Tuesday, June 13, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting


Pag-return of the jedi kez from Davao eh I made a self-declared rest day or rather rest week. Tinigbak kez lahat ng line of communication from the outside world and parang ang betchay kez lang eh ang mag-hybernate hanggang dumating ang second coming. Witchelles naman akez yung tipong utaw na haggardin . . . well physically speaking . . . . haves akembang ng resistensiya ng horse (wish ko lang nota na lang na nota ng horse ang nakuha key hey hey hey) pero mentally speaking eh . . . . oh well . . . . . . madali akez ma-orgod . . . .

Before I go to my story of the day eh kaonting update lang.

Ang badinggerzie kong shofated, si Nick, eh super bisi-bisihan sa kanyang thesis. Supposedly eh dapat nakagraduate na siya 'nung March but then ewan ko ba kung anechiwa ang nangyari at biglang naging Octoberian si powtah. Sinasabi ko na nga ba eh, feeling kez eh dahil itu sa jowa-jowaan portion niya! (Insecure?!) Deadma, I made a vow na never ko nang shushukialaman si Nick regarding his personal life.

Si Bunso naman . . . . oh well . . . ano bang maichichika kez . . . . he's starting to get on his feet. 'Nung simulang niraket ko siya (modelling) eh naging sunod-sunod na ang booking ng bagets. In fairness . . . hiyang siya. Pero sa balaysiva kez pa ren siya nakatira-ara. Take note . . . sa sala itu ha. At walang physical contact itu since the time he moved in with us.

Si Kiara eh rampa lang ng rampa. Bago akez nag fly paatak ng Davao eh may jowa siya then, pagcome-back kez eh may another jowa na naman si de-powtah! Si bakla talaga, walang kupas ang kakatihan . . . . mahihiya ang gabi sa kanya sa pagkakati.

Speaking of kati-katihan portion . . . .

Disconnected ako sa mundo, until one Saturday evening 'nang dumating si Claude sa balaysung. Learn ko naman aapear siya that night dahil mega-text siya na aatak siya dahil witchelles ko nga bet lumabas.

So pagdating niya eh tulug-tulugan naman akembang. Nakahilata lang akez sa kama ng pumasok siya sa kwarto ko.

Ginising-gising niya akez, pero super deadma ako. Mega close pa ren ng eyes.

Naloka na lang akez nang na-feel kong umangat ang kutson ng kama ko and next thing I know eh nasa sahig na ko.

Powtah. Umiral na naman ang pagka-amazona ni bakla.

Sabi niya, magbihis raw akez at meron kaming aatakan.

Chika ko witchelles ko bet.

Chika naman niya eh wag ko na raw hintayin na siya pa ang magbihis sa 'ken at baka pa magkabali-bali ang mga bulalo ko.

Sa pagkahigante ni Claude eh mahirap mag-doubt na keri niyang panindigan ang mga chinichika niya. So, with matching dabug-dabugan portion eh nagbihis akez.

Sa buong akala ko pa ba naman eh malars ang atak namin but then naloka akez nang pa-cubao ang daang tinatahak ni bakla.

Talak niya aatak daw kami sa "F".

Mega-ask naman akez, "F??? Fashion . . . . Fabululoush . . . . . Facsist Bar . . . . ?"

"Farenheit!"

Sa isang salita na yon eh parang nayanig naman ang mundo ko.

I've heard of the place, but never been there.

"Teka . . . teka . . . . teka . . . ."

Bago pa ako makapagreklamo eh, "Wag ka nang magsalita pa . . . ." ang talak ni Claude at tumahimik na lang ako.

Honestly . . . . naloka akez . . . . becoz . . . .becoz . . . . hindi naman sa hindi ko gusto pero ang siste eh . . . . HINDI AKO PREPARED . . . . . . sinsabotahe na ba ako ng kaibigan ko. Imberna.

Tinahak namin ang kahabaan ng E.Rod. At huminto somewhere . . . .

Nakita ko ang signage . . .

Pero sa baba 'non eh parang walang pinto . . . parang puro walls lang.

"Bakla. Parang sarado na," talak ko kay Claude na pababa na ng caru.

Binuksan niya ang pinto sa side ko at pinababa na ren akez.

"Bukas yan," talak ng baklang hukluban.

May isang mama na naka-upo sa isang monobloc chair ang shumoyo paglapit namin at lumapit sa itim na dingding at naloka na lang ako na may handle pala don somewhere and viola! May pinto nang bumubukas.

I haven't been in a bathhouse for a long time. Ang huling bathhouse ko pa yata eh nung panahon na dinaraos ang sentenaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

So, pa-virgin effect naman ako.

Bago kami nag-enter eh megakapa-kapaan portion ang mama.

Pag enter namin eh isang box office agad ang sumalubong sa amin. Well, more of like na parang booth na pinagbabayaran ng pusta sa mga karerahan ng kabayo. May dalawang menchus ang bisi-bisihan sa isang window at hindi pa 'ko nakakakurap eh may-I-give na sa 'ken si Claude ng isang papel na parang papel-de-ahensya. I have this feeling na parang meron akong isasangla ha.

"Fill-up", chika ni Claude in his usual superior-like-military tone na wala kang choice kundi sundin ang sinasabi niya.

Okay.

Name . . . .

Address . . . .

Birthday . . . .

Phone number . . . .

Signature . . . . . .

At kulang na lang eh proof of purchase at pwede mo nang ihulog sa suking tindahan.

After 'non eh mega-paysung na si Claude at ginivesungan naman akez ng bilat sa loob ng booth ng isang kakapiranggot na laminated na pink na papel. Yun na raw yung membership card ko.

Tapos sabay sigaw yung bilat sa loob ng "New Member!!!!!!"

Kakaloka. Kelangan talagang i-announce?

At biglang merong lumabas na menchus na naka-uniporme. "Sir, dito po." Talak niya sa amin.

Bago pa 'ko pumasok sa pinto eh may kumalabit sa aken.

Teka . . . teka . . . teka . . . . hindi pa ako nakakatatlong hakbang sa loob ng bathhouse eh may kalabitan portion na.

Paglingon ko eh yun palang baggage boy. Pinapashonggal niya yung jacket ko.

Nag-resist naman akez. Sabi ko witchelles ko bet. Tapos chika niya. Kelangan daw. Nako ha. Ayaw ko na lang makipagtalo sa isang baggage boy, sinurender ko ren ang jacket ko at super givesung siya ng isang tag na may goma.

Actually nag-resist talaga ako, dahil naka-sando lang akez. So, without the jacket and with my "yatis" na shortawan . . . . . eh parang hindi naman yata yon ka-aya-aya for a newbie. Witchelles makatarungan . . . . at ayaw ni Congresswoman Eta Rosales ng ganyan! Deadma. Na-realize ko na lang na later on eh shoshonggalin ko ren naman ang lahat-lahat sa ‘ken.

Super enter kami sa isang makipot na corridor then, bumulaga na sa 'ken ang isang entrance paakyat ng hagdan. Sa baba 'non ay may another menchus in uniform ang nagbabantay with a ledger of some kind. Sinundan ko na lang kung anech ang ginawa ni Claude. Nilabas niya yung wallet niya, phone and some other stuff na nasa bulsa niya. Na parang nahiya akong gawin dahil ang plenty ng nakalagay sa bulsa kez with matching a mini-stuff-toy na tweetie bird na key-chain. Nilista ang mga items nung menchus na parang si San Pedro at ginivesung sa another menchus na nilagay naman ang mga gamit sa isang bakanteng box kahelera din ang sangkaterbang maliliit na boxes . . . that would remind you of a post office. Pagkatapos non eh sinusi ang box at ginivesung ang another goma with two keys. In-explain sa 'ken 'nung menchus na yung isa eh yung susi 'don sa box at yung isa eh susi sa locker.

Nagbigay na ng go-signal yung San Pedro na nakabantay sa baba ng hagdan pagkatapos ang another kapa-kapaan portion at pinaakyat na kami.

All those times eh tahimik lang si Claude. 'Nung paakyat na kami eh bigla siyang tumalak.

"Okay. Siya na ang mag-ga-guide sa yo (referring to the menchus na sumundo sa 'min sa box office). Wala nang point na samahan pa kita. It would spoil the evening. I'll go ahead, magkita na lang tayo."

At nagmadaling nauna na si Claude.

Sa loob-loob ko naman eh potah naman pala 'tong si Claude sinama-sama pa akez and then all of a sudden eh solo-flight din pala ang labanan. Luka-luka!

Pag-akyat namen eh boses ng mga nagvi-videoke ang na-hearsung kez. Tapos may bar. I made a quick scan. In fairness . . . . okay yung place. Pero sa area na yon . . . eh lahat ng nasa-sight kez eh bihis pa naman . . . so far so good. Wala munang gulatan.

"Eto po yung bar . . . ." chika nung tourist guide.

Oh well . . . mukha siyang bar . . . . kelangan pa ba niyang i-define sa 'ken yon?

Tapos tumuro siya sa kaliwa . . . . "Eto naman po yung library."

Muntik naman akong matalisod 'dun sa narinig ko . . . LIBRARY talaga . . . ano 'to school?

Pagsilip ko eh na-sight ko ang hile-hilerang dirty magazines. Okay fine. Library na nga 'yon kung library.

We walked across the room. We passed the mga "pa-menchus" na super birit sa awiting "You Raise Me Up". . . the mere fact na iniwan ako ni Claude and the mere fact na mag-isa akong tinu-tour sa isang bathhouse eh nakapagpa-windang na ever sa mundo ko eh dinagdagan pa ng sakit ng ulo while hearing the group of pamenchus sing Josh Groban. Define "roller coaster of emotions."

Sa kabilang dulo ng room, huminto si tour guide, "Eto po yung audio-visual room . . "

Hanep! May library na nga, may AVR pa . . . . san ka pa?

Di ko na ninais na silipin pa kung anech ang nasa loob, seeing the "library" gave me the whole point.

Umatak kami sa isang corner na 'nung unang sight ko eh akala ko naman eh dead-end dahil puro salamin, but then no! May hagdan pala ditey pababa.

So . . . . baba naman kami.

Pagbaba eh biglang nag-dilim naman ang lahat. Pula . . . masyadong red ang ambiance. Meron na namang ala-San Pedro ang nakabantay don at heto pa, may podium talaga siya. Another set of kapa-kapaan portion. No wonder, malamang eh super heated up na ang mga menchus bago pa man maka-aksyon sa pinaka-loob sa dami ba naman ng mga buffy menchus na kumakapa-kapa pag-enter.

Pag-pass namen doon eh unang tumambad sa 'ken ang mga gym equipments that were awkwardly positioned. Yung mga tipong parang hindi sila para 'don. The way they appear eh parang hindi naman sila nagagamit . . . in short . . . display!

Sa kaliwang side ng room na yon eh ang mga lockers. In fairness . . . bet ko ang interior design 'nung place ha. Check na check.

"Eto po yung mga lockers . . . "

Aba'y malamang . . . . hindi naman sila mukhang mga "room for rent" sa 'ken.

Tapos eh sinenyasan ako nang menchus na kumanan muna, passing the gym equipments kuno, to a more dilemma place. Pag enter namen don eh parang crystal maze naman ang labanan, super paliko-liko . . . at salamin here . . . salamin there at salamin everywhere . . . . kulang na nga lang eh humawak ako sa tour guide or else eh witchelles ako makakalabas 'don. Inside the crystal maze eh ang shower room . . . tapos sa may bandang dulo eh ang sauna. Doon pa lang eh plenty na ang mga nagle-lurk na mga menchus na super tapis-tapisan portion na lang ang labanan. Samantalang ako itong all-dressed up pa . . . with matching tour guide . . . . could my entrance be less conspicuous than that? Harsh!

May-I-follow lang ako sa tour guide hanggang makalabas sa crystal maze. At nakahinga ako ng malalim

Sa likod naman ng mga lockers eh may daanan . . . another lagusan ito. With another shower room . . . and another bar.

Kung yung bar sa taas eh filled with "dressed" people . . . yung bar naman sa baba eh filled with "undressed" people. Ang funny ng concept ha.

More lagusan at hanggang sa makarating kami sa another stairs paakyat.

"Dyan po mas maraming place . .. tapos may mga booths . . .hindi na po tayo pwede umakyat dahil nakabihis tayo."

With the tone of his voice . . . . I believe na yun na ang this-is-it na place.

Got it.

Sa dami ng lagusan at pajikot-jikot nung lugar na yon eh naloka ako. One turn, may mga gym equipments na parang useless, one turn . . . eh may mga menchus na naghuhubad at nagtatapis, one turn . . . eh isang bar na ang mga naka-upo eh mga menhus na walang pakundangan sa pagbukaka . . . one turn eh ang crystal maze . . one turn eh shower room with menchus na mega shower all-the-way . . . . one turn eh stairs . . .one turn . . .another stairs . . . . talk about direction overload . . . .

"Okay sir. Pag may problema po eh ipatawag niyo na lang ako. Pwede na kayong magbihis."

At iniwan na ko ng tour guide.

At that point eh parang I felt that the entire place is closing in on me . . . . it's me against the world . . . . .

Attack na ko sa mga lockers. Hinahanap ko si Claude pero nowhere in sight siya. Hinanap ko ang locker ko. Gustuhin ko mang tumingin-tingin sa paligid ko at i-sighteous ang hitsura ng mga utaw eh parang witchelles ko ren kinaya.

So, open ng locker . . . getching ng tinnie-winnie na tuwalya at slippers. Hubad . . . . . . hubad . . . and hubad . . . . .

Huminga ng malalim then . . . . bahala na si batman.

To be continued . . . .