pag may bagong kyostomer … at pag dalawang buzz daw eh kyostomer na haves ng karumba. Kalurkey ang concept.

It was a weekday pero nakakaloka ng slight dahil medyo plenty ang utawsingbelles … pero more ang bilat. Ganito na siguro ang kalakaran sa gay bars, more bilat kyostomers ang labanan. Eh baket wit na lang showraging girl bar da ‘vah?

Pagjosok namin eh may isang menchus ang super dancerette sa stage. Super indayog si kuya na parang walang verterbrae at parang uod na binudburan ng asin. Although, witchelles naming betchay si kuya dahil medyo thunders at haves ng mga unwanted fats eh pinagpilitan naming jumupostrax sa super harapan ng stage. Sayang naman ang pinunta namin dun kung witchelles naming mae-enchance ang mga umeeksena.

Sa truelili lang eh wala naman akez masyadong ineexpect. Same old – same old and I know na nothing astonishing will come up. Talagang trip trip lang.

So more nongga and more watch nang nagpapapalit palit ang mga dancurs. Iba-iba ang mga fezlack. Iba-iba ang shortawan pero pare-parehas ang dance steps.

Hanggang sa na interrupt ang show nang mga dalwang veklores ang tumuntong sa stage at nagchikang, “this is the time that you have been waiting for?”

Shinorwag nila ang mga menchus sa stage at nag-line up ang mga kuya.

Ang eksena pala eh more pilian portion na kung sinetch ang bet na i-table.

Naloka kami sa line up kasi may mga nag-appear na mga jugets na witchelles pa naming na-sight na mag-dance.

Kami lang ang nilapitan ng mga becky para mamili ng dancur.

At first eh super laftir lang kami sa eksena, pero nahulog naman bigla ang matres ko ng super sight sa min ang mga menchus especially yung mga bagets na kalalabas lang. Mga tipong napag-utusan lang ng mga magulang na bumili ng suka at ang ending eh nag-sayaw na sa bar. More freshness ang labanan.

So, for the sake of fun eh ang trip-trip namin was notched up a level higher. We decided na i-table naming ang mga bagets.


TO BE CONTINUED …